Chapter 14: The swapped vixen

390 31 3
                                    

Makeup. Wig. Pompoms. Short skirts and red lipstick.

"Now, the Lauren's High Cheerdance group, let's give it up for the Pixsy Vixens!" Anunsyo ng emcee na nagpangilabot sa buo kong katawan.

Nangangatog akong naglakad papuntang unahan at tiningnan ang mga babaeng ka-grupo. Tinanguan nila ako at mahigpit na hinawakan ang aking kamay.

"Kaya mo 'yan." Pagpapalakas ng loib na sabi ni Stacey, ang magbubuhat sa akin para mamaya sa stunts.

Halos magsigawan ang buong estudyante sa stadium at kita ko ang pag-aalalang mukha ni Jeybez. Pilit akong ngumiti para hindi siya masyadong mangamba.

Hindi sana ako aabot sa ganitong punto kung hindi nangyari ang insidente kanina.

_

3 hours earlier...

"Fluke! Caliban! Tayo 'yung nanalo sa  football match! Congrats bro!" Sabi sa amin ni Jeybez pagkabukas ng pinto ng clinic. Masaya si Caliban sa resulta kahit hindi siya naging parte sa buong laro.

Tiningnan ko ang oras at napagtantong malapit na pala ang simula ng contest nina Francheska.

"Caliban, pupuntahan na muna namin 'yung kapatid. Sabihin ko na lang sa kaniya kung bakit hindi ka nakapunta. Ayos ka lang ba rito?"

"Oo ayos lang. Salamat nga pala sa pagbabantay."

Ngumiti ako sa kaniya at hinila muli si Jeybez palabas ng clinic. Nagpunta kami sa pinagpapraktisan nina Francheska at mabilis na pumunta roon.

Unang bumulaga sa amin ang nagkukumpulang grupo habang si Francheska ay hawak-hawak ang kaliwang binti at nadaing.

"A-anong nangyari?"

"May stunt kasi siyang gagawin for high flying basket tosses. After lumanding, dapat may dalawang support na nakaantabay sa baba. Ang nangyari, nahuli 'yung isa kaya hindi nakayanan ng sumalo at parehas silang bumagsak. Pinaka-napuruhan si Francheska kasi binti niya ang unang bumagsak." Paliwanag ng isang ka-team niya.

"Grabe, magkapatid nga kayo ni Caliban. Tinisod siya kanina kaya napilayan ng kaliwang binti."

"N-napilyan si kuya?"

"Oo Francheska pero ayos na naman ang kalagayan niya. Binantayan ko siya at pinagpaliban na manuod ng game. Pero sa kaso mo ngayon, ano nang mangyayari sa team niyo? Hindu puwedeng wala ka 'ron kasi ikaw ang vixen sa grupo." Pag-aala kong banggit sa kaniya.

Nabahala rin ang mga ka-grupo niya dahil ilang saglit na lang ay magsisimula na patimpalak. Kung ako siguro ang nasa kalagayan niya, mapapraning na ako.

Napamulagat naman ako nang hawakan ni Francheska ang magkabilaan kong balikat. Ngumiti siya nang malaki na para bang nakaisip ng ideya.

"Ikaw." Panimula niya.

"Anong ako?"
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
"Ikaw ang papalit sa akin bilang vixen!"

"Aaahh." Tumango ako pero ilang saglit lang bago rumehistro sa utak ko ang mga sinabi niya.

"ANO?!" Histerikal kong pagkakasabi at hindi makapaniwala sa naging ideya niya.

"Sige na Fluke. Hindi puwedeng matalo tayo sa contest. Madalas mo namang napapanood ang practice namin diba? Pagkakatanda ko pa ay sinasabayan mo pa kami habang nagsasayaw. Please Fluke, ikaw muna ang pumalit sa'kin. Alang-alang sa university." Pagmamakaawa niya habang hawak ang aking kamay.

"H-hindi sa ayaw ko pero naloloka ka na ba Francheska? L-lalaki ako atsaka hindi ko kaya 'yung hinahagis-hagis."

Iniisip ko pa lang ang sitwasiyong iyon ay parang mamumutla na ako.

"Hindi ka naman papabayaan ng mga ka-grupo ko, diba girls?"

"Yes!"

"Oo naman!"

"Sige na Fluke, pumayag ka na!"

"Alang-alang kay Francheska!"

"Para sa trophy!"

Saad nila nang sabay-sabay na nagpalumo sa akin. Paano ko sila hihindian kung ipit na ako sa sitwasiyon.

Tumingin ako kay Jeybez at ngayon ay tumatango na. Napahinga ako nang malalim at hindi makapaniwala sa aking sinabi.

"S-sige. Payag ako."

Bigla silang nagsigawan at mahigpit akong niyakap. Ngumiti na lang ako ng mapait at pinakisamahan sila.

"Ibig bang sabihin ay magsusuot din ako ng ganiyan?" Turo ko sa maikling palda na suot-suot nila.

"Malamang! Kailangan mo munang maging babae para hindi mahalata ng makakakita."

"W-wala akong ganiyan." Nguso ko sa mga dibdib nila na para bang nabiyak na pakwan.

"Huwag kang mag-alala kami na ang bahala diyan. Saktong may wig kaming dala for important purposes. Kaya girls, make fluke the most beautiful vixen in the century." Ngising sabi ni Francheska at hinila na ako ng mga ka-grupo sa isang silid.

_

"S-stacey. H-hindi ko na kaya. Magba-back out na lang ako." Mahina kong banggit habang nakaharap sa maraming estudyante. Mas nagpalala ang kaba ko nang pumasok ang mga football team. Napayuko na lang ako para walang makakilala.

"Huwag kang kabahan Fluke. Nagpractice na tayo kanina at wala kang mali. Tama lang si Francheska na ikaw ang ipalit kasi kasing-galing mo siyang sumayaw. Legit, walang halong biro. Kaya, huwag kang yumuko diyan at ngumiti lang. Hindi ka makikilala ng mga iyan. Sa ganda mong 'yan?" Biro nito sa akin..

Hinawakan ko na lang ang aking dibdib na ngayon ay may silicon. Linabanan ko ang pangamba na baka magkamali ako sa oras na kami na ang magpe-perform.

Pinapunta kami sa backstage dahil magsisimula nang mag-perform ang unang kalahok. Wala sa wisyo akong naglalakad kaya hindi ko napansin ang lalaking nasa harapan ko. Parehas kaming natumba pero wala akong naramdamang sakit. Iyon ay dahil nakapatong pala ako sa lalaking nabangga ko kani-kanina lang.

"G-gavin?"

Jusko! Pati ba naman sa sitwasiyong ito ay magpapabigat pa siya? Daig ko pa ang aso dahil sa pagkabuntot kay kamalasan.

Mariin niya akong tiningnan at tila naguguluhan sa nakikita. Nanlaki ang kaniyang mata ilang saglit.

"F-fluke?" Hindi niya makapaniwalang sabi.

"F-fluke? S-sinong Fluke? P-pasensiya na kailangan ko nang umalis." Sagot ko habang pinapaliit ang boses. Kaagad akong umalis sa pagkakapatong at sumabay sa mga ka-grupo.

Napahinga na lang ako nang malalim dahil muntikan na akong mabuking.

LHS #1: Life as a Class A's Muse [COMPLETED✓]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon