Raine's point of view:
Yun na nga weekend nagpatingin ako kasama si mama at kuya nalaman kong may tumor ako sa utak kaya kailangan kong operahan sa manila ang alis namin ay bago mag 2 days. Monday ngayon iniisip ko kung paano ko ba sasabihin kay ian tapos nun bumaba na ako para kumain.
"Goodmorning mama at kuya:)"bati ko
"Late ka ata nagising anak okay ka lang ba?"tanong ni mama. Halos wala akong tulog kakaisip kagabi.
"Oo nga po buti na lang ginising ako ni kuya"sabi ko.
"Baka sabihin mo bebetime lang kayo ni ian kaya ka di nakatulog"sabi ni kuya.
"Hindi nga e one day na kami di nag-uusap"sabi ko.
"Baka busy lang alam mo naman mayaman yun tao baka nautusan lang na mag-asikaso sa mga company nila"sabi ni mama.
"Baka nga po"sabi ko. Tapos tinuloy ko na pagkain ko.
After nun mabilis kami nakapasok agad sa school nasa room ako at nag-start na ang klase pagkatapos ng dalawang klase breaktime na pero wala pa rin text si ian.
Nang may nag text sa akin na unknown number at tinignan ko nagulat ako sa nakita ko may kahalikan si ian at di ako pwede magkamali si bianca yun ex girlfriend niya!
Di ko alam kung anong nararamdaman ko pero pumunta na ko kaagad sa room nila. Pagkapunta ko andun si bianca at niyakap niya si ian.
"Ohh raine sorry nakalimutan ko mag text sayo busy lang"sabi niya. Saan siya busy sa babae niya!
"Wag mo na ko lokohin ian nakita ko yun picture na magkahalikan kayo ni bianca kaya wag mo na ko lokohin!"sigaw na sabi ko.
"Raine lasing ako nun kaya paniwalaan mo ko"sabi niya. Dahil dun sinampal ko siya.
"Sawang-sawa na ko marinig yan palusot na yan kaya pala wala kang text dahil iba pala inaatupag mo!"sabi ko.
"Raine sorry na pakinggan ko muna ko"sabi niya. Paliwanag para saan pa!
"Pwede ba ian tama na, Akala ko may nakita ko sayo yun pala di naman pala totoo wala ka pag-asa magbago!"sabi ko.
"Raine wag naman ganito ayusin natin to"sabi niya.
"Ian tama na pls pagod na ko, nag-promise ka e sabi mo di mo ko sasaktan pero di mo tinupad yun pangako mo mabuti pa maghiwalay na lang tayo"sabi ko. Tapos nun umalis na ko ang sakit ng ginawa ni ian. Dahil doon nagpaalam na ko na uuwi na ko.
Mahal na mahal ko siya pero gustuhin ko man paniwalaan siya pero nahihirapan akong magtiwala lalo na sa nakita ko hindi naman pwede na mahal ko siya ng ganun lang nauubos din ako.
Charlie's point of view:
Nandito ko ngayon sa canteen napansin ko ala yun mag jowa tapos biglang dumating si france.
"Charlie may dapat kang malaman"sabi niya ano kaya yun bigla kong kinabahan.
"Ano yun?"tanong ko.
"Si raine kasi umuwi daw usap-usapan sa school break na daw sila ni ian kase nag-cheat daw si ian"sabi ni france. Gag* yun hah patay ka ngayon sakin makikita mo. Pumunta na ko mag-isa di ko na kailangan pa ng resbak dahil kaya ko siyang suntukin ng ako lang.
"Ohh kuya ginagawa mo rito?"tanong niya. Kuyahin mo muka mo di na ko nakapagpigil sinuntok ko na siya.
"Wag mo ko tawagin kuya, Gag* ka kakadinner mo lang nung makalawa sa pamamahay ko at malinaw ang sinabi ko wala kang ipipito. Nagpito ka pa talaga at ex mo pang hayup ka! Ngayon pinapangako sayo di mo na malalapitan ang kapatid ko at ilalayo ko siya sayo, Pasalamat ka yan lang inabot mo balak ko sana ilibing ka na ng buhay"sabi ko. At umalis na ko nag text si mama umuwi daw si raine ng umiiyak ayaw naman daw mag kwento. Di mo na siya makikita ian at pagkatapos ng operasyon tuluyan kang mabubura sa alaala niya.
Ian's point of view:
Nandito ko ngayon sa harap ng bahay ni raine alam kong labis na nasaktan ko siya at ayokong mawala siya sakin dahil mahal na mahal ko siya.
"Raine lumabas ka diyan kausapin mo ko"sigaw ko. Nakita ko lumabas si kuya charlie.
"Hoy! ang lakas ng loob mong pumunta dito, Di ba sabi ko ayoko na makita pa yan pagmumuka mo baka gusto mo pa masapak ulit"sabi niya.
"Pls kuya hayaan niyo ko magpaliwanag"sabi ko.
"Gag* ka anong paliwanag pa e puro kasinungalingan lang din ang sasabihin mo, Mabuti pa umalis ka na bago pa ko mag tawag ng lasing na tambay sa kanto!"sabi niya. Nakita kong lumabas na si raine.
"Pls ian umalis ka na wala na tayong dapat pag usapan"sabi niya. Ganun na lang yun wala na!
"Raine naman akala ko ba walang iwanan kahit anong mangyari, Wag mo naman gawin sakin to paano na ko ngayon kung iiwan mo ko"iyak na sabi ko.
"Sorry ian pero mas makakabuti maghiwalay muna tayo ikaw din naman ang sumira ng relasyon natin"sabi niya.
"Pls naman raine pakinggan mo muna ko"sabi ko.
"Paalam na my ian mag-iingat ka mahal na mahal kita kung tayo talaga para sa isa't- isa gagawa ng paraan si lord para pagtagpuin ulit tayo hihintayin ko yun araw na magkakasama ulit tayo"sabi niya at tumalikod. Wala na ko nagawa kundi umalis na lang hihintayin ko siya hanggang sa mapatawad na niya ko.
Raine's point of view:
Nag-aayos na ko ng gamit ko dahil 5:00am ng madaling araw kami aalis para ma-operahan na ko sa manila. 3 days daw bago isagawa ang operasyon di ko alam kung kailan ako uuwi dito meron akong di alam na ayaw sabihin ni mama at kuya pagkatapos daw ng operasyon ko may mangyayari daw kakaiba sa akin pero ayaw nila sabihin sa akin yon.
"Bunso handa ka na ba umalis?"tanong ni kuya. Sa totoo lang ayoko umalis at isa pa ayoko sabihin yun mga sinabi ko kanina kay ian, pero ayoko na maging tanga at marupok na naman kahit ayaw ko siya hiwalayan ginawa ko pa din.
"Oo kuya gusto ko na mabuhay pa ko ng napakahaba"sabi ko.
"Alam ko mahal na mahal mo si ian pero kalimutan mo na lang siya di siya karapat dapat sayo"sabi niya. Bigla tumulo ang mga luha ko.
"Mahal ko siya kuya at mahal niya din ako kaya hihintayin ko yun panahon na magkasama ulit kami kaya ko ginawa yun kanina mas mabuti sa amin na magkahiwalay muna kami"sabi ko.
"Basta bunso magpakatatag ka andito lang kami ni mama at ate celes mo"sabi niya at niyakap ako. Tapos nun nagpahinga na lang muna ko dahil napagod ako sa mga nangyari ngayon araw.

BINABASA MO ANG
Tired of love (Tired Series#1) (Editing)
Nonfiksi"Life is not always fine and happy, you can also be hurt and sad" You have a happy and harmonious family. I never imagined that I would lose my grandparents and be abandoned by my parents, left alone in life. It's challenging to be on my own, suppor...