Chapter 18

5.7K 249 58
                                    


Tumingin ako sa hawak-hawak kong ID na kabibigay lang ni Elv. Para saming mga volunteers lang to. Na atasan kaming mag facilitate para sa opening the Udays. Today is monday at halatang excited ang lahat. Maraming stalls na nakalinya sa hallway.


"Tara Dems nagsimula na daw yung parada. Babalik sila in thirty minutes siguro." Usal niya habang hinihila ako papunta sa AC kung saan gaganapin yung opening.


"Sina Kenith?" Tanong ko.


"Andun na nagiintay sa loob."


Pagdating namin andun nga sila nakabantay sa may pinto. Dalawa kasi pintuan dito yung entrance at exit. Nagsimula na ding magbigay ng instruction si Ms. Chedell yung guidance head namin. Magkasama kami ni Elv sa isang pinto.


"Asan si ate Dan?" Tanong niya sakin. Luh bakit ako?


"Ewan ko dun last usap namin nung friday pa." Naalala ko tuloy yung nangyari. Bumabalik yung inis ko. Still tropa ko siya. Si Dani ang partner ko sa mga ganitong bagay.


"So true nga na may something sa kanila ni Adam kaya nagalit si Lilith?" Chismis niyang bulong. Andun din naman kasi siya nung dumating si Adam.


"Diba kayo ang naiwan dun? Bakit di niyo tinanong?" Balik ko.


"Eh nahihiya kami. Hello si Adam yun pagnalaman ni Lilith na pinupush namin sila eh baka makalbo kami ng kampon ni Maxine." Kinikilabutan niyang sabi. Napaisip ako. Speaking of Lilith hindi ko pa pala siya nakausap simula nung Saturday. Umuwi ako samin tapos kababalik ko lang kaninang six sa dorm.

Kinausap ko na si mama tungkol dun sa planong paglipat ko at pagiging tutor. Supportive naman si mama basta ay hindi ko lang papabayaan yung studies ko. I didn't contact Li for a reason. Nakakagulantang kasi yung morning kisses niya. I mean hello? Okay lang ba yun? Sure kinikiss ko yung iba kong kaibigan pero araw-araw? Parang torture naman sakin yun. Nagdadalawang isip tuloy ako. Hindi niya din naman ako masyadong kinulit dahil busy din siya sa practice nila.


"Hello? Earth to Demi." Kaway-kaway niya sa harap ko. Opps.


"Sorry may naalala lang. Hayaan mo nalang yun si Dan. Malaki na din naman siya." Tugon ko dun sa una niyang sinabi.


"Pero di nga. Alam mo ang kayang gawin ng grupo nila Max. Hindi malayong ma gaya siya sa mga nakabangga nila." Pagaalala niya. Hindi naman siguro? Wala namang sinabi si Li na ganun. Kahit na may kasalanan si Dani dito di ko parin gustong mapahamak siya. Kaibigan ko parin yun.


"Sana nga." Kakausapin ko nalang tungkol dito si Li mamaya.


...


Matapos ang halos twenty minutes na pagtayo, napaaga yung dating ng parada. Ang ganda ng mga suot nila. Iba't ibang kulay na nagpepresenta ng kanilang mga departamento. May mga mascot din tapos yung mga kanya-kanya nilang kandidata. Actually ang lively ng paligid. Kami na nagbabantay tinuturo lang sa kanila kung saan sila uupo. May mga outsiders din kasi na gustong manood.

Lilith's Smile (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon