Chapter 45

6.5K 238 44
                                    


Lilith's PoV



"I want you to meet my parents." Naglag yata bigla yung utak ko sa sinabi niya.


"Your parents?"


"Hmm" Tumango lang siya at hinawakan ang kamay ko.


"Will it be fine?" Last time I checked she left because of them.


"Yeah they already accepted me two years ago and open na sina mama kung maguuwi man ako ng babae. Siya pa nga yung atat na magka jowa ako." Natatawa niyang pagkukwento. Looks like okay na sila. Medyo na ease yung worries ko. Isa kasi sa kinakatakutan ko yung about sa parents niya. What if she has to choose between us again. Parang di ko na kaya mawala siya ulit.


"I'll go." Hinigpitan ko yung pagkakahawak ng kamay namin.


"We're going straight from here papuntang bahay ah." Hinila na niya ako papuntang sasakyan.


Okay I did said na pupunta ako pero shit ramdam ko yung kaba. Buong byahe akong lutang. Biglaan ba naman pero I really want to go kasi gusto ko rin idaan sa tamang proseso para wala nang sasabit pa sa relasyon namin. Nakahilig lang yung ulo ko kay Eve habang nakapulupot yung mga kamay ko sa braso niya. I am still clingy okay wala namang nagbago.


"Matulog ka muna. Mahaba-haba pa yung byahe." Sambit niya habang inaayos ang jacket ko. Tulog na yung iba dahil sa pagod.


"Ano bang meron sa inyo ngayon?" Out of nowhere kong tanong.


"Birthday ni mama." Sa sagot niya instant na napaupo ako ng maayos.


"Birthday ng mama mo tapos wala akong dalang regalo." Kunot noo kong tingin sa kanya.


"Duh no need na yun-"


"Eve no kailangan nating bumili ng regalo." Nakakahiya naman kung pupunta ako sa future biyanan ko ng hindi handa.


"Ano bang plano mong bilhin?" Yan ang hindi ko alam.


"Ano bang gusto ng mama mo?"


"Hmmmmm" Nagisip naman siya. Nagiintay lang ako ng sagot.


"Hindi naman mahilig sa materyal na gamit si mama eh. Ayaw niya nga na gumagastos kami ng mga kapatid ko ng sobra para sa kanya. Si papa naman mahilig sa relo kaya yun ang binibigay namin." Uhm parang hindi naman nakatulong yung sinabi niya. Paano ako makakaisip ng ireregalo ngayon. Chineck ko yung oras may isang oras pa kami bago dumating.


"Pagkain?"


"She don't like sweets. Ang alam ko she's into tea these days." That's it.

Lilith's Smile (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon