Chapter 8: Caliban, the transferee

419 35 3
                                    

Puting kisame ang unang bumungad pagkabukas ng aking mata. Napangiwi ako nang biglang sumakit ang tagiliran ko dahil nais ko sanang umupo.

Bumukas ang pinto at iniluwa nito si Jeybez na hahangos-hangos ngayon papunta sa gawi ko.

"Fluke! Ayos ka lang ba? Masakit pa ba 'yung pagkakatama sa'yo? Sabi ko naman kasi na huwag kang umalis, napakatigas talaga ng ulo mo."

"Concerned ka ba talaga o nanunumbat? Paabot nga 'nung tubig, nauuhaw ako." Agad naman siyang sumunod at nagpasalamat ako.

"Ano bang nangyari kanina?"

"Na-bulls eye ka ng bola kanina. 'Nung tinatawag kita na bumalik, saktong lumipad 'yung bola sa direksyon mo. Buti na nga lang kaagad kang dinala dito ng lalaking mestiso. 'Di ko kilala kung sino basta hanggang baba yung buhok."

Bago ako mawalan ng ulirat, may lalaki akong naanigan at dinig ang pamilyar niyang boses.

"Teka, hindi ba si Gav--" ako naman itong napatakip ng bibig at umiling-iling.

"Hindi si?"

Imposible. Siguro iyon ang makikita ko sa oras na malagutan na talaga ako ng hininga at sumakabilang buhay—si Kamatayan.

"Wala. Oo nga pala, anong oras na?"

"6 na ng gabi. Mahigit tatlong oras ka diyang tulog. Pasalamat ka't may kaibigan kang handang samahan ka kahit gabi na. Oh heto, dinalhan kita ng pagkain."

"Ikaw ba nakakain na?"

"Busog pa'ko. Kainin mo na 'yan, baka pagalitan ako kapag nalamang hindi mo 'yan--" nagulat ako nang bigla niyang takpan ang bibig niya.

Anong nangyayari sa lalaking 'to?

"Pag 'di nalamang?" Pagpapatuloy ko.

"Ah, wala. Enjoy your food." Sabi niya at siya na mismo ang naghain sa harap ko. Minsan nahihiwagaan at hindi ko matantiya ang kinikilos nitong kaibigan ko. Para siyang nanununo o ano. Hindi ko na lang masyadong pinansin iyon at nagpatuloy na lang sa pagkain. Lumipas ang limang minuto bago ko matapos kainin ang dinala niya.

Dumating ang school nurse at tinanong kung ayos na ba ang pakiramdam ko. Tumango ako at inutusang lagdaan ang records para makauwi na sa dorm. Nagpasalamat kami ni Jeybez sabay sara ng pinto.

"Fluke, sorry talaga, mukhang hindi na kita masasamahan sa dorm. Punta muna ako sa C.R., jebs na jebs na talaga ako. (Taeng-tae)"

Tumawa na lang ako at nag-go sign sa kaniya na ayos na ako. Matulin siyang tumakbo pakaliwa hanggang sa hindi ko na makita ang imahe niya.

Nagpatuloy ako sa paglalakad  para dumiretso sa Lauren's High Dormitory. Sa hindi inaasahang pagkakataon, bigla akong napahinto nang makarinig ako ng kaluskos sa madilim na parte ng sidewalk. Kaagad kong binilisan ang paglalakad pero huli na nang nakaramdam ako ng kamay sa aking likod. Pumikit ako at mataimtim na nanalangin sa kaitasan. Habang magkadampi ang dalawang kamay, nagsimula akong magsalita.

"O holy father, blessed this school and blessed me. Ilayo mo po ako sa tukso at kapahamakan. Nawa'y ang mga ligaw na kaluluwa ay maging mapayapa at huwag nang mangambala pa. Nakikiusap po ako, kung sino ka man ligaw na espiritu, tumigil ka na. Hindi solusyon ang manakot—" napadilat ang kaliwa kong mata nang marinig ang malakas na tawa sa aking likuran.

Teka? Namatay bang masaya ang multong 'to? Grabe, ramdam ko kasi yung kaligayahan niya. Halakhak kung halakhak. Humarap ako habang naka-cross ang kamay. Dito ko lang napagtanto na hindi pala multo ang dinadasalan ko kanina. Mabuti naman kung ganoon pero mukhang wala akong maihaharap sa lalaking ito 'pag nagkataon.

"He-he-he-he" nakisabay ako sa pagtawa niya dahil umabot sa punto na nakadapa na siya sa lupa. Ngayon ko lang nadiskubre na magaling pala akong magpatawa.

"Ehem! I'm sorry. I just—pfftt, I just—god I can't! HAHAHAHA" muli siyang tumawa sa harapan ko. Doon na tumaas ang kaliwa kong kilay dahil nao-offend na'ko sa tawa niya.

Huminga siya nang malalim pero mababanaag mo pa rin na nagpipigil siya ng tawa.

"Ahm, alam kong nakakahiya 'yung sinabi ko kanina, pero kailangan ko nang pumasok sa dorm. Sige, tawa ka lang diyan. Take your time." Sabi ko pero bigla niyang hinawakan ang dalawa kong kamay.

"No. I'm sorry, okay? Sobrang pinatawa mo lang ako kaya hindi ko mapigilan. You just made my day. Worth it lahat ng paghihintay ko."

Made his day? Worth it ang paghihintay?

Nilalandi ba'ko ng lalaking 'to?

"Fluke Spellman right?"

"Ah yes?"

"Caliban Ratthon. Nice to meet you." Nakangiti niyang sabi at inilahad ang kamay. Inabot ko naman ito at pilit na ngumiti.

"Gusto ko lang sana humingi ng sorry about sa nangyari kanina."

"Sorry? Para saan?"

"The football thing, remember? I hit your head that cause you collapsed. Ako kasi...ako kasi 'yung nakatama sa'yo."

"Ah...so ikaw?" Taray-tarayan kong sabi sa kaniya na nagresulta para mamuo ang butil-butil niyang pawis sa noo.

"Hindi ko sinasadya, promise! Mali lang 'yung pagsipa ko then hindi ko alam na mapupunta pala sa direksyon mo 'yung bola. If I calculate my body and the time, hindi mangyayari 'yon. Hindi ko talaga—"

Siya naman itong napahinto sa pagsasalita nang humalakhak ako. Narealize ko na lang na nakatingin siya sa akin nang diretso at nakangiti. Medyo nakaramdam ako ng uneasiness kaya tumigil na'ko sa pagtawa.

"You don't need to explain Mr. Ratthon. I appreciate your sorry and hinintay mo 'kong makalabas am I right?"

Tumango siya at tumingin sa ibang direksyon sabay kamot sa batok.

"Then I accept your apology. Malaking bagay sa akin 'yung naghintay ka nang matagal para humingi ng kapatawaran. Nangyari na ang dapat mangyari so lets move on and thank you din for your personal apology."

"So...friends?"

Ngumiti ako sa kaniya at tumango.

"Friends."

_


LHS #1: Life as a Class A's Muse [COMPLETED✓]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon