Chapter 9: Sad truth

416 34 0
                                    

Warning: Inappropriate words and sentences. Be ware.

Hinatid ako papuntang dorm ni Caliban kahit tinutulan ko siya. Wala naman akong nagawa dahil ipinipilit niyang way of returning favor sa pagtanggap ko ng sorry niya.

"Salamat ulit hah? May practice ulit kayo bukas?"

"Oo. Bukas na rin ang dating ng mga Pixsy Vixens dito sa uni para magpractice ng cheerleading. Punta ka hah?"

Nagkamot ako ng ulo at nag-iisip kung ano ang idadahilan para hindi makapunta sa practice nila bukas. Trauma na kasi ako sa paglipad ng bola at mas hindi ko kakayanin ang pagtagpuin muli ng landas ang taong ngayon ay ka-roommate ko pa.

"Naku, mukhang malabo akong makakapunta gawang magre-review ako para sa test. Pero try ko. Hapon naman diba?"

"Oo. Kapag hindi ka pumunta, magtatampo talaga ako sa'yo."

Tumawa na lang ako at umiling-iling. Parang si Jeybez lang kung umasta itong si Caliban—laging naninigurado. Labag man sa kalooban ko, tinanggap ko na ang alok niya para hindi magdamdam. Sisiguraduhin ko na lang na makakaiwas ako kay Gavin.

"Makakatanggi pa ba 'ko? Parang kapag hindi ako sumipot, makakatanggap ako ng isang kotong sa'yo." Tatawa-tawa ko habang nagbibiro.

"Higit pa diyan ang makukuha mo. Aasahan kita hah? Sige pahinga ka na Spellman, susunduin pa kita bukas."

"Sunduin? Bakit naman? Hapon pa naman ang practice niyo."

"Hindi. What I mean, susunduin kita bukas nang maaga para ihatid ka sa klase mo."

"Hindi mo na kailangang gawin 'yon Caliban, ano ka ba. Hindi na naman ako bata  para 'don."

"'Bat ayaw mo? Magkaibigan naman tayo diba?"

"O-oo pero no need na talaga. Atsaka, maiistorbo ka lang kapag ginawa mo 'yon."

"Hindi ka istorbo sa 'kin 'no. Ngayong kaibigan na kita, asahan mong lagi na akong nakadikit sa'yo."

Agad pinamulahan ang aking pisngi sa sinabi sa akin ni Caliban ngayon. Hindi ko mawari kung nagbibiro ba siya o gusto niya lang pakalugin sa kilig ang kalamnan ko. Hindi ko man sabihin pero may angking kagwapuhan itong si Caliban na lahat ng babae at binabae ay mapapalingon. Hazel brown dyed hair, batak na katawan, strong jaw line, pointed nose at ang kulay asul na mata niya. Kung titingnan, para siyang anime character na nabuhay sa totoong mundo.

Naputol ang moment namin nang tulakin ni Gavin si Caliban para pumasok sa kuwarto. Sadya niyang binangga ang braso ko na nagpadaing sa akin. Sa lahat ng pagkakataon, hindi talaga mawawala ang asungot sa buhay mo. Isa siyang peste sa paligid ko!

"Tapos na ba kayo maglandian? If I were know, dorm ito hindi motel. Ikaw naman Slut, huwag mong dalhin ang kalandian mo dito. Binibigyan mo lang ng kahihiyan 'yang sarili mo." Galit niyang turan sa akin sabay punta ng banyo.

Kahit nagpantig ang mga tenga ko, mas pinili kong huwag na lang siyang sagutin para hindi na humaba ang away. Peke akong ngumiti kay Caliban at sinabing pagpasensiyahan na lang ang ugali ng ulupong na 'yon. Nag-alala naman siya sa akin tungkol doon pero sinabi kong ayos ako at hindi ako nagpapakaapekto sa sinasabi niya. Nag-aalinlangan mang umuwi si Caliban pero buti na lang ay napapayag ko na siya. Malapit na rin kasi ang curfew kaya nag-aalala akong baka mapatayan siya ng ilaw. Sa kabilang dorm pa man din siya nakadestino.

Maagap kong sinara ng pinto at saktong lumabas mula sa pintuan ng banyo si Gavin. Napairap na lang ako sa kawalan at hindi na inintindi ang paligid.

"Ano? Siguro natikman mo na 'yung lalaking 'yon kaya sunod nang sunod sa'yo kasi gustong umisa pa. Masarap ba siya hah?" Nakangisi niyang sabi sa akin habang nagpupunas ng basang buhok.

Kung hindi pang-iinis at insulto ang ibabato niya sa akin, hindi siya mawawalan ng salita para i-discriminate ako at apakan ang pagkatao ko. Gusto kong sabihin sa head council pero ayokong magkarecord dito. Alam kong napaka-lame ng reason ko pero gusto kong matapos ito in my own handle. Siguro sa tamang panahon at kapag sagad na sagad na 'ko, hindi ko na mapapalampas 'to.

"Alam mo Mr. Leatherwood, kung sa tingin mo kinagwapo at kina-angas mo ang pagsasalita ng masama sa tao, pwes nagkakamali ka. Kung hindi mo 'ko kayang respetuhin bilang estudyante rito, respetuhin mo naman ako bilang tao. All your words na ibinabato mo sa akin signifies that you are not worth it in this prestigious school. Pasalamat ka hindi umaabot sa head council ang pangbu-bully mo sa'kin kasi kaya ko pang tiisin. Sana lamunin ka ng konsensiya mo nang matauhan ka." Mahaba kong turan sabay palsak ng headphones at humiga na sa higaan. Pumikit ako at 'di alintana ang maaari niyang gawin sa akin.

Nakapanghihinayang na kung sino pa ang biniyayaan ng magandang panlabas na kaanyuan, siya pa itong mayroong inuuod na pag-uugali. Sayang siya kung ako sa kaniya.

Natulog na lang ako para ihanda ang sarili sa test at pagpunta sa field bukas.

LHS #1: Life as a Class A's Muse [COMPLETED✓]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon