Special Chapter 2

5.8K 213 55
                                    

"Eve for Life!" Rinig kong sabi ng asawa ko habang nagkukwento sa anak namin na walong taong gulang. Ang bilis lumipas ng panahon. Yung dating karga-karga at pinagpupuyatan namin na anghel ay nakakatakbo, nakakapagsalita at nakakaintindi na. Nakikinig lang siya sa story telling ng mommy niya about sa love story namin.

"Mommy I want to hear what happened after they got married." Cute na request ni Maeve. Napangiti ako habang nakikinig. Nasa pagitan siya namin sa kama. Umuulan at kumukulog ng malakas sa labas. Kumatok siya sa kwarto namin at mangiyak-ngiyak dahil natatakot siya. Nagmana sa mommy niya na takot sa kulog kaya ayun dito muna siya samin. It's fine. I love having these two beautiful girls beside me.

"After?" Napatingin sakin si Li matapos itong maitanong.

"Hmm"

"Si mama na magkukwento niyan." Ngumiti siya sakin ng makahulugan. Pinasa pa sakin.

"Mama can you tell me?" Binaling niya ang atensyon sakin at nagpuppy eyes. Ugh ang hina ko pa naman pagdating sa anak namin.

"Hindi ka pa ba inaantok baby?" Tanong ko.

"No po."

"Fine. After nito matutulog na princess namin, okay?" Inayos ko yung kumot sa kanya. Masaya naman siyang tumango. Ngayon na masmalaki na siya, nakikita ko na si Lilith sa features niya pati yung ugali nakuha talaga sa mommy niya but she's wise like me. Parang genes talaga namin nananalaytay sa katawan niya. This kid will grow so pretty kaya I have to be ready sa mga manliligaw. No one gets my princess.

"Ako din gusto ko rin marinig ang after story nina Ice bear at Snowball." Sabat naman ng asawa ko habang may malapad na ngiti. Silang dalawa na ang nakaharap sakin. Hinawakan ko yung kamay niya na nasa may gilid ng anak namin para ipagintertwine.

"It's going to be a bumpy ride. Pagmay umiyak ikikiss si mama."

"Yes mama."/"Opo" excited nilang sagot. Di ko mapigilan yung ngiti sa kakyutan ng magina ko.

"Magpapatuloy ang storya sa araw ng unang away magasawa ni Ice bear at Snowball."



....

Demi's PoV



Nagising ako sa ingay ng alarm clock. It's already six in the morning. Eight yung pasok namin sa trabaho at may meeting pa ngayong nine para sa new project. Pinatay ko na yung alarm at humarap ulit sa babaeng himbing na himbing parin sa braso ko. As expected, di ko na maramdaman kamay ko. Pero okay lang kung ganito ka ganda naman ang bubungad tuwing umaga.

"Baby gising na." Malambing kong hinalikan ang noo ng asawa ko. Three months na kaming kasal pero napapangiti parin ako habang iniisip na asawa ko na nga siya.

"Hmm baby twenty minutes." Halatang antok pa.

"Ang laki naman ng twenty minutes Li." Natatawa kong sagot. Ang cute niya habang nakapikit parin.

"Fine. Ten minutes? please Eve. Cuddle muna tayo." Mas lalo siyang sumubsob sa dibdib ko kaya hindi na ako makatanggi. Ang hina ko sa babaeng to at alam niyo na naman yan. Kahit na magasawa na kami ay hindi parin nagbabago itong side na to. Mas lalo nga siyang naging clingy. I don't mind.

"Okay mahal kong asawa." Niyakap ko siya pabalik.

"Kinikilig parin talaga ako pagtinatawag mo ko niyan." Ramdam ko yung pagngiti niya kaya napapangiti rin ako.

"Patingin ng mukha kinikilig." Lumayo ako ng konti para makita ko ang mukha niya. Ngumiti siya ng sobrang lapad. Nakakapanggigil yung kakyutan niya kaya di ko naiwasan na kurutin siya sa pisngi.

Lilith's Smile (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon