Sorry for the late update😔 Enjoy reading!
_
Alas sais y media ako nagising para umalis ng dorm. Sa katunayan, routine ko na ang paggising nang umaga para pumunta sa library. Buti na lang, kahit madaling araw pa lang ay bukas na ito pati na rin ang cafeteria. Napadaan nga ako doon at gulat kong marami nang tao ang naririto. Maging ang buong campus ay nagsikalatan ang mga estudyante na may iba't ibang hawak na tarpaulin.
'Go Pixsy Vixens' basa ko sa nakasulat.
Pixsy Vixens?
Doon ko lang naalala ang binanggit sa akin ni Caliban kahapon na ngayong araw ang pagdating ng cheerleading team ng university. Napalaki naman ang mga mata ko nang maalala rin na susunduin niya ako para ihatid sa building. Kaagad kong kinuha ang telepono sa aking bulsa at tinext siya na maaga akong nagising.
"Fluke?"
Napadungaw ako sa nagsalita at nakito ko ang pawisang lalaki na dapat sana'y tatawagan ko.
"Saan ka pupunta? Ang aga pa ah?"
"Papunta akong banyo—este library. Ikaw, 'bat ang aga mo rin?"
"Nag-jogging ako sa oval. Kumain ka na ba?"
"Oo—"
Kumalam bigla ang sikmura ko na siyang ikinapula ng aking pisngi.
"Actually, sumakit 'yung tiyan ko sa kinaing burger kanina—kkrrrggghh" Napapikit ako sa sobrang kahihiyan.
Kung kailan talaga kailangang magdahilan, doon ka pa tatraydurin ng sikmura mo.
"Sa tingin ko nagagalit na 'yang tiyan mo." Natatawa niyang sabi sa akin.
"Tara na sa Cafeteria, libre ko."
"Naku, hindi na. Ayos lang ako."
"Spellman, ngayon ka pa talaga mahihiya sa'kin eh magkaibigan na tayo. Halika na."
"Pero totoo—" hindi ko na natuloy nang higitin ni Caliban ang kamay ko papalakad.
Totoong sira ang sikmura ko sa kinaing burger kanina. Papunta sana ako ngayon sa banyo para doon ilabas ang tawag ng kalikasan pero hindi ko naman masabi nang diretso dahil nahihiya ako. Mukhang kailangan ko tiisin 'to at paniguradong tirgas ang paglabas nito. Sorry sa term pero totoo naman.
Pinaupo ako ni Caliban at siya na raw ang o-order sa aming dalawa. Napangiti na lang ako nang hilaw habang hinihimas ang naninigas kong tiyan.
'Jusko mga kaibigan, mamaya na kayo lumabas.' Banggit ko sa aking sarili habang pinagpapawisan.
Ilang sandali ay dumating na si Caliban dala-dala ang sangkatutak na fried chicken at 4 cups na kanin. Napalaki na lang ang aking mata at malapit nang umiyak.
"A-ang dami naman yata niyan Caliban. Mauubos mo ba 'yan?"
"Siyempre tulong tayo. Napag-alaman ko kasi na favorite mo raw ang chicken kaya dinamihan ko ang order. Kain na!" Masaya niyang sabi habang nilalagyan ako ng ulam sa aking plato."
"Sino naman ang nagsabi?"
"Si Jeybez. Kaibigan mo raw siya. Nakasalubong ko siya one time then natanong ko kung ano gusto mong ulam para ilibre ka ng pagkain for peace offering."
Napatango na lang ako at hindi bukal sa pusong sinubo ang kanin. Malilintikan talaga sa'kin si Jeybez mamaya.
Makalipas ang ilang minuto ay naubos na rin namin sa wakas ang pagkain. Putlang-putla na ako dahil hindi ko na mapipigil pa ang dapat mailabas.
"Fluke, ayos ka lang? Namumutla ka." Pag-aalalang tanong ni Caliban sabay hipo sa aking noo.
"A-ah Caliban, magbabanyo lang ako. Kita na lang tayo mamaya sa field. Bye!" Mabilis kong sabi sabay takbo papalabas ng cafeteria.
"Fluke!" Hindi na ako lumingon dahil nararamdaman ko na ang unti-unting paglabas ng dumi sa mahiwaga kong butas. Sa pagmamadali ay nakabangga ako ng isang babae at nahulog nito ang dala-dalang pompoms. Kaagad ko itong pinulot at humingi ng paumanhin.
"Naku, sorry talaga. Banyong-banyo na kasi ako kaya kailangan kong magmadali."
"Ayos lang, mukhang naparami yata ang nakain mo kaya kanina ka pa himas nang himas sa tiyan. Sige, ilabas mo na 'yan." Sabi niya sabay tawa nang mahina. Napatawa na lang din ako at kaagad pumasok sa banyo.
Matapos ang ilang minuto ay successful naman ang pagdedeliver ko ng aking dumi sa bowl. Pasintabi na lang dahil sa wakas, ready and free na ako gumalaw. Lumabas ako sa banyo na nakangiti habang nagpapahid ng butil-butil na pawis sa noo.
"Successful ba?" Nagitla ako sa babaeng sumulpot sa aking gilid at sumabay sa aking paglalakad. Naalala ko bigla na siya 'yung babaeng nabangga ko kanina. Ngumiti ako sa kaniya at tumango.
"I'm Francheska Ratthon. How 'bout you, what's your name?"
"Fluke Spellman. Nice to meet you Francheska Ratthon...w-wait Ratthon ba kamo?"
"Y-yes, what's the matter?"
"May kaibigan kasi ako dito na Ratthon din ang epelyido. He's name is Caliban."
"Woah, what a small world isn't? By the way, he's my twin brother." Doon ako nagulat sa sinabi niya. Well, kung pagbabasehan mo nga naman ang hitsura, napagtanto ko na may pagkakahawig nga sila ng features ng kapatid niya—isama mo pa ang haba ng buhok ni Caliban kaya mabilis kong na catch-up ang pagiging magkapatid nila. Nagpatuloy kami sa paglalakad at nag-usap ng mga random topics.
"Alam mo ba? Iyang kapatid mo ang may dahilan kung bakit ako natagalan sa C.R.? Actually, papunta na sana ako ng banyo pero ang loko-loko mong kapatid ay pinilit pa akong kumain. Bigla kasing tumunog ang tiyan ko kaya akala niya hindi pa ako kumakain. Hindi naman niya alam na kaya tumunog 'yon dahil nasira sa kinain kong burger." Kanina pa tawa nang tawa itong si Francheska sa mga sinasabi ko. Nakuwento ko rin sa kaniya 'yung tinamaan ako ng bola na kagagawan ng kapatid niya kaya ako nahimatay. Kung tutuusin, parang it's a fate na rin na sa akin mangyari iyon kasi grateful ako na maganda ang naging income 'non. Isa na roon na maging kaibigan ko si Caliban pati na rin ang unexpected na kapatid niya.
"Grabe, mukhang may balat ka yata sa puwet. Lapitin ka ng disgrasya." Sabi niya na hindi pa rin nakaka-get over sa pagtawa.
"Matatanggap ko pa 'yong lapitin sa digrasya. Pero maiba tayo, member ka ng Pixsy Vixens?"
"Hindi naman halata sa dala-dala kong pompoms diba?" Sarkastikong niyang banggit sabay wagayway nito.
"Of course I am! To tell you the truth, I am the vixen of the team." May pagmamalaki niyang turan.
"Vixen? As in what?"
"The leader my god! Hindi ba halata?" Napamangha ako at hindi makapaniwalang siya ang leader ng team.
"Kaya naman, I order you to come in the field later for our team's practice. Kapag hindi ka sumipot, ipapakulam kita."
Napatawa na lang ako sa idea na parehong-pareho sila ng pag-uugali ni Caliban. Tumango na lang ako at nagpaalam sa isa't isa.
![](https://img.wattpad.com/cover/259521888-288-k481093.jpg)
BINABASA MO ANG
LHS #1: Life as a Class A's Muse [COMPLETED✓]
Novela JuvenilMake up. Wig. Pompoms. Short skirts and red lipstick. Ramdam ni Fluke Spellman ang panginginig ng kaniyang tuhod pagpasok sa gym ng Lauren High Institute, nag-iisang international exclusive school for boys sa Maynila. Paano niya pangangatawanan ang...