Napatingin ako sa limang shots sa harap. Parang masusuka na ako iniisip ko palang. Gumawi yung tingin ko kay Ads at parang kinakabahan siya na nakatingin kay Lilith nung marealize niya kung ano yung dare. Yung itsura naman nung gf niya parang di maipinta ang mukha. Lagot talaga ako neto kung gagawin ko.
"Uy sino ang number six?" Paguulit ni JB. Napapikit nalang ako at tinaas ang kamay ko.
"Dems? Ikaw?!" gulat na tanong ni Shai. Loko ka! Mukhang gulat din si Ads at yung ilang nakakakilala sakin. Pati si Jem parang nahibang. Alam naman kasi ng lahat kung gano ka selosa si Lilith.
"Uhm punishment nalang." Dismayado kong tinignan yung limang baso. Naging awkward bigla yung atmosphere.
"Why?" Napatingin ako sa babaeng nagsalita. Si Veron parang tangang naka ngiti. Jusko di ko talaga alam kung matutuwa ako sa ngiti na yan.
"Dems ako nalang iinom." Inabot ni Adam yung baso. Ang iba naming kasama nakikiramdam lang. Iba na pakiramdam ko dito sa katabi ko. Feeling ko napapalibutan siya ng masamang enerhiya. Baka magtransform to ako pa mamatay. Di na ako tumanggi sa alok ni Adam dahil di ko din naman talaga kaya inumin yung lima ng straight.
"It's fine to kiss my bf laro lang naman." Tumingin siya sakin pero yung mata niya parang nagbabanta.
"No babe it's not. Sayo lang naman ako." Pagpapakalma ni Ads. Binalingan ko ng tingin si Shai at pinanlisikan ng tingin. Nagpeace sign lang ang loko.
"Oo nga Veron. Di ko naman ugali humalik sa taong may girlfriend." Pagsangayon ko kay Adam. Kahit mas matangkad ako sa babaeng to di ko parin ugali makipag away no. Knowing how warfreak at madami siyang alagad, lugi na lugi ako.
"Sabi mo eh." nagkibit balikat lang siya at humilig sa balikat ni Ads na kakatapos lang inumin yung limang shots. Napalunok ako at di nalang sila pinansin. Buti nalang talaga gentleman si Adam kundi bangag na ako ngayon.
Nagpatuloy lang yung laro. Di na naulit yung nangyari kanina. Natawa ako sa pinaggagawa ng iba. Yung mga inuutos kasi ang dudumi. May kiss sa paa, sampal at confession pang naganap. Lasing na nga yata yung iba dahil kanina pa naubos yung sampung bote ng tequila. Kasali ako at sila Ads mga twenty din kami. Medyo malakas din yung tama ng tequila na iniinom namin. Napatingin ako sa relo ko. Mageeleven na pala lagot kami ten minutes nalang curfew na.
"Bi mukhang di na tayo makakauwi." tapik ko sa babaeng mukhang lasing na.
"Dems huwag muna kayong umuwi." sambit ni Shai na narinig pala ang sinabi ko.
"Oo nga ate! Dito muna tayo." Pagsangayon naman ni Janine. Confirmed nga lasing na to lumalakas na boses eh.
"Lasing ka na Bi tama na." inagaw ko yung baso sa kanya.
"Hala Ads oh si Demi ayaw ibigay sakin yung baso." Pagrereklamo niya at pilit na inaabot yung baso sa kamay ko. Si Shai naman tawa lang ng tawa. Wala na wasted na tung dalawa.
"Yaan mo na Demi. Dito nalang kayo matulog may guest room naman." Nakangiting ani ni Adam. Napatingin ako sa mga kasama namin. Di ako sure kung makakatulog kami ng maayos dahil marami na ang may tama.

BINABASA MO ANG
Lilith's Smile (GxG)
Romance"Dick for life!" That's the first thing na narinig ko mula sa bibig niya. I hated her because of many reasons. Until one day fate gave me a chance to get to know her. Akala ko para lang masmaintindihan ko ang mga taong kagaya niya but unexpected thi...