Chapter 4

19 8 9
                                    

CARL'S POV
Contentment and Love

“Ate Sabel! Heto na po ang ulam natin. Nakabili na po ako gamit ang kinita ko sa pangangalakal.”

Tila nagulat pa ito kaya hindi ito agad nakasagot sa akin. “Ah sige, Carl. Salamat ah. Tawagin ko lang sila Nanay at Tatay pati ang mga kapatid natin. Maghanda ka na muna dyan.”

“Opo, Ate. Ako na lang din po maglilinis mamaya, medyo makalat at marumi na rin po kasi ang paligid natin. Kawawa naman kasi ang mga kapatid natin kapag nagkasakit pa sila, wala pa naman tayong pera kapag nagkataon.”

“Oo nga eh. Tiis tiis na lang talaga tayo dito sa kubo kubo nating malapit pa halos sa ilog kaysa naman sa ilalim tayo ng tulay tumira. Okay na dito ano at least kahit papano may tinitirhan tayo kahit siksikan pa halos.”

“Opo, Ate. Ayos na rin po dito, basta ang mahalaga may masisilungan tayo,” nginitian na lamang ako ni Ate Sabel bago lumabas para tawagin ang Nanay at Tatay pati ang mga kapatid naming abala pa sa labas.

Carl Montero. Si Nanay ay kilalang nangongolekta ng basura, si Tatay naman ay isang construction worker pero nakabase sa hangganan ng kontrata nya ang trabaho nito habang sina Kuya Carlos at Ate Sabel naman ay nagbebenta ng kung ano anong pwedeng ibenta online at paminsan minsan ay nakakakuha naman sila ng orders at kung papalarin nga ay maraming bumibili sa kanila kaya kahit papano ay mayroon kaming pang bayad sa mga gastusin sa bahay at ako naman, bago ako pumasok sa klase ko ay nangangalakal na muna ako para makabili ng almusal namin at para sa pang baon ko na rin kahit kaunti lang at pagkatapos ng klase ko ay ganun lang ulit ang gagawin ko.

Alam ko namang nahihirapan na sila sa pagpapa aral sa akin kaya hangga't maaari ay tinataguyod ko na rin ang aking sarili at nagsisikap rin ako sa pangangalakal kahit pa sa school, lalo na't may mga kaibigan at kakilala naman ako doon na handang tumulong sa akin. Mahirap ang buhay kaya ni minsan ay hindi ako nag aksaya ng oras, dahil ang bawat oras ay mahalaga at kailangan kong kumilos para makatulong pa rin ako sa pamilya ko. Hinahayaan na rin naman ako nila Nanay at Tatay sa diskarte ko dahil na rin sa kagustuhan kong makapagtapos ng pag aaral. Sinusuportahan na lamang nila ako sa lahat ng mga desisyon at pangarap ko.

“Anak, salamat sa pagbili ng pagkain natin ngayon ah. Mabuti at kahit papano malakas ang kita mo ngayong umaga sa mga kalakal mo.”

“Opo, Nay. Babalik din po ako para mangalakal ulit mamaya pagkatapos ng klase ko para may pang bili rin po ako ulit ng ulam natin mamaya at pati ng mga gamit ko po sa school.”

“Sige anak, mag iingat ka ah. Pag butihin mo lang ang pag aaral at alam kong malayo ang mararating mo, Carl.

“Syempre naman po, Nay. Para sa inyo rin naman po lahat ng ginagawa ko ngayon, hindi lang po ito para sa akin. Salamat po, Nanay ko!”

“Carl, pasensya ka na anak, ha? Pasensya ka na kasi hindi man lang namin kayo mabigyan ng magandang buhay na nararapat para sa inyo. Pasensya na kayo at mahirap lang tayo,”
Hay naku! Heto na naman po si Tatay! Noon pa man kasi ay sinisisi na nito ang sarili nya dahil napabayaan nya raw kami at hindi nya kami nabigyan ng maayos na pamumuhay.

“Tay! Ayan na naman po kayo eh! Okay lang po! Maayos naman po kami dito at hindi ko naman po ikinahihiya ang sitwasyon natin ngayon. Alam ko at nakikita ko rin naman po ang mga pagsisikap ninyo nila Nanay, Kuya at Ate kaya binabawi ko na lang po sa pagtulong sa inyo at sa pag aaral ko po ng mabuti,” niyakap ko na lamang kaagad si Tatay dahil alam kong iiyak na naman ito. Sya kasi ang pinaka emosyonal sa aming pamilya na kahit lalaki sya ay hindi nya kailanman ikinahiya ang pag iyak nya. Hindi rin naman kabawasan ng pagiging lalaki ang pagiging mahina at pag iyak pamimsan minsan ngunit tanda rin ‘yon ng tibay at lakas ng loob mong harapin lahat ng pagsubok na dumadaan sa buhay araw araw.

“Salamat, anak. Magtatapos ka ng pag aaral at sisiguraduhin natin ‘yun. Mas magiging masaya kaming lahat sa oras na matupad mo na ang mga pangarap mo at handa kaming suportahan ka sa lahat, Carl. Proud na proud kami sayo!”

“Salamat po, Tay! Sige po, papasok na po ako ah. Nay, Kuya, Ate, mga kapatid ko, papasok na po muna ako. I love you! Mag iingat po kayo dito ah.”

Buti at hindi na ako late ngayon, noong nakaraang araw kasi ay na late ako dahil sa nahirapan akong makabenta ng kalakal ko kaya wala akong baon noong araw na ‘yon.

At dahil Math class na, siguradong ako ulit ang maaatasan ni Sir Patrick mamaya.

“Carl, paki asikaso naman saglit sa mga kaklase mo at siguraduhin mong kinokopya nila ang sinulat ko ngayon para sa notes ninyo. Aalis lang muna ako saglit, pupunta muna ako sa faculty dahil may biglaang meeting lang kami at babalik din ako agad,” tumango na lamang din ako sa inutos nito. Expected ko na rin naman ‘yon lalo na't ako rin naman ang President ng section namin.

Masayang magturo si Sir Patrick at mas lalo pa akong natuto sa Math dahil sa paraan ng pagtuturo nito. Mas lalo ko tuloy naging favorite subject ang Math. Bukod kasi sa simpleng pagtuturo ng lesson at pagpapasulat ng mga notes nito sa amin, gumagawa rin sya ng mga fun activities na aktibo rin naman naming sinasalihan. Minsan nga ay may pa reward pa ito sa huli na libreng lunch sa break time namin at minsan naman ay libreng mga school supplies na talagang nakahanda na. Paminsan minsan rin ay binibigyan ako ni Sir ng pang kalakal ko kaya malaki rin ang utang na loob at pasasalamat ko sa kanya.

“Carl, how is everything going? Are you sure na sinulat nila lahat? Naku! Alam ko pa namang ilan sa inyo ay tamad at ayaw sa subject ko kaya duda talaga ako.”

“Opo, Sir. Everything's okay naman po. Natapos na rin po naming lahat ang pinapasulat nyo.”

“Sige, mabuti naman kung gano‘n. Salamat, nak. Sige, class dismissed! Kindly study and review those notes because tomorrow, we will be having our 1st summative exam and that is graded kaya walang babagsak lalo na't may notes na akong pinasulat sa inyo. Aasahan ko ang matataas na scores nyo bukas, class. Goodbye everyone! See you tomorrow!” Agad namang nagpakawala ng malalim na buntong hininga ang mga kaklase ko. Hay naku! Sigurado akong kinakabahan na naman sila kaagad para bukas. ‘Di bale na nga, mag re-review na lang din ako mamaya pagkatapos kong mangalakal at tumulong sa bahay dahil siguradong naghihintay na rin sila Nanay at Tatay sa akin ngayon.

The Story Of Us (UNDER MAJOR REVISION)Where stories live. Discover now