Chapter 18: Meeting the parents

271 24 4
                                    

Habang nasa biyahe ay patuloy kaming nag-iiringan, asaran, pikunan at batuhan ng mga salita. Walang nagpapatalo hangga't walang mabara o mapahiya ni isa man sa amin. Aminin ko man o sa hindi, nasanay na ako sa ganitong tagpo everytime na lagi kaming magkasama. Jusko, sintaas yata ng sky highway ang ego ng lalaking 'to. Kumbaga, kung sa pataasan lang ng ihi, abot outer space na siguro ang naabot nito para lang hindi maapakan ang pride niya. At dahil hindi ko 'yon kayang mapantayan, wala akong nagawa kundi ang umawat na dahil nawawalan na 'ko ng laway kadadaldal. Hindi kasi siya talaga nauubusan ng mga ibabanat. Prepared kung prepared.

"Oh ano ka ngayon? Tumahimik ka bigla?" masaya nitong sabi na animo'y nanalo. Naku, kung may variety show na 'Pikunan Contest', hindi na ako magtataka kung lagi itong title holder at secured ang trono. Iba talaga ang lumalabas sa bibig at tabas ng dila!

"Nagugutom na kasi ako. Hindi ako nag-umagahan para lang makapuslit ulit sa parents ko. Malayo pa ba tayo?" pangongonsensya ko rito na parang effective naman. Nawala ang nakakaasar niyang ngisi at bumalik sa neutral ang kaniyang mukha. Aba, dapat lang. Pasalamat nga siya't natatagalan ko pa 'to at hindi na nag-iinarte.

Pero...hanggang kailan kami ganito?

"Malapit na tayo," wika nito at pumihit pakanan para pumasok sa isang exclusive village. Exclusive nga ba? Parang pagmamay-ari rin nila 'to gawang 'Leatherwood's Property' ang nabasa ko sa karatula. Edi sila na may gintong kutsara sa bibig.

Tumigil kami sa harap ng malaking gate pero matatanaw mo pa rin ang loob nito. Ilang sandali ay automatic itong bumukas kaya pinaandar na ni Gavin ang sasakyan papasok.

Sa isip-isip ko, alam kong mayaman talaga sila pero hindi ko kinaya ang nakikita ko. Parang mini-village din ang peg ng mansion nila. Aakalain mong nasa Malacañang ka dahil sa design at structure ng paligid. Kulang ang word na 'exaggerated' at 'wonderful' para masabi mong napakaganda ang bahay nila. 'Yung tipong kahit 'yung puno na makikita mo ay parang milyon ang halaga, ganon!

"Ano pang ginagawa mo diyan? Get out now. Mom is waiting for us." napansin kong kanina pang naghihintay sa akin si Gavin at siya na mismong nagbukas ng pinto ng kaniyang kotse. Lumabas ako at kaagad siyang sinundan sa likuran. Patuloy pa rin ako sa pagmamasid at hindi mapigilang mamangha.

Muling bumukas ang front door ng mansion at bumungad sa amin ang mga nakahilerang kasambahay. Nakayuko ang mga ito at sabay-sabay bumanggit ng "Good morning, Señorito Gavin."

Taray, mala-prinsipe nga ang buhay ng ulupong na 'to.

"Oh my son, Gavin, you're finally here!" agaw-atensyon ang babaeng nasa itaas ng hagdan at paunti-unting bumababa mula rito. Lumapit siya sa amin at binigyan nito ng magkabilaang beso ang kaniyang anak. In fairness, parang magkapatid lang sila. Hindi makikitaan ng kulubot ang mukha at alagang-alaga ang katawan.

Dumako ang tingin niya sa akin at ako'y binigyan ng mapanuring tingin. Jusko, huwag naman sanang mangyari 'yung iniisip ko. Ako raw si Cinderella tapos kaharap ko ngayon ang evil stepmother. Charot!

"Is she was you're talking about?" tanong nito sa anak at tango lang ang sinagot nito. Muli itong tumingin sa akin kaya kinabahan ako nang slight.

"A-ah, g-good morning po, Mrs. Leatherwood. It's nice to meet you po." wika ko habang pilit na pinapaliit ang boses.

Nagulat ako nang ngitian ako nito sabay yakap sa akin. Ramdam ko 'yung sinseridad at walang halong kiyeme nang hagurin niya ang aking likod. Napangiti na rin ako dahil mali ang inisip ko kanina. Fairy godmother naman pala.

"Welcome to our family, hija. Drop your formality and call me Tita Rina na lang. I hope huwag mong pagsasawaan itong anak ko hah? Alam kong medyo may pagkabarumbado 'yan pero mabait pa rin naman."

LHS #1: Life as a Class A's Muse [COMPLETED✓]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon