Raine's point of view:
Nasa school ako ngayon nakaupo lang ako sa room at ito nakatulala kasi masaya ko sa relasyon na meron kami ni ian at walang makakapantay noon.
Pero di naman ako nakaligtas sa mga nagbubulungan sa tabi pagpasok ko pa lang halata ako yun pinag uusapan. Masyado kasi kilala si ian sa gr 7 to gr 10 kaya gulat na gulat yun iba na girlfriend ako ni ian kasi alam mo na ordinaryo lang daw akong babae, mga sikat din kasi yun naging ex dati ni ian at mas magaganda kung kukumpara mo sa akin.
"Oyy ateng tulala ka diyan?"sabi ni vaness. Ano ba yan nabasag tuloy moment ko katabi ko kasi sila pati sila france at jamica siguro napansin nila na tulala ko.
"May iniisip lang ako"sabi ko.
"Wow talaga lang hah nag-iisip ka tapos nag-nining-ning mga mata mo diyan"sabi ni jamica. Lahat nalang napapansin nito.
"Wala lang happy lang ako"sabi ko. Sa totoo lang sobrang happy ko talaga oo malungkot pa rin kasi iniwan ako ng mama ko tapos nawala na lang ng parang bula si papa, pero ngayon na my ian na ko nawawala ang lungkot ko kasi lagi siya nandiyan para pasayahin ako.
"Dahil ba masaya kayo ni ian?"tanong ni france. Ang galing niya dun.
"Parang ganun na nga ang saya ng pag-sasama namin ni ian at walang sino man ang makakapag-hiwalay sa amin"sabi ko.
"Di mo na talaga mahal si ancel?"tanong ni vaness. Ano ba itong mga to paulit-ulit hindi na nga e.
"Oo pero wala na kong pakialam dun ang mahalaga masaya kami ni ian"sabi ko. Tapos nun nag-start na klase namin sa research. Tapos nun andito na ko sa canteen kasama si ian hiwalay kami ng table sa barkada. Gusto rin humiwalay nila anjo, josh at sammie pati yun mga friends ko kasi naiinggit daw sila sa sobrang sweet namin.
"Nag-breakfast ka ba?"tanong niya. For sure papagalitan ako nito. Wala na kasi akong time mag-breakfast sa umaga kasi dalawa yun trabaho ko tapos iwas gastos din.
"Kumain ako ng tinapay"sabi ko.
"Tinapay lang hay na ko puyat ka na naman 5 hrs lang tulog mo. Raine dapat 7 hrs ng tulog magkakasakit ka naman sa ginagawa mo tignan mo nga yan labi mo ang putla at ang lalim pa ng eyebags mo"sermon niya. Di na nawala sa kanya ang sermunan ako naiinis daw kasi siya na ang kulit ko daw kasi hindi ako nagpapahinga.
"Ian sorry na kung nag-aalala ka pero kailangan kong gawin ito gipit na gipit ako sa pera di ba wala akong makukunan ng pera"sabi ko. Gusto kong makatapos ako para naman din sa future namin iyon.
"Pero raine magkakasakit ka sa ginagawa mo, kailangan mo ng pahinga paano kung maulit na naman yun nangyari sayo aa clinic"sabi niya.
"Alam ko ian mag-kasakit ako pero di pa ko mamatay"sabi ko. Dahil dun pinalo niya yun bote sa ulo ko alam ko naman na may katigasan din ang ulo ko at isa pa kong pasaway.
"Hay ang tigas talaga ng ulo mo, kumain ka ng kumain diyan para lumakas ka"sabi niya.
Habang kumakain tinawag ako ni charlie yun kaibigan ni ancel at boyfie ni ate celes.
"Ohh charlie kailangan mo?"tanong ko.
"Tatay mo ba si rey velasco?"tanong niya.
"Oo panganay niya ko, ako si Lorraine Denise E. Velasco"sabi ko. Pero mas nagulat ako ng niyakap niya ko.
"Ang saya ko at nakita rin kita kapatid ko"sabi niya. Huh? Di ko siya maintindihan.
"Teka nga charlie di kita maintindihan" sabi ko.
"Magkapatid tayo kami ang tunay mong pamilya kinuha ka lang samin ni papa ako ng tunay mo kapatid at matutuwa si mama na makita ka"sabi ko. Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. Kaya ba simula pa lang bata ako ganun ako ituring ni mama kasi di siya ang tunay kong ina.
"Ibig sabihin stepmother ko yun tinuturing ko na totoo nanay ko at pati ang mga kapatid kapatid ko lang sila sa ama"sabi ko.
"Nasabi kasi sakin ni ancel na hinahanap mo ang papa mo at nalaman ko ng name niya kaya pumunta na ko para makita ka"sabi ko.
"Di ako makapaniwala na ikaw talaga ang tunay ko kapatid at yun nanay mo ang talagang nanay ko"sabi ko.
"Namiss kita sanggol ka palang nung nakita kita bunso matagal na pala malapit sakin ang kapatid ko hindi ko pa nakita sorry bunso kung matagal ko nalaman di ka sana nahihirapan ng ganito kaya pangako babawi si kuya"sabi niya.
"Masaya ko dahil kuya kita"sabi ko. Tapos niyakap niya ulit ako.
"Hayaan mo nandito na kami ni mama para sayo di ka namin papabayaan"sabi niya.
"Hi kuya charlie ako nga pala si killian james flores boyfriend ni raine nice meeting you po"sabi ni ian.
"Alam ko kaya tandaan mo ang mga sasabihin ko ian wag na wag mong sasaktan ang kapatid ko kung hindi kalimutan mo na nabuhay ka pa sa mundo kaya tandaan mo yan"sabi ni kuya. Hay si kuya talaga daig sina papa pag-kaprotective.
"Kuya wag mo naman takutin si ian"sabi ko.
"Ano ka ba kuya di ko paiiyakin at sasaktan si raine dahil mahal na mahal ko siya"sabi ni ian. Yieee kilig ako HAHAHAHA.
"Anong kuya ka diyan di pa tayo ganun kaclose"sabi ni kuya.
Tapos nun umalis na ako ng apparment ko ang kulit kase ni kuya charlie gusto niya dun na ko tumira sa kanila kaya wala na ko choice.
"Mama kasama ko na si raine"tawag ni kuya. Kinakabahan ako na makita talaga ng tunay kong ina.
"Anak"sabi niya at niyakap ako ng napakahigpit. Ngayon naiintindihan ko na kung bakit pakiramdam ko ayaw sakin ni mama noon hindi pala siya ang nanay ko.
"Tagal ka namin hinanap anak masaya ko at nakita ka namin"sabi niya.
"Okay na po yun ang mahalaga magkasama na po tayo masaya po ako na kayo ng nanay ko"sabi ko. Tapos niyakap niya ulit ako.
"Ang saya ko dalawa ang baby ko"sabi ni mama. Tapos niyakap niya kami ni kuya.
"Tapos nun sinamahan ako ni mama sa room ko daw ang ganda nga e kahit daw hindi daw sigurado na mahahanap nila ko lagi nila nililinis ang kwarto ko.
"Salamat po mama sa lahat"sabi ko.
"Wala yun anak bubuo tayo ng mga magagandang memories kasama ang kuya charlie mo"sabi niya.
"Opo mama magiging masaya po tayo ni kuya"sabi ko at niyakap siya.
Masaya ko na may nanay ako na mahal na mahal ako at pati kuya na lagi ako iniingatan masaya ko at meron akong mama claire at kuya charlie.

BINABASA MO ANG
Tired of love (Tired Series#1) (Editing)
Non-Fiction"Life is not always fine and happy, you can also be hurt and sad" You have a happy and harmonious family. I never imagined that I would lose my grandparents and be abandoned by my parents, left alone in life. It's challenging to be on my own, suppor...