Charlie's point of view:
Dalawang araw na rin ang nakakalipas di pa rin namin mahanap si raine at ian wala din kami napala kila josh di naman namin sila masundan dahil alam kong nag-iingat talaga sila para di ko mahanap si raine at ian.
kaya naiinis na ko kasi hanggang ngayon di kami okay ni celes di ko rin naman siya sinuyo pero akala ko di niya ko matitis e kasama ko ngayon sila brent at ancel naghahanap kami ng solusyon kung paano mahahanap si raine at ian.
Pero sa totoo lang nahihirapan na ko ayaw ko magkunwari pero miss na miss ko na siya at gusto balikan na niya ko pero pinanghihinaan ako ng loob.
"Di pa rin ba kayo nag-uusap ni bhess"tanong ni ancel. Alam ko nag-aalala siya para sa amin pero wala naman ako magagawa.
"Hindi pa din"sabi ko.
"Hindi mo ba siya susuyuin?"tanong niya. Gusto ko rin naman kaso kailangan mahanap ko muna si raine siya din naman ang nakipaghiwalay e.
"Hindi muna ancel"sabi ko. Sa ngayon kailangan ko pataasin ang pride ko kahit alam ko sa sarili ko na hirap na hirap na ko kasi halos di ko na siya nakikita.
"Ganun titiisin mo siya"sabi niya. Wala naman na ko magagawa e.
"Ancel alam mo naman kung gaano ko kamahal si celes pero sa ngayon mabuti hiwalay muna kami"sabi ko. Hindi lang naman siya ang nasasaktan ako din naman nahihirapan di ako kasi lagi ko siyang naiisip pero siya yun nakipaghiwalay e.
"Pero charlie sa totoo lang tanggapin na lang natin na wala na ko pag-asa kay raine"sabi ko. Ganun na lang ayaw na niya lumaban kaya nga nandito ako para tulungan siya.
"Ancel naman wag kang susuko mahal mo si raine at ikaw ang karapat-dapat para sa kanya"sabi ko.
"Oo mahal ko siya pero alam ko naman kahit mapunta siya sakin hindi ko siya mapapasaya kaya hayaan na lang natin sila"sabi niya.
"Hinde ancel hindi ako papayag kahit di niyo ko tulungan babawiin ko si bunso kay ian"sabi ko at umalis. Ayoko talaga kay ian dahil natatakot ako na baka makalipas ng ilan taon magbago ang pagsasama nila. Pero si ancel kahit kaibigan ko siya nakikita ko na hindi niya kaya iwan si raine ginagawa ko ito dahil ayoko masaktan ang kapatid ko.
Celes's point of view:
Nasa kwarto ako kasama ko sina grace,rosemarie at inah naging matalik ko na rin silang kaibigan dahil nga masyado ang tampo sa kanila ni raine at pati sa akin dahil sa mga nangyari.
Sa totoo lang di ko ginusto na pumayag sa plano ni charlie kasi alam ko mahal na mahal ni raine si ian at ganun si ian. Kahit bff ko si ancel hindi ko kayang ipagpilitan kay raine para mahalin siya.
Tagal ko nagtitiis na hindi makialam pero sobra na ang ginagawa ni charlie at masyado na ko naaawa kay ian at raine alam kong matagal din silang hindi nagkasama.
"Hiwalay na kayo ni charlie"tanong ni grace. Gustuhin ko man na hindi siya hiwalayan pero pagod na pagod na ko hindi siya yun dating charlie na kilala ko napakalaki ng nagbago sa kanya.
"Oo nakipaghiwalay ako sa kanya"iyak na sabi ko. Sa totoo lang ayoko naman talaga na makipaghiwalay sa kanya.
Kaso hindi ko na kaya yun mga ginagawa niya at ayoko na sumali sa mga plano niya masyado na niya pinapahirapan si ian at raine.
"Di ka man lang sinuyo"tanong ni rosemarie. Hindi ko nga akalain na kaya niya kong tiisin, akala ko ba ganun niya ko kamahal para hindi mawala sa buhay pero halos ilan araw na kami di nagkikita di ko akalain na kaya niya ko ganituhin.
"Hinde"sabi ko.
"Narinig ko kasi kila france mas inuuna niya ngayon na mahanap kung nasaan si raine kaya di ka niya sinusuyo"sabi ni grace.
"Kayo ba grace hiwalay rin ba kayo ni brent"tanong ni inah.
"Hinde cool off lang alam niyo naman di ko kayang hiwalayan si brent sobrang naiinis na kami ni celes sa ginagawa nila sobra na"sabi ni grace. Noon ko pa gusto kontrahin si charlie pero ngayon di ko na natiis mali na ang ginagawa niya.
"Hindi nila kasi maintindihan masyado na nasasaktan at nahihirapan sina raine at ian at ayokong may maling gawin si charlie para mapahamak yun dalawa" sabi ko.
"Tama kayo pero mali din kasi yun ginawa ni raine at ian ang bata pa natin para makipagtanan pero di rin natin sila masisisi e alam kong ang tagal ni lang nagkahiwalay at hindi sila papayag na paghiwalayin ulit sila"sabi ni rosemarie. Totoo naman yun pero alam ko naman wala na silang ibang paraan kung paghihiwalayin sila ni charlie, kaya gingawa na lang nila yun kahit alam natin na mali yun ginawa nila.
"Wala na naman silang choice alam nila paghihiwalayin sila ni charlie"sabi ni inah.
"Kaya celes cheer up lang matatapos din ito naniniwala ako na babalik din ang lahat sa dati"sabi ni grace. Sana nga sana wag na pahirapan ni charlie ang sarili niya at patawarin na niya si ian at tanggapin nakikita ko naman kung gaano kabait si ian at makakapagkatiwalaan siya.
"Sana nga at sana marealize ni charlie kung gaano kabuti at kamahal ni ian si raine oo hindi natin close si charlie pero muka naman siyang mabait di ba"sabi ko. Nakikita ko na magiging maayos ang pagsasama nila masyado nila mahal ang isa't-isa.
"Kaya wag na kayo magmukmok ni grace mabuti pa gumala tayo para sumaya kayo"sabi ni inah.
"Wag na inah nakakatamad"sabi ko. Wala talaga ko gana para mag-saya sa totoo lang namimiss ko si charlie.
"Sige na dami nang tissue na uubos niyo ni grace"sabi ni rosemarie.
"Tara na celes siguro mas mabuti wag muna natin isipin sila brent at charlie mag-relax muna tayo"sabi ni grace. Siguro tama siya halos wala kami sapat na tulog ni grace kakaisip sa kanila, gusto namin silang puntahan pero sabi namin kailangan pataasin din ang pride ganun din naman ginagawa nila sa amin e.
"Hayss sige na nga"sabi ko. Wala na ko choice kung di pumayag alam ko di titigil itong tatlo para kulitin ako.
"Tara na bihis na kayo sa mall tayo"sabi ko. Kaya yun nagbihis na kami ni grace sa totoo lang ayoko mag-mall kaso wala naman ako magagawa, kung maganda sana mag-beach kami para relax talaga paano kami makakapag-relax sa mall bukod sa marami tao ang ingay pero okay lang nakapagod na rin ako umiyak at maga na mata ko.

BINABASA MO ANG
Tired of love (Tired Series#1) (Editing)
Kurgu Olmayan"Life is not always fine and happy, you can also be hurt and sad" You have a happy and harmonious family. I never imagined that I would lose my grandparents and be abandoned by my parents, left alone in life. It's challenging to be on my own, suppor...