Naglalakad ako sa hallway nung biglang may tumawag sakin mula sa likod. Agad akong napatigil at lumingon. Si ate Dan pala.
"Deeeems~" Bungad niya sakin na mukhang sayang-saya.
"Oh bakit? San ka galing? para kang tumakbo ng ilang kilometro." Kunot noo ko siyang tinignan mula ulo hanggang paa. Pawisan si madam. Nga pala this is Dannica Felipe isa ko pang klasmate. Maliban kay Riyn sa kanya lang ako comfortable. Ewan same vibes eh. Siya din yung pinagselosan ni Li last time sa NBS. Transferee si ate Dan mas matanda siya sakin ng tatlong taon. Kalog din to sarap kasama daming trip eh.
"Tara sa USG volunteer."
"Hala dating gawi?" Napangiti ako sa sinabi niya. Sarap kaya mag volunteer. May pa free foods.
"Oo lika sulat natin pangalan mo." Hinila na niya ako papunta ng student government office. Since kilala na din namin yung ilang mga tao dito madali lang namin nasulat yung mga kailangan. Saktong andito din pala si Adam para magpalista.
"Uy Dems." Bati niya. Gwapo padin ng nilalang na 'to.
"Hi Ads magvovolunteer ka?"
"Oo since wala naman akong ibang sasalihan maliban sa basketball. Kayo ba?" Dinako niya ang tinging sa kasama ko. Oo nga pala andito pa si ate Dan.
"Yeah wala naman kaming sasalihan tsaka kailangan ng complete attendance kaya why not?" Sagot niya naman at nagkabit balikat.
"Sabagay yun din naman habol ko." Natatawa niyang sagot. "Nga pala Dems salamat sa paguwi kay Lili last friday ah." Oh now that he mentioned that.
"No problem kahit mabigat gf mo at sakit sa ulo." Sabay buntong hininga ko. Naramdaman ko naman ang pagtatakang tingin mula kay ate. Narinig ko lang tumawa si Ads sa reaction ko.
"Let me guess ginawa kang unan no? Pagpasensyahan mo na ganun talaga yun malasing ang clingy pero cute niya diba." Ngiti-ngiti niyang sabi na parang kinikilig pa na inaalala si Li. Jusko.
"Cute na parang ewan." Walang gana kong sagot kaya maslalo siyang natawa.
"It's good to see na magkaibigan na kayo."
"Hirap niya parin kausapin. Di lilipas oras ng hindi aandar kaartehan o kamalditahan niya." Pagbubuntong hininga ko. Naalala ko tuloy yung nangyari nung Monday. Gusto yata bilhin buong infinitea sa dami ng binili kesyo di niya alam anong gusto ko kasi sabi ko kahit ano. Ending sumakit tiyan ko sa pinaghalo-halong milktea na ininom ko. Para kaming nag milktea mukbang. Sayang din naman kasi. Binigay ko na nga lang din sa roommates ko yung ilan.
"That's actually makes her different and it's really admiring na kahit ganun may good and soft side siya." The way ng pagkakasabi niya malalaman mo talagang in love na in love sa jowa niya. Edi wow sila na.
"Tsk. Oo na sabi mo eh. Mauna na kami Ads." Pagpapaalam ko. Ayoko na makarinig ng kung ano man tungkol sa babaeng yun mas lalong nagiging complicated utak ko. Alam ko naman na may physical attraction ako sa kanya pero don't want to entertain it baka lumalim pa.
"Okay sige ingat kayo kitakits later." Pumasok na siya sa loob. Nung wala na siya nakaramdam ako ng pagakbay.
"Ehem may hindi ka sinasabi sakin ah." makahulugan niyang ngiti. Heto nanaman tayo sa story telling time.
"Tara sa woods kukwento ko."
...
"Ohh so are you saying na yung tinuturing mong mortal enemy ay friend mo na ngayon? Aba ay di ka ba naman marupok." Natatawa niyang usal matapos kong sabihin ang lahat ng nangyari.
BINABASA MO ANG
Lilith's Smile (GxG)
Romance"Dick for life!" That's the first thing na narinig ko mula sa bibig niya. I hated her because of many reasons. Until one day fate gave me a chance to get to know her. Akala ko para lang masmaintindihan ko ang mga taong kagaya niya but unexpected thi...