Chapter 13: Univ Ultimate Cup Contest Part 2

392 35 1
                                    

Nandito kami ngayon sa Cafeteria kung saan sina Francheska, Caliban at Jeybez ay kasama kong kumain sa round table. Nanalo ang Lauren High sa basketball match at hindi mapagkakailang masaya ako sa pagkapanalo nila. Nagsisimula na ang match sa volleyball pero hindi na namin pinanuod dahil lunch time ito naka-schedule.

"Sunod na ang game namin. Inilista ko na rin kayo sa reserved seats para hindi na kayo mamroblema sa pag-upo." Sabi ni Caliban habang tinutukoy ang laban nila mamaya.

"Puwede ba naman kaming mawala? Kahit nga 'tong kapatid mo, kulang na lang i-posas kami ni Jeybez para hindi mawala sa paningin niya." Tumatawa kong banggit sabay subo ng pagkain.

"Dapat lang! It's a big event and wala akong kakilala rito except all of you. Also, mamayang hapon pa ang cheerdance competition, hindi ko alam kung bakit na-move. Pero ayos na rin 'yon para makapaghanda kaming mga vixens." Saad ni Francheska.

Muli kaming nagkuwentuhan patungkol sa contest. Kusang akong napangiti habang tinitingnan ang mga taong kamakailan lang ay nakilala ko. Sa tatlong buwang pamamalagi ko rito ay nakilala ko si Jeybez pati na rin si Caliban na siyang nagpabuhay ng pag-asa na makakatagal ako rito sa Lauren High. Isama mo pa si Francheska na akalain mong kapatid pala ni Caliban at nagkakilala kami sa hindi inaasahang pagkakataon. Sa ngayon, ie-enjoyed ko muna ang sandaling ito at ibigay ang makakaya upang maiparamdam ang suporta para sa laban nila.

_

Ilang oras bago muling magsimula ang palaro. Nagsipuntahan ang mga estudyante sa field upang masaksihan ang football match para sa taong ito. Tulad ng sinabi ni Caliban kanina, hindi kami nahirapan sa pagsisiksikan dahil kaagad kaming nakaupo sa unang hilera ng upuan sa pagdadaluhan. Maingay pa rin ang buong paligid at halos makita na ang ngala-ngala ng iba sa pagbanggit ng pambato nilang unibersidad. May hawak akong banner na may nakalagay na 'Grey Prey Wonders for the win!' habang si Jeybez naman ay 'Soar high Lauren High!'. Hindi namin kasama si Francheska dahil naghahanda na sila para sa kanilang kompetisyon. Sunod na kasi ang Cheerdance sa Football kaya labag man sa kalooban ni Francheska ay hindi ito puwedeng sumama't manood.

Isa-isang tinawag ang pangalan at number ng mga kalahok ng kalabang university. Muli kaming sumigaw nang tawagin naman ang pambato namin.

"Go Caliban!" Sigaw ko nang tawagin ang pangalan niya. Tumingin ito sa akin at kinindatan. Todo kantyaw naman si Jeybez nang makita ang pagkindat sa akin ni Caliban. Nang si Gavin naman ang tawagin, nakasimangot ito na para bang buryong-buryo. Sinamaan pa ako ng tingin sabay irap.

"Anong problema niya?" Tanong sa akin ni Jeybez.

"Malay ko ba diyan. Siguro nag-away sila nung girlfriend niya."

"Girlfriend? May girlfriend si Gavin?"

"Hindi mo alam? Nakita ko kasi siyang may kayakap na babae sa likod ng gym. Siguro nag-away sila kaya na-bad mood." Hindi na sumagot si Jeybez at napatango na lang.

Umugong ang sirena hudyat na magsisimula ang laro. Matinding bakbakan ang naganap sa pagitan ng dalawang grupo at makikitaan ng liksi ang bawat manlalaro. Mahigpit kong hinahawakan ang mga daliri ko at naka-focus lang ang mga mata ko sa bola. 'Na kay Gavin ngayon ang bola at pwersahan itong sinipa na nagpalipad sa net. Napahiyaw kami nang unang makapuntos ang school namin dahil sa kaniya. Muling tumuloy ang laro at walang mapaglagyan ang aking tuwa dahil sila ang nakakuha ng pinaka-mataas na puntos para sa unang match. Nagkaroon ng break time at doon sila nagkumpol-kumpol kasama ang kanilang coach. Makalipas ang ilang minuto, muli na naman umarangkada ang laro. Si Caliban ang highlight sa pointing camera sa may taas ng field dahil siya ngayon ang sumisipa ng bola. Ilang saglit pa ay naagaw ito na nagsanhi upang madapa ito. Kita sa monitor ang sakit na nadarama ni Caliban dahil sa pagtalisod.

Napatayo ako sa aking kinauupuan at nag-alala sa kalagayan niya. Nagsipuntahan ang mga medics at tulong-tulong na itinayo ang napilay na si Caliban. Umalis ako sa aking puwesto para sundan siya sa clinic at hindi nagdalawang isip kahit hindi na mapanuod ang buong match.

"Caliban!" Sigaw ko nang makita ko siyang binebendahan sa bandang tuhod.

"Ayos ka lang ba?" Pag-aalala kong sabi.

"Ayos na 'konti. 'Bat ka nandito? Dapat nanonood ka ng match."

"Paano ako makakapanood kung wala doon ang sinusuportahan ko?"

Sa sinabi kong iyon ay napangiti siya na nagpangiti rin sa akin.

"Hindi mo na naman ako kailangang bantayan."

Umiling ako at muling ngumiti.

"Hindi. Kailangan kitang bantayan. Baka mag-alala rin si Francheska sa kalagayan mo. Ako muna ang mag-aalaga sa'yo.

LHS #1: Life as a Class A's Muse [COMPLETED✓]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon