Chapter 29

19 3 0
                                    

Raine's point of view:

Sa wakas nakalabas na ko ng hospital halos isang linggo rin ang tinagal ko dahil kailangan ko talaga muna magpahinga, kahapon lang ako nakabalik ng school grade 12 na ako ulit sa strand ko na humss at si ian naman ay college na sila sayang naman hindi kami sabay sabay magtatapos ng senior high.

Pero goodnews din nagbalik na si kuya nung papaalis na ko sa hospital at yun ang drama namin lalo na sila ni ate celes sobrang miss na miss talaga nila ang isa't-isa, kakarating ko lang ngayon sa resto nandito na pala silang lahat ako na lang pala ang hinihintay.

"Ang tagal mo bunso bakit kasi hindi ka pa sumabay kay ian matigas talaga ang ulo mo"sabi niya. Sabi ko na at sesermunan na naman niya ko masyado na siyang close kay ian ngayon kaysa sa akin.

"Sorry na kuya may tinapos pa kasi ako sa library ang dami kong kailangan gawin"sabi ko.

"Bakit pwede naman kitang antayin pagdating naman sayo kaya kong mag-intay"sabi niya.

"Tama na yan lovebirds mag-order na tayo"sabi ni rosemarie. Ang bitter niya talaga bakit ba kasi wala siyang lovelife siya lang walang jowa rito.

"Para di ka laging bitter rose papakilala ko sayo yun kapatid namin ni raine si mj for sure bagay kayo"sabi ni kuya. Pwede sila ni mj kasi kilala naman ni mj si rose ganun din si rose.

"Tigilan mo ko kuya charlie ang bata pa nun"sabi niya.

"Dalawang taon lang naman agwat niyo wag ka nang choosy"sabi ni kuya edgar.

"Bahala kayo!"sabi niya. Tapos nun umoder na sila at kumakain na kami habang nag-uusap.

"Kailan ba kayo magpapakasal kuya charlie pati kayo ancel at ate chiara may mga trabaho na rin kayo e"tanong ni grace. Nalungkot ako bigla nga naisip ko ang pangarap ni ate celes wala na talaga pag-asa na makakita siya kahit na sa america siya pinatingin ni ian masyado kasi malala ang nangyari sa mata niya maraming bubog ng salamin ang nakatusok sa mata niya and need ng eyes donor kaso hirap humanap ng donor kaya wala kami magawa para sa kanya.

"Hindi pa may balak kami mga boys gusto namin pagkasal na tayong lahat gusto namin sabay kayo mabuntis para pare-parehas ang edad ng mga anak natin para barkada sila"sabi ni kuya. Binatukan siya ng mga girls.

"Ang panget ng idea niyo"sabi ni vaness.

"As if naman papayag kami sa gusto niyo mangyari"sabi ni france.

"Basta gusto namin mag-kakaedad sila"sabi ni ancel.

"Sana naman yun anak ni ian at raine makatuluyan yun anak ni ancel at chiara kung sakaling babae at lalake"sabi ni ate celes. Si ate celes talaga naisip pa yun.

"Hindi kami papayag kung lalaki anak namin ni sammie at babae anak nila ian sa anak na namin yun"sabi ni josh.

"Ang daya niyo kung lalaki anak namin  tapos kung babae anak nila raine gusto ko  yun makatuluyan nung anak ko"sabi ni chiara.

"Tama na kayo diyan pinag-aagawan niyo na anak ko e wala pa nga kami nabubuo paano kung  lalake lumabas"sabi ni ian.

"Edi papanalangin ko babae yun sa amin"sabi ni josh.

"Hoy tumigil kayo diyan 18 pa lang tayo anak na agad iniisip niyo wala pa nga akong college e sabi ko.

"Para walang away yun anak na lang namin ancel "sabi ni kuya.

"Ayaw namin gusto namin yun kay ian at raine"sabi ni ancel. Ano bang meron sa anak namin at pinag-aagawan nila.

"Wag na kayo magtalo diyan depende yun sa mga bata kung sino magugustuhan nila sa mga anak natin"sabi ni anjo. May point si anjo kahit paano nagagamit niya ng tama isip niya.

"Mabuti pa kumain na tayo dapat di natin sinasama ang mga boys ang daldal"sabi ni vaness. Kaya tumahimik na ang mga boys dahil baka mas lalong magalit yun ibang girls.

Tapos namin kumain magpaalam na kami sa isa't-isa dahil yun iba mag-dadate para solo daw nila.

"Una na kami kuya charlie"sabi ni ian.

"Oyy ian hahatid mo naman si bunso wag ka muna uuwi andun sila ancel at brent sa bahay mamaya gusto mo sama mo rin sila josh at anjo mamaya"sabi ni kuya.

"Sige kuya wag kang mag-alala pupunta ko"sabi niya. Kaya umalis na kami papunta sa villla sa bahay niya para tumambay kasama din sila josh, sammie, anjo at vaness.

"Kamusta pala school mo my love"sabi niya. Huh? San naman galing love niya my lang tawagan namin.

"Bakit may love?"tanong ko.

"Nilagyan ko masyadong panget ang my lang kaya dinugtungan ko ng love"sabi niya.

"Sige na nga my love, yun school okay naman masyado lang talaga marami gawain"sabi ko.

"Writer ba kukunin mong course my love"tanong niya.

"Oo my love alam mo naman pangarap ko yun ikaw ba kamusta buhay college "sabi niya.

"Katulad din ng sayo maraming gawain kasi hirap ng medical ko sorry raine di tayo madalas magkita super busy ko talaga e "tanong niya. Kasama yun sa relasyon ang mawalan ng type sa isa't-isa lalo na mas busy sa akin si ian dahil sa doctor ang kinuha niya.

"Okay lang sa akin ian ganun talaga magiging busy tayo sa pag-aaral lalo na sa trabaho pero hindi naman yun isang rason para magkahiwalay tayo"sabi ko.

"Natatakot lang ako na baka hiwalayan mo ko dahil halos wala na tayong time sa isa't-isa"sabi niya.

"Ian naman mahal na mahal kita kahit mahirapan man tayo magkakaron tayo ng tampuhan o mag-aaway tayo pero alam kong hindi iyon aabot sa hiwalayan kaya wag ka na  mag-alala"sabi ko.

"Oo na hindi na ko mag-aalala"sabi niya. Tapos tumahimik na kami sa biyahe at natulog na lang ako dahil pagod ako.

Charlie's point of view:

Nandito kami sa bahay may sopresa kami kay rose may bisita kasi ako pupunta wala siyang kamalay-malay na kapatid ko na si mj ang pupunta.

Nakakatuwa na naging close ko rin siya kahit kapatid lang namin sila ni james sa ama ang lalaki na rin kasi nila 16 na si mj tapos 14 naman si james.

"Kuya nandito na ko"sabi ni mj. Nagulat ako na nandito na pala siya kaagad ang bilis niya excited siya masyado makita si rose, matagal na pala niya kilala at crush din niya dati.

"Andito ka na pala mj kamusta ba"sabi ko.

"Okay naman kuya nasan si ate reng"tanong niya.

"Mamaya uuwi na yun kasama niya si kuya ian mo at ang ibang barkada"sabi ko.

"Grabe binata ka na talaga mj ang gwapo mo lalo"sabi ni grace. Syempre mana sa akin.

"Salamat ate grace"sabi niya.

"Ang ganda ng sopresa mo rose noh"sabi ni ancel.

"Shut up!"sabi niya.

"Hi ate rose"bati niya.

"Hi sayo mj wag mo na kong tawagin ate nakakatanda tignan"sabi niya. Sus pakipot pa ang isang to.

"Sige rose na lang itatawag ko sayo"sabi ko.

"Sus kunwari pa kayo akala niyo ba hindi ko alam nahuli ko kaya si rose na kausap si mj"sabi ni grace.

"Totoo ba yun kapatid?"tanong ko.

"Sa totoo isang buwan na ko nanliligaw kay rose nag-usap na kami na aminin na sa inyo ngayon"sabi niya.

"Kayo ahh tinago niyo talaga sa amin ito galing niyo aacting"sabi ni ancel.

"Tama na yan guys mabuti pa kain tayo papadeliver ako libre ko na"sabi niya.

"Wow ang galante mo naman mj"sabi ni brent. Tapos nun nag-kwentuhan lang kami habang hinihintay din namin si ian. Sobrang saya lang na lahat kami mag-kakaibigan na at mas naging close namin ni ian kaya f4 na kami ngayon hindi na trio kasi isa na si ian sa kaibigan namin ni brent at ancel pero syempre orig pa rin niya si josh at anjo kasi the trio din daw sila.

Tired of love (Tired Series#1) (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon