Muntik na kaming matumba nung bigla siyang maout of balance. Buti nalang nasalo ko siya agad kundi bukol aabutin neto. Medyo umiikot na din yung paningin ko. Hello? 2 am na po kami umuwi. Pati si Adam medyo lasing na kaya kami na naman ni Jem ang to the rescue sa mga wasted. Magisa kong inalayan si Li papunta ng condo niya. Ang bigat pala ng babaeng to kahit mukhang payatot.
Inihiga ko na siya sa kama at tinanggal yung heels niya. Alam kong hindi siya kataasan pero di ba nananakit paa niya dito. Inayos ko siya ng higa at kinumutan. Ginawa na talaga akong personal alalay neto. Ini-on ko na din yung aircon. Saan ako matutulog ngayon? Siguro sa couch nalang. Aalis na sana ako nung bigla siyang magising at magamok.
"Eve! saan ka pupunta?" Nakasimangot niyang tingin sakin. Halatang lasing parin siya. Kaya tinulak ko ulit siya pahiga.
"matutulog kaya matulog ka na din."
"Tabi tayo." Parang bata niyang usal. Ano na namang trip neto.
"Ayoko matulog ka na nga." Tinakpan ko ng kumot mukha niya at akmang aalis na nung bigla niya hawakan kamay ko. Para akong kinuryente ng libo libong eels. Ang bakla lang.
"Iiwan mo din ako?" Medyo nagulat ako sa sinabi niya. Nagdadrama ba siya?
"Wala namang nangiiwan sayo. Matutulog lang ako Li dahil bukas kailangan ko pang bumiyahe pauwi." Pagpapaliwanag ko na di ko rin alam kung maiintindihan niya dahil lasing nga.
"Lahat ng importante sakin iniiwan nalang ako. Am I that insignificant, Eve? Ganun na ba ako kasama?" Malungkot siyang tumingin sa mga mata ko. Alam mo yung parang maiiyak na siya. Wala akong maintindihan sa sinasabi niya pero I think she's talking about her personal problem.
"Ugh fine huwag ka nang magdrama. Usog ka dali." Napakamot nalang ako sa ulo. Ngumiti naman siya agad na parang wala lang yung nangyari. Inaactingan lang pala ako ng bruha. Ang weak ko talaga pagdating sa kanya ngayon ko lang na realize.
Umusog naman siya sa kabila. Malaki naman kasi kama ni madam. Nahiga na ako sa tabi niya at siya naman nakatingin lang sakin na para akong alien. Ang lagkit ng tingin para akong tutunawin. Tumalikod nalang ako sa kanya para umiwas. Ayokong makita niyang nagbublush ako. Isipin pa niyang may gusto ako sa kanya.
"Eve" Tawag niya sakin. Hindi ako kumibo. Magpapanggap akong tulog.
"EVE!" Sabay yugyog niya sakin.
"Ano?!" Inis kong sagot pero hindi pa rin ako lumilingon.
"We're friends right?" Ano isasagot ko diyan? Hindi nalang ako sumagot pero feeling ko ang lungkot ng boses niya. Hays bakit di ko matiis tung babaeng to.
"Gusto mo ba?" I asked. Alam ko naman may abnormality na nangyayari sakin. Maybe attracted lang ako dahil sa nasa kanya yung hinahanap ko sa phycial aspect ng ideal partner ko.
"Of course. I think Adam is right na good influence ka sakin. Ikaw lang may lakas ng loob na sagotin ako ng ganun. Kahit minsan di ko gusto tabas ng dila mo pero okay na din." Di ko alam kung bakit pero napangiti ako sa sinabi niya. Napagdisisyunan kong humarap sa kanya pero bad move ang lapit niya pala sakin. Shit kulang nalang talaga ng mga tatlong inch maglalapat na mga labi naming. Ako lang yata ang nagulat kasi siya nakapikit lang. I tried my best to compose myself not to give out na kinakabahan ako.
BINABASA MO ANG
Lilith's Smile (GxG)
Romance"Dick for life!" That's the first thing na narinig ko mula sa bibig niya. I hated her because of many reasons. Until one day fate gave me a chance to get to know her. Akala ko para lang masmaintindihan ko ang mga taong kagaya niya but unexpected thi...