Chapter 6

6.4K 270 50
                                    

Napakasalaula talaga nang Veron na yun. Hanep at nanonood pala siya ng porn bago niya pinahiram sakin yung laptop. Kaya pala masama talaga pakiramdam ko sa mga ngiti niya kasi may binabalak pala. Tawa lang siya ng tawa sa reaksyon ko. Nakakainis buti nalang talaga tumulong siya sa paggawa ng proj kundi lumayas nako. Ang bastos eh.



Sabado na po ngayon at nakauwi na ako samin. Kung gusto niyo malaman kung anong nangyari kahapon? tinulugan lang naman ako ng manyak na babaeng yun. Pero malapit nadin naman matapos yun kaya pinabayaan ko nalang siya at umuwi nalang ako. Gagawin namin ulit yun bukas pagbalik ko galing dito samin.



"Eve saan ka pupunta at bihis na bihis ka?" Tanong ni mama na nanonood ng tv. 



"Ma kakain kami sa labas kasama nila Eds umuwi kasi si Maimai." Sagot ko sa kanya bago nagsuklay at tumingin sa salamin. Di ako mahilig sa make up polbo lang solve nako. 



"Ah oo nga no. Ingat kayo." Nagkiss lang ako sa cheek niya at kumuha ng pamasahe. 



"Bye ma." Lumabas na ako ng bahay. 



"Huwag papagabi!" Habol niyang bilin.



"Opo!" Sagot ko naman kahit alam kong magagabihan talaga kami. Napansin kong nag vibrate yung phone ko kaya tinignan ko kung sino. Si Tricia nagtext andun na daw siya sa terminal. Si Eds wala na akong pagasang dadating yun on time. Palagi naman yung late. May isa pang message galing sa unregistered number.



'Ano oras ka babalik bukas?' 


'Sino to?'


'Ako to si Natoy na mahal na mahal ka' Tangina. Sinong bobo ang nangtitrip sakin.


'Magpapakilala ka o iboblock kita?'


'Sungit. Ako to si Veron' Napataas naman kilay ko nung mabasa ang text niya.


'Paano mo nalaman number ko?'


'Kay Abel. So ano oras ka nga bukas?' Si Riyn? close ba sila nun?


'Mga three parin siguro. Bakit?'


'May lakad ako bukas ng gabi. Bilisan natin tong taposin.'


'Ha? di ba pwedeng sa susunod na yang lakad mo?'


'Tumanggi na ako kahapon. Wag kang paimportante at agahan mo nalang.' Parang naririnig ko yung mataray niyang boses. Nakalimutan ko pagkamaldita niya.


'Fine. Ano oras ba?'


'Basta maaga.' 


'Labo mo kausap.' 


'Whatever basta agahan mo.' Hindi na ako nagreply dahil pumara na ako ng masasakyan. Dumiretso ako ng terminal para sunduin best friend ko sabay na kami pupunta sa kakainan namin. 



"Asan na sila? Kala ko ba usapan alas dos mag aalas tres na." Reklamo niya. 



"Alam mo naman yun. Kailangan yung oras pa magadjust para sa kanila." Tatawa-tawa kong sabi. Pakilala ko lang isa sa mga best friends ko. She's Tricia Juliana Resabal and same year lang kami but she's taking pharmacy as a course at malayo school nila ng cousin ko na si Eds sa akin. Magjowa nga pala sila nung dakila kong pinsan and almost three years na po sila.


Lilith's Smile (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon