Chapter 25

19 3 0
                                    

Ian's point of view:

Umalis muna ang parents ni ate celes kasi hindi nila pwede pabayaan daw ang trabaho nila sabi ako na ang bahala sa kanya.

Sinabihan ko sila josh na bantayan muna si raine dahil sinabi ko na naaksindente si ate celes nandito na rin sila brent lahat kasi kami barkada na lahat nagkaayos-ayos naman na lahat e.

"Tingin mo matatanggap kaya ni celes ang nangyari"nag-aalalang tanong ni grace.

"Alam ko mahihirapan siya pero ayaw sumagot ni kuya charlie sa contacts natin pati kay ancel ayaw pero andito ako para magsilbing mata niya hindi ko siya pwede pabayaan"sabi ko. Malaki ang tiwala sa akin ni kuya charlie na hindi ko pababayaan si ate celes.

"Hayss pagkatapos kay raine si celes naman hangang kailan ba tayo masasaktan ng ganito"sabi ni rosemarie. Nakita naman namin na nagising na si ate celes.

"Ate celes si ian ito kamusta pakiramdam mo"tanong ko.

"Bakit ganun ian wala ako makita"sabi niya. Kaya nag-iyakan yun ibang barkada rito.

"Ate alam kong masakit ang sasabihin ko pero naaksidente ka kasi kaya nawala na ang paningin mo"sabi ko.

"Ano bulag na ko hindi na ko makakakita bakit ba nangyayari sa akin ito kung bulag na ako paano ko pa makikita si charlie paano na ang mga pangarap at pag-aaral ko"iyak na sabi ko. Alam ko mahirap tanggapin pero wala solusyon para makakita ulit siya.

"Sorry ate celes kasalanan ko dapat hindi kita pinabayaan ano na lang sasabihin ko kay kuya charlie"sabi ko. Tapos niyakap niya ko alam ko masakit at mahirap tanggapin ang nangyari pero wala naman kami magagawa.

"Wala ka kasalanan ian ako may kasalanan kaya ako na aksidente masyado mo na nga na papabayaan sarili mo dahil kay raine ngayon na nangyari sa akin ito isa pa ko sa dadagdag pabigat sayo"sabi niya.

"Ate celes naman ngayon pa na ganyan ang kalagayan mo hindi kita kaya pabayaan parang ate na turing ko sayo at mahalaga ka rin kay raine kaya wag ka mag-alala nandito ko palagi ate celes"sabi ko.

"Salamat ian para nang lil brother ng turing ko sayo pero sobrang sakit hindi na ko makakapagaral at makakapagtrabaho dahil sa kondisyon ko"sabi niya. sobrang hirap nun para sa kanya alam kong malabo na matupad ang mga pangarap niya.

"Alam ko ate celes mahirap pero nandito lang kami lahat ng barkada para palakasin ang loob mo"sabi ko.

"Ian at celes kailangan na namin umuwi"sabi ni grace.

"Sige ako na bahala kay ate celes"sabi ko.

"Paano si raine ian walang magbabantay sa kanya"sabi ni ate celes.

"Andun naman sila josh at kuya brent na lang ulit ang magbantay kay raine"sabi ko.

"Imbis na nagbabantay ako kay raine kargo niyo din ako"sabi niya.

"Ate celes hindi ka pwede maiwan mag-isa dahil sa kondisyon mo coma pa naman si raine kaya ako muna ang bahala sayo edi pag nagising pa si raine edi kami na bahala sayo habang wala si kuya charlie"sabi ko.

"Parang di ko na kaya magpakita kay charlie matatanggap pa ba niya ko na ganito na ko magiging pasanin niya lang ako sa pagtanda niya at sa magiging anak namin"sabi niya.

"Ate celes naman kahit anong mangyari mahal ka pa din ni kuya charlie at never ka magiging pasanin sa amin"sabi ko.

"Salamat ian lagi mo pinapalakas ang loob wala ko kapatid sobrang saya ko na nakahanap ako ng kapatid sayo"sabi niya. Ako din only child lang ako at happy ako na parang ate ko na siya.

"Lagi lang kami nandito ate celes kaya pahinga ka na lang"sabi ko. Kaya nagpahinga na siya gustong gusto ko puntahan si raine kaso di ko kayang di iwan si ate celes.

Celes's point of view:

Nasa hospital pa din ako bukas pa daw ako makakauwi pero sakit pa rin sa akin tanggapin na hindi na ko makakakita at hindi ko na sila makikita at pati si charlie.

Pati mga pangarap ko naglaho na hindi na ko magiging isang fashion designer wala na ko kakayanan para magsulat pa, sa lahat ng pwedeng mangyari bakit sa mata ko pa pwede naman kahit paa na lang.

Nandito pa rin si ian para bantayan ako natutulog siya ngayon maswerte ko at hindi ako pinapabayaan ni ian at nakahanap ako ng kapatid sa kanya.

Sana magising na si raine para okay na pero mahirap pa rin tanggapin ang sitwasyon ko ngayon. Nakita ko naman nagising bigla si ian.

"Hindi ka ba inaantok ate?"tanong niya.

"Paano naman ako aantukin ian pati pagdilat ko dilim pa rin nakikita ko"sabi ko.

"Sorry ate"sabi niya. Alam ko sinisisi niya sarili niya kasi di niya ko nabantayan.

"Wag ka mag-sorry ian wala ka naman kasalanan wala na tayo magagawa e nangyari na e"sabi ko.

"Alam kong mahirap tanggapin pero gagawa tayo ng paraan ate someday mapapagamot natin yan mata mo"sabi ni ian.

"Pero ian sabi ng doctor ang laki ng damage na nangyari sa mata ko kaya wala na daw pag-asa para makakita ko"sabi ko.

"Ate gagawa kami ng paraan mag-memedical ako sisikapin ko matuklasan kung paano papaayos ang mata mo o kaya dadalin ka namin sa ibang bansa para dun matignan ang mata mo"sabi niya.

"Ian wag na masyado na ang tulong na ginagawa mo at ng barkada para sa akin"sabi ko.

"Ate naman hindi lang naman kaibigan ang barkada pamilya tayo at alam kong nasasaktan ka sa nangyari pero nandito kami ni raine at ng barkada para pasayahin at alagaan ka"sabi ni ian.

"Sobrang swerte ko sa inyo dahil may kaibigan ako na kagaya niyo ngayon na iniwan ako ni charlie andiyan ka at ang barkada para bantayan ako hindi ako nag-iisa"sabi ko. Tapos niyakap niya ko.

"Kaya magpalakas ka kahit na hindi ka nakakakita ate andito kami ng barkada para maging mga mata mo at para sa paggising ni raine di ba lahat tayo nasa tabi niya"sabi niya.

"Pero ian alam na ba ni charlie yun nangyari sa akin?"tanong ko. Umaasa ko na pag nalaman niya pupuntahan na niya ko agad.

"Ate kasi di sumasagot sa mga tawag namin si kuya charlie pero wag mo na isipin yun nandito naman kami para sayo di ba di ka namin papabayaan"sabi niya.

"Miss na miss ko na siya at sabik na ko makita siya"sabi ko.

"Konting tiis muna ate babalik din si kuya charlie kahit naman ano mangyari mahal na mahal ka pa rin nun"sabi niya. Tapos nun hinayaan ko magpahinga ulit si ian at ako din pinilit ko na lang matulog.





















Tired of love (Tired Series#1) (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon