Part 35

915 29 1
                                    

Kinabukasan umalis din si Tristan si betelgues para umuwi sa dark kingdom!

Kahit anung pigil ng ama at kapatid nito pinilit parin nito ang gusto niya!

Pero nangako ito na babalik doon bago ang araw na itinakda ng ina sa paglusob nito sa  moon kingdom!

Tahimik lang na hinatid ng tanaw ng mag ama ang papalayong si Tristan!

---

DARK KINGDOM

Asan si prinsipe Yuchi!  Sigaw ni reyna Metalla!

Paumanhin po mahal na reyna pero di namin siya mahanap! Sabi ng isang kawal!

Dalawang araw di umuwi ang anak niya sa kaharian nila at may nalaman pang balita ang reyna na lalong ikinagalit nito!

Sa oras na makita nyo ang prinsipe iharap niyo siya sa akin! sigaw ulit ng reyna!

 

Bakit niyo ako hinahanap ina!

Biglang lumitaw si Tristan sa harapan ng ina!

Isang malakas na sampal ang sinagot ng reyna sa kanyang anak!

Nagulat ang lahat dahil sa nangyari! Ito ang unang pagkakataon na pinagbuhatan ng kamay ng reyna ang anak nito dahil sa takot nito sa kapangyarihan ng anak!

Pumapangalawa ito kay Yosh sa lakas lakas ng kapangyarihan!

Tiim bagang tinitigan ni Tristan ang ina!

Traydor ka! inaruga kita ng mahabang panahon pero ito ang iginanti mo sa akin ipinagpalit mo ako sa iyong ama! Galit na wika ng reyna!

Kasalanan mo din lahat ina! Kung hindi ka naging sakim sa kapangyarihan at hindi mo tinago sa akina ng totoo hindi ako magiging ganito! Palabang sagot ni Tristan!

Walang hiya ka! sigaw ulit ng reyna at itinutok sa anak ang tungkod na hawak!

Nagpakawala ang reyna kidlat mula sa tungkod na hawak nito, pero nasalag ito ni Tristan at itinama sa isa sa mga poste ng bulawagan ng palasyo!

Kakalabanin mo bat alga ako Tristan?

Kung yun ang dapat ina para matigil ang iyong kasamaan gagawin ko! sagot ni Tristan at ikinumpas nito an kamay niya!

Isang napalaking ipo-ipo ang limataw sa gitna ng bulwagan!

Lahat ng mga naandon ay kasabay na sa umaalimpoyong ipo-ipo!

Pag….sisi…han,….mo …..ito ….. Tristan! Sabi ng reyna at naglaho ito!

Itinigil ni Tristan ang ipo ipo!

Patay lahat ng gwardiya na iniikot ng ipo-ipo pero di na pinansin iyon ni Tristan!

Pumunta siya pinagkukulungan ni reyna Thalia! Noon niya pa ito balak gawin, sa wakas matutupad na din!

Alam na din naman ng ina nya kung anu ang ginawa niya kaya lulubos lubusin na niya!

Reyna Thalia!

Di sumagot ang reyna!

Napabahala si Tristankaya pumasok siya sa loob!

Walang malay si reyna Thalia at alam na ni Tristan ang dahilan! Sapat na ang nakita nitong paso sa may kamay ng reyna para malaman ang nangyari!

Dyan ka mabubulok ngayon mahal kung kuya!

Paglingon ni Tristan at  andoon si Wendy sa pintuan ng kulungan!

As if makukulong mo ako! wika ni Tristan!

Di na nakasagot si Wendy dahil nakulong na sila sa apoy na sanhi ng kapangyarihan ni Tristan!

Pinangko ng binata ang reyna at lumabas sa kulungan!

Alamin mo kung sino ka Wendy! Wag kang magdiwang masyado dahil kahit wala ako di parin mapupunta sayo ang trono ni ina! Wika ni Tristan at naglaho na itong parang bula!

Naiwang nag ngingitngit si Wendy sa galit!

Destined From The Start (complete-Fantasy Romance)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon