Charm!.... Charm!... tawag ni Dwayne at mahina nitong sinasampal sampal ang mukha ni Charm!
Pero di parin ito magigising!
Pinunong Zack anung nangyari? Tanung nito sa matanda!
Nanghina lang siya Dwayne, wag kang mag-alala! Di kinaya ng katawan niya lakas mo at lakas ni Yosh kaya nawalan siya ng malay!... May bakanteng kwarto sa kabila, dalhin mo doon ang prinsesa! Utos ng matanda!
Tumango si Dwayne at dahan-dahang binuhat si Charm!
Callib ikaw na muna bahala sa kapatid ko ha! Baling ni Dwayne kay Callib!
Tumango naman si Callib!
Sumunod naman si Dwayne kay pinunong Zack!
Pagdating sa kwarto marahan niyang ibinaba ang dalaga sa kama at kinumutan iyon!
Pinunong Zack bakit ganun? Si Charm ang babaeng nakatakda sa akin pero di niya kaya ang kapangyarihan ko?! tanung ni Dwayne habang nakatunghay sa natutulog na dalaga!
Dwayne prinsesa ng bituin si Charm at ikaw ay buwan! Mas malakas ang kapangyarihan mo sa kanya! Pero kaya ka niyang kontrolin ang kaso pag nagkasama na kayo ni prinsesa Yosh hindi na niya kakayanin yun! Ang prinsesa ay may taglay na kapangyarihan ng lahat ng elemento na tanging si Callib lang ang kayang komontrol dahil parehas sila ng elementong taglay! At ikaw tanging si prinsesa Natasha o princesa Charm lang ang makakakontol sayo, pero kelangn mo din matutunan na kontrolin ang kapangyarihan mo kundi ikaw mismo ang maglalagay sa panganib sa prinsesa ng bituin! Paliwanag ni pinunong Zack!
Tumango nalang si Dwayne at binalingan ng tingin ulit si Charm!
Hinawakan ni Dwayne ang kamay ng dalaga at dinala iyon sa labi niya at hinalikan!
Salamat Charm!.... Salamat prinsesa ko! mahinang usal ni Dwayne!
Si pinunong Zack naman ay tahimik na lumabas sa kwarto! Dumiretso ito sa labas ng bahay para lagyan ng barrier ang buong bahay nila!
Sa kwarto naman ni Yosh naka upo si Callib sa gilid ng higaan nito at hawak ang kamay ng dalaga!
Mahimbing parin ang pagkakatulog ng dalaga! Wala itong kaalam alam sa nangyayari sa paligid niya!
Yosh…. Mali… Anatalia, prinsesa ko!..... mahinang sambit ni Callib at hinaplos nito ang maamong mukha ng dalaga!
Biglang gumalaw ang dalaga at agad na itinago ni Callib ang sarili sa papamagitan ng kapangyarihan nito!
Biglang sumigaw si Yosh at umupo sa kama na ikinagulat ni Yong pero agad din naman itong bumuwal pabalik sa kama!
Tumawa si Callib dahil sa nangyari at napailing!
Ito ang rason Anatalia kung bakit ayaw ko sanang malaman mo kung sino kang talaga! Walang kang muwang sa mund, panu ko ituturo sayo ang ma bagay na dapat mong malaman! Mahinang sabi ni Callib!
Lumapit siya sa tabi nito at yumuko para halikan ang noo ng dalaga!
Ooppsss prinsipe Jiro bawal yan!.... di pa ako pumapayag sa ganyan!
Napatigil si Callib sa ginagawa niya at napatingin sa pinto!
Andon si Dwayne nakasandal at naka cross arm pa!
Napangiti si Callib at yumuko!
Paumanhin kamahalang Eiru, di na po mauulit! Sagot ni Callib at lumutang papalayo sa higaan ni Yosh!
Sa labas naman ng bintana ng kwarto ni Yosh may isang aninong kanina pa nakamasid sa lahat ng nangyayari!
Nakangiti ito! ngiti na talagang masaya sa nangyari!
Isang nilalang na itim na may pusong puti ang nilalang na yun.
Nakahanda akong protektahan kayo mga kapatid ko! bulong niyon bago tuluyang naglaho!
BINABASA MO ANG
Destined From The Start (complete-Fantasy Romance)
FantasySinong mag- aakala na ang isang simpleng babae na katulad ni Yosheena ay may nakatagong mahiwagang nakaraan! Isang nakaraan na sadyang binura para mamuhay siya ng maayos sa mundo na kinagisnan niya! At si Dwayne, a mysterious guy na laging nakabanta...