Part 17

1.1K 35 1
                                    

Tumutulo ang luha ni Dwayne habang tinitignan niya si Yosh mula sa bintana nito!

Naalala na lahat ni Dwayne ang kanyang nakaraan at kung sino talaga siya, at kung sino si Yosh!

Palihim niyang nilapitan ang dalaga kanina nung nasa library ito!

Gusto niya sanang magpalit ng anyo kanina para bago ito lapitan pero pinigil siya ni Nephrite kaya ginawa nalang niyang  null ang kanyang presence para makalapit kay Yosh ng hindi nito napapansin!

Pagkalapit niya, parang isang liwanag ng araw na nagliwanag ang kwentas na suot niya ganun na din ang kay Yosh pero agad naman pinatulog ni Nephrite ang dalaga na ikinapagtaka niya!

Tinanung niya si Nephrite kung bakit niya ginawa yun ang tanging sinagot lang nito sa kanya ay para sa ikakabuti nila daw yun!

Sa gitna ng nakakasilaw ng liwanag ng kwentas ni Dwayne at Yosh para namang tubig na rumaragasa na bumalik lahat ng ala-ala ng binatang prinsipe!

At ito nga siya ngayon! Maliwanag na sa kanya kung sino siya at sino ang dalagang matagal na niyang binabantayan!

Yosh paumahin kung di kita nakilala agad!.... Paumanhin din kung sa oras ng kailangan mo ng kakampi sa tuwing tinutukso ka ng mga tao wala ako sa tabi mo! Paumanhin kapatid ko!.. Sa tagal ng panahon na lagi kitang binabantayan ni minsan di sumagi sa isip ko kung sino ka ba talaga…. kung sino ako…. Pero wag kang mag alala ngayon alam ko na ang lahat poprotektahan kita!Hindi kita pabaayaan!... Walang sinumang makakapanakit sayo!.... mahinang sabi ni Dwayne habang hinahaplow ang buhok ng  dalaga!

Biglang bumukas ang pinto ng kwarto ni Yosh!

Dali-daling inilabas ni Dwayne ang pana niya na nakapulupot sa kanyang braso na nagsisilbing pulseras niya at iniumang sa pinto!

Kamahalan! Sabi nung lalaking pumasok sa loob ng kwarto!

Agad naman ibinaba ni Dwayne ang kanyang pana ng makita kung sino ang pumasok!

Panu niya makakalimutan ang matandang ito na naging guro niya noon!

Pinunong Zack kayo pala, paumanhin po! Sabi ni Zack at ibinalik sa dating anyo ang kanyang pana!

Ayo slang ho iyon kamahalan!.... Nagagalak ako at nakita ko ulit kayo! Sawakas magkakasama na ulit kayo ng prinsesa! Sabi ng matanda at mahigpit nitong niyakap si Dwayne!

Wala pa hong alam si Anatalia… ah mali si Yosh, at ayaw ko munang ipaalala sa kanya ang lahat! Masyadong malakas ang kapangyarihan niya na kahit akong kakambal niya hindi kayang kontrolin yun! Kelangan mahanap muna natin lalaking makakasama niya habang buhay bago ipaalala sa kanya ang lahat!  mahabang sabi ni Dwayne habang nakatunghay sa natutulog na si Yosh!

Di na kailangan Eiru…. Ay mali Dwayne!

Callib!... Anung….?

Destined From The Start (complete-Fantasy Romance)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon