Raine's point of view:Nandito na ko sa bahay late na rin ako nakauwi dahil may binili pa ko sa mall para sa mga gamit ko sa kwarto at sa school andito pala ang barkada si grace, brent, ate celes at ancel.
"Buti nakauwi ka ng maayos ang kulit mo bunso pwede naman kita samahan pumunta ng mall e"sabi ni kuya. Si kuya talaga akala mo may mangyayari sa akin masama lagi nalang nag-aalala.
"Kuya okay lang ako nakauwi naman ako ng maayos"sabi ko.
"Lorraine pwede ba tayong mag-usap?"tanong ni ancel. Medyo nailang ako sa kanya kahit kaibigan ko naman siya kase pinilit niya manligaw noon pero di ko talaga siya gusto, oo sabi sa akin ni kuya noon gusto ko daw siya pero bakit di ko naman maramdaman.
"Sige ancel"sabi ko. Tapos lumabas kami sa garden para dun mag-usap.
"Anong pag-uusapan natin ancel?"sabi ko. Pero nagulat ako ng niyakap niya ko pero tinulak ko siya. Alam ko umaasa pa rin siya na baka bigyan ko siya ng chance pero kahit anong gawin niya hindi ko pa rin siya kayang mahalin.
"Mahal pa rin kita raine pls bigyan mo naman ako ng chance"sabi niya. Sorry na agad kahit anong pilit ko hindi ko siya kayang mahalin.
Aaminin ko meron akong ibang nagugustuhan lagi ko siya napapanginipan kaso hindi pa rin malinaw sa akin ang mukha niya at wala pa rin ako matandaan.
"Sorry ancel pero ayokong ipilit ang sarili ko sa taong di ko naman kayang mahalin kaya sana maging friends na lang tayo ayoko paasahin ka pa kaya sana tigilan mo na ko pls"sabi ko.
"Bakit wala ka naman ibang mahal bakit hindi na lang ako"sabi niya. Di ko alam pero di ko mapaliwanag masyadong malabo.
"Di ko alam ancel pero feeling ko kasi dahil nawala ang alaala ko may taong pilit na gumugulo sa puso ko at hindi ikaw yun kaya sinusubukan ko maalala lahat"sabi ko.
"Si ian di ba?"sabi niya. Huh? si ian imposible kasi di ko makita masyado yun lalaki sa panaginip ko kaya di ko masasabi kung si ian nga ba.
"Bakit si ian? Sabihin mo nga sa akin ano ba talaga meron kay ian sino ba talaga siya sa buhay ko?"takang tanong ko. Madalas kasi niya nababanggit si ian tama kaya yun sinabi ni ian na ex ko siya o siya yun lalaki sa panaginip ko?
"Wala dapat di mo na maalala lahat"sabi niya. Pagbalik ko sa barkada wala na si ancel wala naman ako magagawa may mga bagay talagang hindi pwede.
Charlie's point of view:
Andito parin yun barkada lagi naman talaga sila nandito sina edgar, france, vaness at jamica lang ang wala dahil masyado silang busy sa pag-aaral kami kasi chill lang.
"Rejected na naman si ancel ilang beses na"sabi ni brent. Hayss naaawa ako para sa kaibigan ko mahal niya talaga si raine kaso wala akong magagawa para sa kanya. Hindi ko alam kung bakit ngayon na wala na maalala si raine bakit di pa rin maalis sa kanya yun lintik na ian na yun.
"Si ian pa rin kasi"sabi ni grace. Kahit wala maalala ang kapatid ko masasabi ko pa din na si ian pa rin ang mahal niya, lalo na pag-naalala na niya ang lahat at hindi ako papayag na magkabalikan sila ng ian na yun.
"Lintek na ian na yan di talaga siya titigil hanggang di siya naaalala ni bunso at hindi naman ako papayag na maalala pa siya ni bunso, alam ko gagawa pa rin yun ng paraan para ipaalala ang lahat kay bunso"sabi ko.
"Parang mahihirapan ka diyan alam naman natin na mahal na mahal ni raine si ian kung maaalala lang niya talaga true love talaga"sabi ni brent. True love niya muka niya kung totoo mahal ni ian si bunso hindi siya magloloko noon, wala na ko tiwala kay ian kahit alam kong mas sasaya dun si bunso pero ginagawa ko lang naman ito para proktekhana siya para di na siya masaktan ulit.
"Basta hindi siya nararapat para sa kapatid ko"sabi ko. Umalis na lang ako para puntahan si bunso.
"Oh kuya kailangan mo?"sabi niya.
"Ayaw mo ba talaga kay ancel?"tanong ko. Gusto ko na pilitin pa na baka pwede pa na mabigyan niya ng chance si ancel.
"Kuya hindi ko siya mahal"sabi niya. Alam ko na ganyan ang sasabihin niya alam ko na may iba pa rin siya nararamdaman.
"Baket may mahal ka bang iba?"tanong ko. Gusto ko lang malaman alam kong nagkita na sila ni ian kanina at gusto makasigurado.
"Ewan ko kuya ang hirap ipaliwanag napakagulo ng isip ko"sabi niya. Bumabalik na kaya ang alaala niya nagsisimula yun pag nanaginip ang isang tao e.
"Basta bunso kung may problema ka sabihan mo lang ako"sabi ko. Pero dapat aalis na ko pero may gusti siya itanong sa akin.
"Kuya gusto ko malaman ang totoo kilala mo ba si ian"tanong niya. Ito nga ba ang sinasabi ko alam kong naguguluhan na siya dahil sa may sinabi na siguro si ian sa kanya para malito siya ng ganito.
"Oo matagal na natin siyang schoolmate at pinsan kasi siya ng kaibigan mo na si inah"sabi ko. Alam kong mali pero hindi ko pa din sasabihin nag totoo sa kanya.
"Pero kuya bakit sabi ni ian ex ko daw siya at mahal na mahal ko daw siya"sabi ko. Sabi na e yun ang sinabi ni ian kaya naguguluhan ngayon ang kapatid ko.
"Hindi naman kayo close ng ian na yun bunso tyaka wag ka masyado nagpapaniwala sa mga sinasabi nun"sabi ko.
"Pero kuya bakit ganun iba yun nararamdaman ko sa kanya sa tuwing nakikita ko siya iba yun sinasabi ng puso at ng isip ko, naguguluhan ako kasi lagi niya ginugulo yun nararamdaman ko"sabi niya. Kailangan ata ilayo ko na siya kay ian hindi titigil ang gag*ong yun hanggang di siya naaalala ng kapatid ko.
"Magpahinga ka na bunso wag mo isipin yan masyado hah"sabi ko.
"Sige salamat kuya"sabi niya. Umalis na ko at bumalik na sa barkada kailangan kong tawagan si ancel kung nakauwi na siya baka kung ano na nangyari don.

BINABASA MO ANG
Tired of love (Tired Series#1) (Editing)
Non-Fiction"Life is not always fine and happy, you can also be hurt and sad" You have a happy and harmonious family. I never imagined that I would lose my grandparents and be abandoned by my parents, left alone in life. It's challenging to be on my own, suppor...