Chapter 16: Life as a Class A's Muse

495 34 1
                                        

"G-gavin..."

Ang huli kong nabanggit nang masurpresang makita ang kaanyuan niya.

"So ikaw nga talaga ang nabunggo ko kanina."

"A-ano? Anong pinagsasabi mo? A-ako? Nabunggo mo kanina?" Maang-maangan ko.

"Huli ka na sa akto pero nagsisinungaling ka pa. Hanggang kailan mo balak itago na ikaw ang pumalit na vixen ng Lauren High ha?" Doon ako tinubuan ng takot na baka kumalat ang balitang ito.

"Balak? Hindi ko balak itago. Kailangan ko lang gawin 'yon para manalo at makasali sa contest. Atsaka, ano bang pinuputok ng butchi mo at parang asar na asar ka na ako ang pumalit na vixen? Hindi ka ba masaya na nanalo pa rin ang school natin despite na hindi gumanap ang totoong leader?" Pagtataray kong sabi sa kaniya.

"Ah so pinagmamalaki mo pa? Ano na lang ang sasabihin ng mga tao sa university natin, 'yung estudyante sa 'All Boys School' ng Lauren High ay pumalit na vixen para sa 'All Girls School', ganon ba? Nakakahiya ka!"

Kusa na lang gumalaw ang aking kamay at sinampal ang mukha ni Gavin. Namuo ang aking luha kasabay sa pagpipigil ng galit.

"Sa lahat na lang ba ng pagkakataon, kailangan mong apakan ang pagkatao ko? Alam kong mali sa paningin mo ang ginawa ko pero nagawa ko 'yon alang-alang sa school pati na rin sa kaibigan ko! Kung inaakala mong magiging usap-usapan sa mga tao 'yung sinasabi mo, pwes hindi 'yon mangyayari kung walang lalaking katulad mo ang magsusumbong. Ayaw mong mapahiya diba? Pwes, huwag kang gumawa ng ikasisira mo dahil sa oras na pinagkalat mo ang tungkol dito, hindi na ako magtataka kung madamay ka."

Aalis na sana ako nang hablutin niya ang kamay ko.

"Sige, susundin ko 'yung sinasabi mo. Pero mayroon akong kundisyon kapalit ng pananahimik ko."

Napairap na lang ako sa kaniya at tiningnan siya nang walang kagatol-gatol.

"Ano?"
.
.
.
.
.
.
.
.
"Be my fake girlfriend. Kung nagawa mong maging babae kanina, for sure magagawa mo rin 'yon sa akin. Take it or leave it. Magiging girlfriend kita o ipagkakalat ko 'yung nalaman ko? Now, the decision is yours."

Wala akong nasabi sa halip bumuka lang ang aking bibig sa narinig. Sa tono ng pananalita niya, mukhang wala siyang pake kung madawit man siya sa ginawa kong pag-substitute sa totoong vixen.

Sa ayaw ko man o hindi, wala akong choice but to say yes sa inaalok niya.

Pero bakit ako?

Marami mang gumugulo sa aking isipan, I prefer not to think about it dahil tulad ng sinabi niya, fake relationship ang papasukin ko.

No strings attached.

Kung ano man ang dahilan niya, labas na ako 'ron pero gagawin ko ito for my own sake.

Napabuntong hininga na lang ako at tumango sa inalok niya.

"Sige. Payag ako. Kailan ang simula?"

Lumapit siya sa akin sabay hapit sa aking katawan. Namilog ang aking mga mata sa lapit ng aming pagitan at halos magsitakbuhan ang aking mga dugo sa sobrang bilis ng pagtibok ng aking puso.

"Right now, right here...babe."

To be continued...

LHS #1: Life as a Class A's Muse [COMPLETED✓]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon