Chapter 37

6.1K 242 35
                                        


Nakabalik na kami mula sa rest house nina Li. Ang usapan magkikita kami mamayang uwian at didiretso na kami pauwi sa amin. Kakatapos lang ng quiz namin kaya lumabas nako ng room. Last sub ko na kaya magiintay nalang kay Li doon sa woods. Kanina ko pang lunch yun tinetext pero hindi parin nagrereply baka busy sa klase nila. Sakto namang nakita ko si Adam magisang nagbabasa ng libro. Lalapit ba ako? Hmm pero parang ang awkward. Aalis na sana ako kaso bigla niya akong tinawag.


"Demi." Nakangiti niyang tawag sakin.


"Uhm hi Ads." Medyo nahihiya kong sagot kasi naman hindi masyadong okay yung huli naming paguusap.


"Great timing pwede magpaturo?"


"Saan?"


"Sa calculus kasi." Napakamot lang siya sa batok niya.


"Ahh sure sure asan ba?" So ayun nga tinuruan ko siya. Matalino si Adam pero dahil narin siguro sa hindi niya pagsipot sa mga klase kaya nabebehind siya. About lang naman sa identities yung tinanong niya kung anong pwede gamitin sa anong function.


"Thank you Dems." Sincere niyang pagpapasalamat. Medyo namiss ko rin yung friendship namin.


"Welcome sabihan mo lang ako kung kailangan mo ng tulong."


"Yeah happy birthday nga pala." May inabot siya saking box. "Kala ko hindi ko na maibibigay to pero as expected pupunta ka dito." So ako pala rason kung bakit siya andito ngayon.


"hmm? Pano mo nalaman?" Inabot ko ito at tinignan. Mas hindi ko ineexpect na may matatanggap ako mula sa kanya. Hindi naman kasi ako active sa social media.


"Secret." Ngumiti lang siya at nagsimula nang magligpit ng mga gamit.


"Uhm thank you dito Adam." Hindi ko alam anong sasabihin ko.


"Your welcome. Ako nga dapat magpasalamat sayo. Oh siya mauna nako ah thank you ulit sa pagturo. May klase pa kasi ako. See you." Nagmamadali siyang umalis dahil tumunog na yung bell for next class. It seems like he's back to his old self. Ang sarap sa pakiramdam na makitang willing siyang magmove forward.


Saktong dumating naman si Keisha with her specs and books. Kala mo talaga ang tinong babae eh.


"Oh bakit parang pinagsakluban ka ng langit at lupa?" Mukha kasi siyang walang tulog yung isang ihip lang matutumba. Padabog siyang umupo sa harap ko at nilapag yung mga libro niya.


"Si Max kasi."


"Oh anong meron kay Maxine?"


"Nagaway nanaman kami."


"Bakit?"


"Dahil kay Kairo." Nakahalumbaba niyang sagot.


Lilith's Smile (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon