Chapter 11: Awkward moment

414 39 2
                                    

Hi! Sorry kung hindi na naayon sa date ang pag-update ko. Marami kasing school works kaya nakakaligtaan ko nang magsulat. Enjoy reading!✊

_

Naghiwalay na kami ni Francheska ng dadaanan. Siya ay papuntang oval field habang ako naman ay sa building namin. Huli niya akong binalaan na kapag hindi ako sumipot ay ilalaglag niya raw ang tunay na pagkatao ko. Hindi naman ako natakot sa babala niya kasi pabiro niyang sinabi ang mga iyon. Siyempre bilang ganap na bagong magkaibigan, bakit mo pa itatago ang tunay na pagkatao mo? Sabi nga sa akin ni mommy, kung ayaw mong hindi ka tanggapin ng iba, matuto kang tanggapin kung sino ka. Hindi maganda 'yung habang buhay mong itago ang pagiging binabae at magpanggap na paminta. Purong durog po ako pero hindi ladlad. Respect to myself and to others na rin.

Masaya akong naglalakad nang makasalubong ko ang hindi kanais-nais na bulto ng tao na may kasama pang tatlong alagad. Kusang nawala ang ngiti sa aking labi at napalitan ito ng pagkasuka.

Lagi na lang ba ang madadatnan ko? Sa tuwing may masayang nangyayari sa buhay ko ay nariyan siya para putulin 'yon at gawing kasuklam-suklam. Kulang na lang maglagay ako ng signage sa likuran ko na may burdang 'lapitin ako ni Kamalasan'.

Parehas kaming napatigil at nagkatinginan sa isa't isa. Nagsimulang magbulyawan ang kasamahan ni Gavin at kung ano-anong pang-aalaska ang sinasabi sa kaniya. Nakapagtataka nga lang na hindi ito umimik sa halip ay mas lumalim pa ang pagtitig nito sa akin.

Dahil naiilang ako sa mga titig niya, ako ang unang bumawi at nagsimulang maglakad. Kumaliwa ako upang lagpasan sila ngunit siya namang harang nito sa aking daraanan. Napasinghap ako dahil ilang metro na lang ang layo namin. Napatingala ako sa kaniya at nagtaas ng kilay. 'Di maglaon, kumanan na ako pero katulad ng kanina, hinarang niya ang malaki niyang katawan. Para kaming bata na nagpapatintero.

"May kailangan ka ba? May sasabihin? Anong problema mo?" Sabay-sabay kong tanong kay Gavin.

"Wala--"

"Wala naman pala eh. Maayos akong dumadaan pero ikaw 'tong harang nang harang. Ayaw ko ng gulo. Kaya please lang Gavin, tantanan mo muna ako kahit ngayong araw lang." Pagputol ko sa kaniya sabay danggi sa balikat niya.

Napahinga ako nang malalim nang makalayo ako sa kanila. Siguro walang magawa ang hinayupak na 'yon kaya walang ginawa kundi sirain ang araw ko. Pumasok na ako sa unang klase at winaglit ang nangyari kanina.

_

Sumapit ang hapon at ngayon ay kasabay ko si Jeybez papuntang field. Binigyan ko siya ng isang kotong kanina dahil siya ang punot-dulo kung bakit nagtagal ako sa banyo. Tumawa lang siya nang tumawa at inasar pa akong 'takaw-tae'.

Kalat-kalat ang mga estudyante ngayon at mararamdaman mo talaga ang masinsinang training ng mga kalahok. Malapit na nga pala mag-end ang semester kaya walang dudang kailangan nila mag-ensayo nang todo.

Sinalubong kami ni Francheska at ako'y niyakap. Nagitla naman si Jeybez at mababanaag sa kaniyang mukha na walang kaalam-alam sa nangyayari.

"Si Francheska, kapatid ni Caliban. Siya rin ang cheerleader." Sabi ko sa kaniya.

Nagkamayan naman sila at gi-nuide kami sa upuan malapit sa pwestong pagpapraktisan nila. Natuwa naman ako dahil ang gagaling ng mga stunts nila. Sa gilid ay may nagta-tumbling habang ang likurang banda ay may inihahagis sa ere. At siyempre, hindi magpapakabog si Francheska dahil agaw atensyon siya sa gitna. Hindi mapagkakaila na may malambot siyang katawan at makikitian ng sinsero sa pagsasayaw. Napapalakpak na lang ako sa sobrang galing niya.

Natapos ang kanilang practice at dinig ko pa na kaunti na lang ay aayusin nila sa buong performance. Masayang pumunta sa aming gawi si Francheska at kaagad ko itong pinalakpakan.

"Grabe ka, ang galing niyo! Sure akong makukuha natin ang unang pwesto sa contest."

"Actually hindi pa namin binubuhos 'yung galing namin kaya hopefully, magkatoo ang sinasabi mo."

Tumunog ang bell hudyat na magsisimula na ang laro ng football. Hinintay muna namin nang saglit si Francheska dahil nagpapalit pa siya ng damit. Mabilis kaming sumulong sa field at humanap ng magandang pwesto.

"Grabe pala ang practice sa campus, parang totoong laro na. Ang daming tao." Mangha kong sabi habang nagmamasid sa paligid.

"Expected na 'yon sa private university. All students here are giving their best shots para manalo sa iba't ibang contest. Kailangan ng suporta ng bawat isa para ganahan sila sa paglalaro. Boring kasi ang practice kung walang manonood." Napatango kaming dalawa at sumang-ayon sa sinabi ni Jeybez.

Unang lumabas si Caliban nang simulang tawagin ng speaker ang kampo ng Blue team. Naghihiyaw kaming tatlo na nagpangiti kay Caliban.

"Now, for the red team accompanied by the MVP of all time Gavin Letherwood, number 23, 16, 14, 8..." Biglang sumakit ang ulo ko sa narinig. MVP pala ang kulugong 'yon?

Tss, hindi siya bagay para sa titulong iyon.

"Oh, 'bat parang nangasim 'yang mukha mo Fluke?" Sabi ni Francheska. Ngumiti na lang ako sa kaniya at umiling.

Nagsimula na ang laro. Early game pa lang ay kapansin-pansin ang pangunguna ng red team na may 3 points na. Habang ang blue team ay may 1 point pa lang. Kasalukuyang hinahabol ni Caliban si Gavin na may sipa-sipang bola. Napahiyaw na lang ako nang sobrang lakas ng maagaw nito ang bola at mabilis na sinipa papuntang ring.

"We love you Caliban!" Sabay-sabay naming sigaw nang makapuntos ang blue team dahil sa kaniya.

Natapos ang 1st game at bigo ang blue team na makapuntos. Nagkaroon ng time out kaya mabilis kaming bumaba para abutan si Caliban ng tubig. Nagpasalamat siya nang kunin nito ang tubig na dala-dala.

"Grabe ka kuya, ako ang magbibigay pero 'yung kay Fluke ang kinuha mo. I smell something fishy."

Ngumisi na lang siya sabay kindat sa kapatid. Nandiri naman si Francheska na nagpatawa sa akin.

"Fluke, punasan mo naman ako." Sabi ni Caliban na umagaw ng atensyon ko.

"Hala, may kamay ka. Kaya mo na ang sarili mo." Pagtanggi ko.

"May hawak ako eh. Tsaka, pampasigla lang para sa next game." Kaagad namang nagsipulahan ang aking mga pisngi kaya wala akong nagawa kundi gawin ang request niya. Todo kantiyaw naman ang dalawa na mas nagpapula sa akin.

'Di kalayuan, nasulyapan ko si Gavin na may nanlilisik na mata. Nanlaki ang aking mata nang magsabugan ang tubig na dahil sa higpit ng pagkakahawak niya. Tumingin aki kina Jeybez pero hindi nila nasaksihan ang nakita ko. Ipinagsawalang bahala ko na lang iyon dahil alam kong may sira ang kokote ng lalaking iyon.

Sila na nga ang nanalo sa 1st game, siya pa 'tong parang badtrip. Ewan ko sa kaniya.

LHS #1: Life as a Class A's Muse [COMPLETED✓]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon