Chapter 40

6.8K 269 56
                                    

Nagising ako sa isang nakakabinging alarm. Minulat ko ang mga mata ko at bumungad sakin ang aking kisame. Walang gana akong naupo at napatingin sa paanan ko. Aw ang himbing ng tulog niya.

"Good morning snowie" Kinuha ko siya at nilipat sa mga braso ko. Ang cute ng aso ko. Minulat niya ang mga mata niya at tinignan ako. Aw.

"Gutom ka na? Let's go eat?" Pagkasabi ko ng salitang eat nabuhayan siya at tumalon mula sa mga kamay ko. Halatang excited dahil nag wiwiggle yung buntot.

"Okay tara na" Napangiti nalang ako at nagtungo na nga sa kusina. Nakasunod lang siya sakin. He's a white pomeranian and yes Snow yung pinangalan ko sa kanya pero usually snowie pag tinatawag ko. I don't know why pero sa tuwing nakikita ko siya naaalala ko ang isang taong naging parte ng buhay ko. Nagluto nako para sa breakfast pero pinakain ko na muna si Snow.

I live alone now. May sarili na akong condo. I'm planning on making my own house soon pero siguro saka na pag nakapag ipon nako. After ko magluto at magtimpla ng kape biglang tumunog yung phone ko. Tinignan ko kung sino kaya otomatik na napangiti ako.

"Hello ma?"

"Anak pupunta ka ba raw sa reunion ng mga pinsan mo." Ang aga naman yan agad tinanong.

"Oo nagusap na kami ni Edlyn. Kala ko naman kung ano ma. Wala man lang bang good morning diyan." Natatawa kong sagot.

"Di maganda umaga ko yung papa mo ayun umalis nanaman." Reklamo niya kaya mas lalo akong napangiti.

"Let me guess nakipagtongits nanaman?"

"Sinabi mo pa. Mamaya may sched pa yun ng sabong niya." Napailing nalang ako.

"Yaan mo na ma yan kaligayahan ni papa matanda na din naman yun."

"Ewan ko sa kanya."

"Natanggap mo na ba yung padala ko?" Pagiiba ko ng topic kasi mukhang nayayamot talaga siya kay papa.

"Oo nak salamat nga pala dun kaso magtira ka naman ng para sayo ah. Baka di ka kumakain ng maayos diyan." Paalala niya.

"Ma ang dami ko kaya kumain. Isa pa aanhin ko naman yung sweldo ko wala naman akong pinagkakagastuan."

"Maghanap ka ng jowa." Suhestyon niya kaya natawa nanaman ako. Si mama talaga eh.

"Ma naman."

"Seryoso nga nak hanap ka. Basta yung maganda ah. Ayoko magka manugang ng panget." Pff. Yeah you heard it right after many years natanggap narin nila kung ano ako. Imagine kung gaano kadami iniyak ko nung araw na yun. Legit yung saya nung niyakap nila ako nung graduation at sinabing tanggap nila ako kahit na sino ang gugustuhin ko babae man o lalake. Grabe din iyak ni mama nun. Sorry siya ng sorry sa mga sakit na salitang nasabi niya first time ko rin makita si papa na umiyak. Ang wholesome ng moment na yun.

"Si mama parang ewan."

"Sabi ni Fran nabubulok ka na diyan. Ang seryoso mo masyado sa trabaho."

"Ma I'm fine. Kung may matitipuhan man ako huwag ka magaalala dadalhin ko diyan. Yung sexy, maganda at mayaman para may sugar mommy ako." Natawa si mama sa sagot ko.

"Dami mong alam bata ka. Sige na malapit na work time mo. Ingat ka parati."

"Yes ma Labyooo."

"Labyoo too." at binaba na nga niya yung tawag. Nakangiti lang akong nakatingin sa phone ko. It's been six years. Anim na taon na lumipat ako ng skwelahan. Anim na taon na nagpakalayo-layo ako. I finished my studies and passed the board exam. Currently working as a engineer and project manager sa isang kilalang firm dito sa pinas. I got promoted after two years of working.

Lilith's Smile (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon