Epilogue

7.9K 342 65
                                    

Have you ever had that moment na parang nag soslowmo yung paligid? That every step and smile became a beautiful scene to remember. Hindi ko mapigilan mapangiti sa nakikita ko. Those cute small steps and giggles. Kasama ng babaeng binuo yung mundo ko.

"Oh dahan-dahan ah." Ani ko habang nakatingin lang sa dalawang babae na nagpapatibok ng puso ko ngayon.

"Baby look mommy is awake~" Inaalalayan niya yung anak namin na maglakad papunta sakin. Agad naman akong napayuko at sinalubong ang excited kong anghel sa mga kamay ko. She's still two years old pero ang lakas na maglakad. Kinarga ko si baby Evi at inikot. Ang laki ng ngiti niya.

"Ang cute talaga ng baby namin." Kinurot ni Eve ng mahina yung pisngi ng anak namin.

"Siyempre nagmana sa mommy." Proud kong sagot kaya natawa siya. Kiniss niya muna ako sa noo bago yumakap sa likod ko.

"Did you had a good nap." Malambing niyang bati.

"Very much thank you." Tugon ko. She just rested her chin on my shoulder habang nakatingin parin kami sa batang karga-karga ko. It's been four years since she proposed to me. A year after that nagpakasal na kami. Ang funny nga nung kasal eh at the same time super wholesome.


FlashBack

"Mom bakit ka umiiyak? Hindi pa nga nagsisimula." Natatawa kong tinignan si mommy. Pinupunasan niya lang ang mga mata gamit ang tissue.

"Ikakasal ka na yung baby princess ko big girl na siya. Natupad ko na yung pangarap namin ng daddy mo." Iyak niya pa. Aw naiiyak tuloy ako.

"Mom naman eh pinapaiyak mo rin ako." Tumingala ako para pigilan yung mga luha. Sayang yung make up. Pumasok sa kwarto sina Keisha at nakabihis na din. Yung mga bridesmaid ko ang gaganda parang kakabogin pa yung bride.

"Gurlah ang ganda mo." Tili ni Step.

"Siyempre kasal ko to. Alangan magpapanget ako." Pambabara ko sa kanya at tumawa. Good timing nawala yung luha ko bumalik.

"Nauna ka pa talaga ikasal samin." Nakangusong sambit ni Keish. Next month na yung kanila eh. Tapos kina Ash at Stephanie last month lang din. Oh diba.

"Madaliin niyo raw Max." Nagkulitan lang kami kasama si mommy. Pumasok din si mama para icheck ako. Mukhang galing din siyang iyak. Sure naman ako na ganun ang nangyari pero I'm so happy na after ng lahat ng sakit andito na kami ngayon. We're finally tying the knot. Kahit hindi ito official wedding kasi sa labas kami ng bansa magpaparehistro pero dito namin gaganapin ang ceremony.

When it's finally time, lumabas na ako ng kwarto at bumaba ng hagdan. Sinadya namin na opposite yung room na paglalagyan namin. The plan is we will both go together on the altar. Oo since we're both brides and ayokong may magintay. Gusto ko sabay naming haharapin yung panibagong yugto ng buhay namin. Hindi naman super grande yung wedding. Yung mga close lang namin. We invited people na naging parte ng journey. Adam is here even Dannica. Some of our college friends. Her high school friends na supportado siya sa lahat. Beach wedding yung napag disisyunan namin because it is where we started to get real. Maraming nasaksihan ang karagatan sa pagmamahalan na ito.

Nagsimula na ang wedding kaya medyo kinakabahan ako. Hindi ko siya makita dahil nasa harap ko yung mga bridesmaid. Pamangkin niya yung flower girl at yung ring bearer. Ilang minuto rin akong nagintay bago siya makita sa harap ko. Ilang metro lang ang layo niya sakin pero klarong-klaro ko yung ganda niya. She really looked so beautiful with that wedding dress. I can't believe it na yung dati kong hater magiging asawa ko na. She smiled as well nung makita ako. Yung mother niya yung magdadala sa kanya sa altar. Hinawakan ko narin si mommy. We reach the crossing. I smiled kaya mas lalong lumapad ang ngiti niya. We both faced the altar. Habang naglalakad nakikita ko yung mga kasama namin. Parang nagfaflashback lahat. Our first year in college. Kung paano niya ako inangasan at hindi talaga siya nagpatinag sa kamalditahan ko. How she calmed me down with that ice cream. Yung pagpunas niya ng tissue sa mga luha at sipon ko. How she took care of me when I got sick. Yung pagtuturo niya sakin. Until to that point na narealize ko yung feelings ko at nanligaw sa kanya. Then she left and I was alone. Ilang taon ang lumipas di man lang nabawasan yung pagmamahal ko.

Lilith's Smile (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon