Chapter 43

6.8K 252 80
                                        


Tahimik lang ulit kami pero this time siya na yung nagdadrive. Kung hindi ako nagkakamali six hours or more pa yung byahe and hindi pa nagiisang oras simula nung nagdrive siya. Hindi ko mapigilan na tumingin sa kanya habang nakangiti lang siya sa daan. This is the first time na siya yung mag dadrive. Dati naman kasi ako lang yung nagdadrive para samin. So wala akong masyadong time para matitigan siya. She looks cool. Sinasabayan niya ang bagong kanta na nagpaplay. Habang kumakanta bigla nalang siyang tumingin sakin na para bang sinasabing para sa akin yung mismong liriko ng kanta. She did said na dadalhin niya ako sa mundong nageexist pa yung dating kami. But why?


"Sandoval."


"Hmm?" She's still smiling.


"Anong ibig mong sabihin dun sa sinabi mo?"


"Alin dun?"


"Yung paraiso."


"Ahh that. I mean what I mean so relax ka lang diyan." Paano ako rerelax eh ang weird ng inaasta niya ngayon.


"Anong pinagusapan niyo ni mommy?" I'm really curious.


"Nothing much mga update lang sa buhay ko at sa business niya." Hmm


"Sure?" Baka may kung anong sinulsol nanaman si mommy. Kilala ko yun eh.


"Yeah. Why may dapat bang sabihin ang mommy mo?"


"Wala lang. Close parin pala kayo." Pagiiba ko ng topic. I'm afraid mom told you about my unchanging feelings. I mean yeah I am here for the purpose na makita din siya pero ang bukingin ako ng ganun malalagot talaga sakin yun.


"Oo nga eh cute ng mommy mo diba."


"Cute ka diyan sabi niya pa nga dati baka kupkupin ka na niya. May plano pang magadopt tch." Totoo kasi. I expected her to push me na kalimutan si Eve pero parang siya pa yung daldal ng daldal about sa kanya. Makes me wonder kung masmahal niya to kesa sakin. She's the one who made me realize many things about us. Sabi niya nga she's ang number one fan ng love team namin. Kulit ng mother ko no di nako magtataka na nagmana ako sa kanya.


"Yan ang hindi mangyayari." Natatawa niyang sagot. Napataas naman yung kilay ko.


"Bakit?"


"The only way na magiging part ako ng pamilya niyo ay kapag naging tayo." Katahimikan. Damn.


Tama ba yung narinig ko? Nakatitig lang ako sa kanya. Hinihintay na dudugtungan niya ito ng 'joke lang' pero wala. She's just there, smiling like wala siyang ginawa para guluhin yung puso ko.


"Seryoso ka?"


"Mukha ba akong nagbibiro?" Ani niya at sumulyap ng tingin sakin. Napailing nalang ako habang hindi parin makapaniwala sa narinig.

Lilith's Smile (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon