Raine's point of view:
Nandito kami ngayon sala kasama si josh, sammie at anjo pero itong mga to nag-iiyakan.
"Oyy bakit ba kayo umiiyak diyan"sabi ni ian. Alam ko na masaya sila dahil okay na kami ni ian naging malapit din kasi ang loob ko sa kanila tatlo lalo na ngayon kasi dahil sa malaki pa rin ang tampo kila grace at masaya ko na sila muna nag magiging kaibigan ko lalao na si sammie.
"Tears of joy lang ang saya namin at okay na kayo"sabi ni sammie. Ito talaga mga toh ang drama lalo padating sa amin ni ian iba talaga samahan namin lima e.
"At isa pa di na magmumukmok sa amin si ian happy na siya ulit"sabi ni josh.
"Teka ibig sabihin kayo na ulit?"tanong ni anjo. Kahit kailan talaga slow si anjo palibhasa basted pa rin kay vaness.
"Obyus ba anjo ang slow mo talaga"sabi ni ian. Isa rin sa close friend ko sola vaness alam ko naman na mahal niya rin si anjo kaso alam kong ayaw pa niya talaga mag-boyfriend.
"Sobrang saya ko talaga beshie pero ang problema niyo lang si kuya charlie for sure sobrang galit non pag nalaman niya na kayo na ulit"sabi ni sammie. Alam ko pero wala naman siya magagawa para pigilan ako alam kong di siya papayag na balikan ko si ian ganun katindi ang galit niya kay ian.
"Wala na kami pakielam doon kahit anong gawin ni kuya charlie magiging handa kami ni raine"sabi ni ian.
"Paano yun raine uuwi ka na ba sa inyo"tanong ni anjo. Sa totoo lang ayoko talaga umuwi sa amin at alam ko na oras umuwi ako ilalayo ako ni kuya kay ian.
"Ayoko pa umuwi talaga kaya sasama na ko kay ian"sabi ko. Tapos nanlaki bigla mga mata nila.
"Ano Magtatanan na kayo!"gulat na sabi ni josh. Kaya binatukan siya ni ian.
"Siraul* ka ba! Anong tanan ka diyan sa amin lang siya matutulog muna"sabi ni ian.
"Ahh live in lang pala"sabi ni anjo. Kaya inunahan ko na si ian para batukan ko siya.
"Kayo talaga puro kayo asar noh, Sa guestroom ako matutulog hindi sa kwarto niya mga isip niyo talaga"sabi ko.
"Kaya guys una na kami ni raine gabi na rin "sabi ni ian.
"Sige ingat sa pa-uwi di na ko sasabay sa inyo dito na ko matutulog"sabi ni anjo at umalis na kami.
Nakarating na kami sa condo ni ian balak niya dun na muna kami dalawa naman daw kwarto doon at sinamahan niya ko doon.
"Okay ka ba dito sa guestroom raine"tanong niya.
"Okay na ko dito ian"sabi ko. Tapos niyakap niya ko ang sweet talaga ng my ian ko. Akala ko aalis na siya pero umupo kami sa sofa dun.
"Magpahinga na tayo ian late na rin may pasok pa tayo bukas"sabi ko. Hindi niya ko pinakinggan at niyakap lang ako.
"Mamaya na gusto pa kita makasama" sabi niya.
"Pero may pasok pa tayo bukas di ba"sabi ko.
"Natatakot kasi ako na bukas mawala ka na at ilayo ka sakin ni kuya charlie"sabi niya.
"Ano ka ba hindi ko papayag na paghiwalayin na tayo hindi na tayo maghihiwalay"sabi ko. Tapos kiniss niya ko sa noo.
"Ang saya ko talaga raine"sabi niya. Nakita ko naman umiiyak siya. Kahit kailan talaga ang iyakin ni ian.
"Wag ka nang umiyak ian ang mahalaga magkasama na tayo"sabi ko. Kaya niyakap niya ko ulit.
"Kaya lang ako naiiyak kasi simula nung hiniwalayan mo ko at ang tagal mo hindi nagpakita nawalan na ko ng saysay na mabuhay pero nagbago ako kasi alam kong babalikan mo ko at hindi ka magsasawa mahalin at patawarin ako"sabi niya. Dahil dun naiyak na rin ako kasi ang drama niya magsabi.
"Sorry kung pinaghintay kita di ko alam na kasama din pala ang mga alaala ko, alam mo ba nung hindi pa nag-uumpisa yun operasyon ikaw ang iniisip ko kasi hindi ko pala kaya na hiwalayan ka gustong gusto ko na nandun ka sa tabi ko, pero masaya na ko na magkasama na tayo at wala na makakasira pa sa atin"sabi ko. Tapos niyakap ko siya.
"Sige na nga masyado na tayo madrama matulog na tayo baka malate pa tayo bukas, goodnight na my raine love you"sabi niya sabay kiss sa noo ko.
"Goodnight my ian love you too"sabi ko at umalis na siya, Nagpalit na lang ko ng damit at natulog na antok na talaga ko.
Ian's point of view:
Ayun ready na kami for school nakita ko lumabas na si raine bakit ganun kahit naka-powder at lip balm lang siya ang ganda pa din.
"Tulala ka diyan"sabi niya.
"Wala ang ganda kasi ng girlfriend ko"sabi ko. Kaya pinitik niya tenga ko.
"Sus di mo ko madadaan sa bola mo Mr. Flores"sabi niya. Sus bola pero kinikilig naman siya
"Hindi naman kita binobola kahit wala kang make-up ang ganda mo pa din kaya nga mahal na mahal kita"sabi ko.
"Oo na mahal na mahal din kita"sabi niya at niyakap niya ko. Umalis na kami ng makarating sa school at naglalakad kami papasok.
"Ian"tawag niya.
"Bakit may problema ba?"tanong ko.
"Pwede ba ko mag-change ng course"tanong niya. Naiintindihan ko siya alam na niya kung ano gusto niya talagang course.
"Kung ano desisyon ko raine susuportahan kita alam ko naman na pangarap mo maging writer"sabi ko. Kaya kiniss niya ko sa pisngi.
"Salamat my ian ang swerte ko talaga sayo"sabi niya.
"Di kaya mas swerte ako sayo"sabi ko. Tapos nun nagulat ako ng may tumulak sakin sa likod para mahulog ako sa sahig si kuya charlie pala. Kita ko sa mata niya kung gaano siya kagalit ngayon at alam ko na kakahantungan nito.
"Lakas talaga ng loob mo ian sabi ko na at na sayo si raine!"galit na sabi niya.
"Ano ba kuya wala ka na magagawa kami na ulit ni ian"sabi ni raine.
"Akala niyo ba dahil dun di ko kayo kayang paghiwalayin kahit anong mangyari ayoko pa din sa gag* yan"sabi ni kuya charlie.
"Kuya pls tama na hayaan mo na lang kami maging masaya"sabi ni raine.
"Hindi raine kapatid kita hindi makakabuti ang gag* yan para sayo"sabi ni kuya charlie. Ganun ba talaga tingin sakin ni kuya charlie isang malaking gag* lang gaano ba karapat-dapat si ancel kay raine at pinagpipilitin niya si ancel dapat ang mahalin ni raine.
"Hindi kuya hindi mo kilala si ian kaya wag kang magsalita ng tapos para sabihin hindi siya makakabuti sa akin"sabi ni raine. Tapos hinawakan niya ang kamay ko at paalis ng school.
"Raine bumalik ka dito!"sigaw na sabi ni kuya charlie. Tapos nun nakasakay na kami ng tricycle, Dahil sa ginawa ni raine ngayon mas lalo magagalit si kuya charlie at paghihiwalayin niya talaga kami pero ayoko naman magkahiwalay kami ni raine kaya lalaban ako para sa kanya kahit alam ko mahirap kalabanin ang kuya niya.

BINABASA MO ANG
Tired of love (Tired Series#1) (Editing)
Saggistica"Life is not always fine and happy, you can also be hurt and sad" You have a happy and harmonious family. I never imagined that I would lose my grandparents and be abandoned by my parents, left alone in life. It's challenging to be on my own, suppor...