Ian' s point of view:
Nandito ko ngayon sa klase pero simula breaktime di ko pa rin nakikita si raine, Nakausap ko rin yun sa resto nag-resign na daw si raine dun.
"Bro ayos ka lang ba?"tanong ni josh. Sa totoo lang di ko alam kung paano na ngayon ang buhay ko ng wala si raine sa tabi ko, sana di na lang ako umatend sa party na yun edi sana kami pa din ni raine at masaya pa rin kami.
"Di okay bro di ko alam kung paano ko papaniwalaan ni raine"sabi ko. Sa totoo lang malakas ako umiinom kaya nagtaka ko kung bakit ganun ako nalasing ng sobra o binalak talaga yun ni bianca para masira niya kami ni raine.
"Ian"tawag sakin ni sammie. Anong problema bat pati siya malungkot.
"Sorry ian kung di ko sinabi sayo agad wala na si raine umalis na siya nung 5 ng madaling araw papunta ng manila"sabi niya. Dahil dun napatayo ako talagang ilalayo sakin ni kuya charlie si raine.
"Bakit nilayo na talaga ni kuya charlie sakin si raine?"tanong ko.
"Dapat sasabihin sayo ito ni raine kahapon, Ian may sakit si raine at kailangan niya ma-operahan para matanggal yun tumor sa utak niya"sabi niya. Dahil dun tumulo na ang luha ko di ko mapigilan na mag-alala sa kanya.
"Kailan siya babalik?"tanong ko ulit.
"Sorry ian pero wala kasi sinabi si raine e"sabi ni sammie. Dahil dun wala na ko nagawa pa. Hihintayin kita raine pag-bumalik ka na pinapangako ko sayo gagawin ko ang lahat para maging okay na tayo at magkasama tayo.
Raine's point of view:
Nandito na kami ngayon sa hospital at naghahanda na ako kasi bukas na ang operasyon kinakabahan ako na di maging sucessful gusto ko pa makita si mama, kuya, ate celes, kuya edgar at france pati ang mga kaibigan ko si grace, rosemarie, inah, jericho, gavin, sammie, josh, anjo, vaness at jamica.
Si ian gusto ko pa siya makita at makasama naniniwala ako na di pa tapos ang para sa amin pag-handa na kami baka sakaling pwede na ulit kami magkasama, Hihintayin ko ang araw na magkikita ulit kami mahal na mahal kita Killian James Flores.
Gusto ko sana malaman niya na naniniwala ako sa kanya alam kong hindi niya ko kayang lokohin kasi ganun namin kamahal ang isa't-isa, kaya di na ko makapaghintay na pagkatapos agad ng operasyon magkakasama na kami.
Kasi mali pala ako hindu ko pala kaya na magkahiwalay kami gusto ko na lagi siya nasa tabi ko.
"Bunso okay ka lang?"tanong ni kuya. Hindi talaga ako okay gustong gusto ko makita ngayon si ian pero alam akong hindi papayag si kuya alam kong galit na galit siya kay ian.
"Okay lang kuya"sabi ko.
"Iniisip mo na naman si ian"sabi niya. Kahit magsinungaling ako sa kanya alam niya kung sino ang iniisip ko ngayon, di ko alam pero siya lang laman ng puso at isip ko ganun ko siya kamahal na hindi ko siya kayang palitan sa puso ko.
"Oo kuya nasaktan niya ko pero sa totoo lang gustong-gusto ko siya makita namimiss ko siya, kung pwede lang nandito siya ngayon sa tabi ko"sabi ko.
"Bunso kalimutan mo na lang siya hindi siya ang lalaking nararapat sayo"sabi ni kuya. Alam kong sa simula pa lang ayaw na niya kay ian at alam kong tutol siya kunh sakaling gusti ko balikan si ian kasi para sa kanya sira ng tiwala niya.
"Pero kuya mahal na mahal ko si ian at mahal niya din ako, Kaya kuya nakikiusap ako sayo paggising ko sana pagkatapos ng operasyon makikita ko siya sa tabi ko nakikiusap ako sayo kuya para na lang sa akin"sabi ko. Alam kong hindi siya papayag pero gusto ko sana pagmulat ng mata ko si ian ang makikita ko.
"Hindi ako mangangako bunso pero susubukan ko"sabi niya. Alam kong malabo na pagbigyan niya ang pakiusap ko pero sana gawin niya yun para na lang sa akin.
Makalipas ng isang linggo......
Charlie's point of view:
Nagising na si bunso kahapon kahit nakiusap siya sa akin na nasa tabi niya si ian paggising niya hindi ko ginawa dahil sa nawalan na siya ng alaala di na rin niya maalala si ian at di ko hahayaan na maalala pa niya si ian.
"Kuya"tawag niya sa akin.
"May gusto ba talaga ko kay ancel?"tanong niya. Sinadya ko na gawin yon malay natin magustuhan na niya si ancel sa pagkakataon na ito.
"Baket mo naman natanong"sabi ko.
"Di ko kasi maramdaman na gusto ko siya parang may ibang hinahanap yun puso ko"sabi niya. Bakit ba si ian na lang palagi.
"Ano ka ba bunso nawala nga di ba ang alaala mo kaya wag mo na isipin pa yan"sabi ko.
"Sige"sabi niya. Tapos nun hinayaan ko na siya magpahinga balak na rin muna namin dito mag-aral ng gr 11 si raine at sa gr 12 dun na kami sa bulacan ulit kahit naman makita pa ni ian si bunso wala naman din siya magagawa dahil di siya maaalala ni bunso sorry na lang sa kanya.
Ancel's point of view:
Nandito ko ngayon sa hospital sabi ni charlie ako daw muna mag bantay kay raine dahil aalis muna siya. Bukas na rin lalabas si raine pero dito na din muna ko titira sa manila kasama nila.
"Ayos ka lang ba?"tanong ko. Parang ang lungkot niya kasi.
"Ewan parang kakaiba yun nararamdaman ng puso ko parang may hinahanap siya na di mo maintindihan ang weird lang"sabi niya. Alam kong si ian yun pero hindi ko pwede banggitin ang pangalan niya kay raine yun ang bilin sakin ni charlie.
"Wag mo na isipin yan dala lang yan ng operasyon mo kaya kung anu-ano naiisip mo"sabi ko.
"Baka nga "sabi niya. Mali na pag-kait ko ang saya na gusto niya oo na selfish na ko sa ginagawa ko pero mahal ko siya e baka may chance sana na may pag-asa na ko ako na yun mahalin niya.

BINABASA MO ANG
Tired of love (Tired Series#1) (Editing)
Non-Fiction"Life is not always fine and happy, you can also be hurt and sad" You have a happy and harmonious family. I never imagined that I would lose my grandparents and be abandoned by my parents, left alone in life. It's challenging to be on my own, suppor...