Nagising ako mula sa liwanag na tumatama saking mga mata na nagmumula sa bintana. Tirik na pala yung araw. Napatingin ako sa babaeng mahimbing ang tulog sa tabi ko. Di ko mapigilan mapangiti sa maamo niyang mukha. Tinitigan ko lang siya. Kahit kailan mukhang hindi nako magasasawa sa itsura na ito.
Ilang minuto lang na alimpungatan siya at nagising. Mula sa pagkunot ng noo hanggang sa unti-unting pagbukas ng kanyang mga mata nakatingin parin ako sa kanya. Ang creepy na siguro ng itsura ko ngayon.
"Eve?"
"Hmm?"
"Matutunaw ako" Ngiti niya bago nagtago sa ilalim ng kumot. Ang cute.
"Harap ka Li." Utos ko. Sumilip siya mula rito.
"What?" Hinila ko paalis yung kumot na nakatakip sa kanya at hinawakan ang pisngi niya bago tinukod ang isa kong braso para pumaibabaw sa kanya. I leaned down to kiss her lips. Smack lang naman.
"Good morning." I smiled bago tuluyang naupo at umalis sa kama. Nakita ko ang gulat sa mga mata niya habang sinusundan ako ng tingin.
"Di ka pa babangon? Uuwi ako samin ngayon." Pagkasabi ko noon ay sumimangot siya.
"Can you just stay? Ang empty ng condo pagwala ka." Totoo naman ang tahimik nga sa tuwing ako lang magisa dito. Almost a month narin akong hindi umuuwi samin simula ng birthday niya pano ba naman last saturday hindi rin ako pinauwi.
"Hmm give me a valid reason para hindi umuwi sa bahay."
"Because I need you here?" naupo na siya.
"What for?"
"Uhm your presence?"
"Para saan nga?" Napacross arms ako.
"Eh? Kailanga ba talaga super specific?"
"Yeah."
"Mamimiss kita pagumuwi ka wala akong katabi." Sumimangot ulit siya. Nagpapacute yata to eh ganito rin ginawa niya last week. Eh alam niyo naman weak ako sa kacutan ng nilalang na ito.
"Hmm andito naman si Levi siya na muna itabi mo kasama yung dalawang tuta."
"Gusto kita katabi." Reklamo niya kaya natawa nako. Napatingin ako sa oras. It's already seven kailangan ko nang magluto at pakainin sina Levi.
"Let's talk about it after breakfast." Lumabas nako ng kwarto at agad akong sinalubong ni Levi. Ang cute talaga ng asong to. Binuhat ko siya at nagtungo sa kusina. Tulog pa rin naman yung dalawang puppies niya. Inuna ko na siyang pakainin saka nagayos bago na nagsimula magluto ng breakfast. Lumabas na din ng kwarto si Li at mukhang nakapang hilamos na.
BINABASA MO ANG
Lilith's Smile (GxG)
Romance"Dick for life!" That's the first thing na narinig ko mula sa bibig niya. I hated her because of many reasons. Until one day fate gave me a chance to get to know her. Akala ko para lang masmaintindihan ko ang mga taong kagaya niya but unexpected thi...