Chapter 17

5.7K 312 127
                                    


Tahimik akong naglalakad papuntang dorm. Nauna na akong umuwi hindi ko masikmura nakikita ko. Matapos ang usapan namin ni Dan. Alam kong disidido siya sa ginawa niya at mukhang wala siyang pinagsisisihan. She's old enough para magdisisyon sa sarili niya pero hindi niya pwede iexpect sakin na supportahan siya sa kalokohan na yun. Lalo na at may masasaktan na iba sa gagawin niya. Li is a friend and I care for her kahit na dedevelop ako at ayoko itong lumalim pa. Wala sa utak ko ang saktan siya.


Sa totoo lang naiinis ako sa ginawa ni Dan. I thought she's better than that. Akala ko hindi niya kayang gumawa ng ganun. Ang maging disperada dahil lang sa isang lalake. Isa pa tung si Adam at hinahayaan lang. I don't get him. Kung mahal niya si Lilith bakit niya sinusugal na masaktan yung girlfriend niya. I'm starting to think na he's not as good as they said.


Napabuntong hininga nalang ako. Di ko alam kung anong gagawin ko ngayon. Sasabihin ko ba? Kahit ganun kaibigan parin ang turing ko kay Dan. Wala din ako sa lugar para sabihin yung totoo. Maybe kausapin ko si Adam? or I should check on Li.


Kinuha ko yung phone ko mula sa bulsa at dinial yung number niya. It's already past twelve. Hindi ko ineexpect na sasagutin niya yung tawag pero after three rings sumagot siya.


"What?" Cold niyang tugon.


"Nagising ba kita?" Concern kong tanong. Mukhang galing kasi siya sa tulog.


"Hindi bakit?" sungit naman neto.


"Okay ka lang ba?" Hindi siya sumagot. Instead may narinig akong pagubo. Medyo husky din yung boses niya.


"Yeah." Sagot niya. Parang hindi.


"May sakit ka ba?"


"What is it for you kung meron nga?" Bakit ang maldita nito. Ganito ba siya pagmaysakit?


"Did you drink your med?"


"No."


"Bakit?"


"Bakti ang dami mong tanong?" Hays.


"I'll go there. What's your passcode?" Lumihis ako ng daan papuntang sakayan sa kanila. Maysakit naman pala bakit di niya sinabi kanina.


"Secret ayoko umuwi ka nalang." Pagmamatigas niya. Ewan ko dito kanina lang nagtathank you siya sakin ngayon parang tinataboy ako palayo.


"Veron just tell me kung ayaw mong pasabugin ko yung pinto mo." Pagbabanta ko.


"Tch gago ka kasi." Kumunot noo ko dun sa sinabi niya. Hala ako pa may kasalanan. Pumara na ako ng taxi dahil malabong may jeep pang dadaan sa routa papunta sa condo niya.


"Kasalanan ko pa? passcode na kasi." Pangungulit ko. Hindi ko na muna aawayin may sakit eh.


Lilith's Smile (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon