Ian's point of view:
Dalawang araw na nung nag-away kami ni raine dahil sa di siya nagpaalam sa akin na sasama siya sa mga kaklase niya buti na lang nalaman ko na bar pala punta niya at muntik na siyang magalaw ng isang lalake kaya galit na galit talaga ko.
Kasama ko ngayon si kuya charlie, ancel at brent wala lang inaya kasi nila ko na sumama sa kanilang tatlo.
"Galit ka pa rin ba kay bunso"tanong ni kuya charlie.
"Hindi naman sa galit kuya pero mali ang ginawa niya muntik na siyang mapahamak"sabi ko
"Alam ko pero hindi naman siguro rason yun para maghiwalay kayo di ba"sabi ni brent.
"Wala naman akong balak na hiwalayan siya alam niyo naman kung gaano ko kamahal si raine pero naiinis lang ako dahil muntik na siyang mapahamak paano kung di ako dumating edi nagalaw na siya ng lalaking yon"sabi ko.
"kung may tampuhan kayo sa ngayon wala naman kami magagawa kundi umalalay sa inyo"sabi ni ancel.
"Hindi naman kayo nag-aaway ni bunso ngayon lang kayo nag-away maling idea kasi na gr 12 pa rin siya edi kung sana di siya naaksindente magkakasama kayo at mababantayan mo siya ng maayos"sabi ni kuya charlie
"Basta bro wag niyo na lang patagalin yan tampuhan niyo na yan"sabi ni brent.
"Hindi magtatagal yan di mo matitis si raine kahit dalawang araw na kayo di nagpapansinan"sabi ni ancel.
"Nasan ba ngayon si reng"tanong ni brent.
"Ayun kasama ni josh, sammie at anjo"sabi ni kuya charlie. Tapos umuwi na kami dahil may date yun tatlo kong kasama.
Raine's point of view:
Hanggang ngayon nagtatampo pa rin sa akin si ian alam ko nagkamali ako wala naman kasi akong alam na sa bar pala kami pupunta akala ko kakain lang sa labas ayun muntik na ko magalaw ni jacob yun kaklase ko na may gusto daw sa akin.
"Bes paano ba yan kailan ba kayo magbabati"sabi ni sammie.
"Oo nga e pati barkada naaapektuhan sa tampuhan niyo"sabi ni josh.
"Hayaan niyo sila hindi matitiis ni ian yan alam mo naman yun masyadong mahal na mahal si raine"sabi ni anjo. Habang nag-uusap kami nag-text sa akin si jacob na magkita daw kami sa school.
"Guyss aalis muna ko punta lang akong school"sabi ko.
"Hatid na kita dun reng"sabi ni anjo.
"Wag na anjo kaya ko na byee guys"sabi ko. Mas mabuting mag-usap na kami ni jacob para matapos na, nang makarating na ko sa school sabi niya nasa gym daw siya kaya pumunta ako doon.
"Jacob anong kailangan mo"tanong ko. Tapos nilapitan niya ko.
"Balita ko hiwalay na kayo ni ian"sabi niya. Hiwalay e nag-away lang naman kami hindi naman siya nakipaghiwalay sinasabi nito.
"Mali ata nabalitaan mong chismis nag-away lang kami"sabi ko.
"Malay mo makipaghiwalay na sayo edi may pag-asa na ba ko"sabi niya
"Alam mo jacob kahit maghiwalay kami wala ka pa rin pag-asa dahil si ian lang ang mahal ko"sabi ko.
"Ano pa bang ayaw mo sa akin di hamak na mas gwapo ako sa ian na yun"sabi ko.
"Hindi mapupunta sayo ang girlfriend ko jacob dahil sakin lang siya"sabi ni ian. Tinignan ko kung sino yun si ian at kasama niya si josh at anjo.
"Wala kang pag-asa kay raine at isa pa mas gwapo si ian sayo kaya wag kang feeling gwapo"sabi ni josh.
BINABASA MO ANG
Tired of love (Tired Series#1) (Editing)
Phi Hư Cấu"Life is not always fine and happy, you can also be hurt and sad" You have a happy and harmonious family. I never imagined that I would lose my grandparents and be abandoned by my parents, left alone in life. It's challenging to be on my own, suppor...