Araw ng sabado ngayon at sa mismong araw na 'to ay napagkasunduan naming magkakaibigan na mag-outing bago matapos ang semestral break. Panigurado kasing hindi na kami magkakaroon ng get together pansamantala lalo na't para kaming naka-lockdown sa kaniya-kaniyang dormitory.
"Fluke, pupunta kami diyan ni kuya mamayang 9:30. I will rip you apart kapag hindi ka pa nakakabangon o nakaayos man lang." unang bungad sa akin ni Francheska nang sagutin ko ang tawag niya. Actually, nakahiga pa rin ako hanggang ngayon dahil naayos ko na naman kahapon pa 'yung mga dadalhin ko. Hindi naman ako masyadong excited 'no?
"Wala man lang bang good morning diyan? Oo na mahal na vixen, babangon na po ako."
"So hindi ka pa nga nakakapag-ayos? Gosh Fluke! Ang kupad-kupad mo talaga as always!"
Natawa na lang ako habang ini-imagine ang mukha ni Francheska na naiinis.
"Basta pagdating namin diyan, nakagayak na kayo ng kaibigan mong ugok. On the way na kami ni kuya eh."
"Teka teka, akala ko ba ang call time natin ay 9:30? 7:10 pa lang huy!" reklamo ko rito at nagpandaling tumayo.
"Sira yata 'yung orasan niyo. Basta, malapit na kami. Babush!"
"Teka lang Franche-"
Toot toot toot toot...
Binabaan na 'ko ng gaga.
Walang gana akong bumangon dahil alam kong hindi nagbibiro si Francheska. Habit niya na sigurong mag-set ng time pero hindi naman nasusunod. Para siyang laging may hinahabol dahil sa pagmamadali.
Pagkababa ko ay saktong nadatnan ko si mom na nagluluto. At ang talandi kong kaibigan na si Jeybez, ayon at komportableng-komportableng nakaupo habang nakikipag-usap kay Kuya Cedric.
"Ang aga nating mangapit-bahay ah? Anong oras ka pumunta dito?" kalabit ko kay Jeybez dahil hindi yata ako nito napansin.
"Oh Fluke, buti naman buhay ka pa! Kanina pa 'kong 6:30 nandito. Bilisan mo nang maligo, parating na raw sina Francheska myloves." sagot naman nito sa akin sabay tulak pataas ng hagdan.
Tss, kabababa ko lang eh!
Wala na akong nagawa kundi maggayak ng sarili. Nagsuot lang ako ng plain green t-shirt at tinernuhan ng pantalon pagkatapos maligo. Hinablot ko ang aking cellphone sa kama at napansing may isang unread message dito.
"Bakla, busy ka?"
From: Ulupong
7:13 am
Pesteng yawa na 'to. Kaya umagang-umaga, laging sira ang mood ko. Sa dalawang buwan naming pagpapanggap, halos ganito ang nagiging bungad sa cellphone ko. Eh ano pa nga ba? Ite-text niya lang naman ako kasi may kailangan. Kailangan si Felicity.
T-teka, 'bat parang boses na nagseselos ako?
Iniling ko na lang ang aking ulo sabay reply sa ulupong na 'to.
"Oo, busy ako ngayon kaya hindi mo muna makikita si Felicity, may lakad."
To: Ulupong
Message sent
"Saan ka pupunta?"
From: Ulupong
7:18 am
"Wala ka na 'ron. At pwede ba? Huwag mo muna akong gambalain kahit ngayon lang. I need freedom and space! Hindi sa lahat ng oras ay kailangang umikot ang mundo ko sa'yo!" huli kong reply at hindi na hinintay ang isasagot nito. Bumaba ako sa sala pero nandoon na pala silang lahat sa kusina at nag-uumagahan.
![](https://img.wattpad.com/cover/259521888-288-k481093.jpg)
BINABASA MO ANG
LHS #1: Life as a Class A's Muse [COMPLETED✓]
TeenfikceMake up. Wig. Pompoms. Short skirts and red lipstick. Ramdam ni Fluke Spellman ang panginginig ng kaniyang tuhod pagpasok sa gym ng Lauren High Institute, nag-iisang international exclusive school for boys sa Maynila. Paano niya pangangatawanan ang...