Napaangat ako ng ulo sa mga kasama ko. Ayun tulog at alam niyo kung saan kami natulog? Sa service van lang naman. Ending hindi ako nakatulog kasi andaming lamok. Buti pa si Janine hilik na hilik halatang lalim na ng tulog eh. Bakit kami dito natulog? Di ko rin alam tinamad na lumipat ng bahay na pwede tuluyan.
Unti-unti nang lumiliwanag sa labas kaya lumabas nako. Ang daming ganap kagabi masaya naman kasi nakasama ko sila kaso muntik na kami mahuli ng patrol car. Ewan natatawa ako nung maalala ko pinaggagawa namin. Isang bajaj tricycle nagkasya kaming walo diba ang saya. Tapos mga nakainom pa kaya ang ingay namin. Mga madaling araw narin ng makarating kami dito. Nalowbat rin ako kaya di ko na nacheck kung may message ba si Li.
"Uy nakatulog ka?" Bungad sakin ni Karylle. Isa ko pang nakasama kagabi.
"Hindi eh ang ingay ni Janine matulog." Reklamo ko.
"Oo nga gisingin na natin sila gusto ko na umuwi." So ayun nga ginising namin sila. Buti pa yung natulog sa isang sasakyan mukhang himbing na himbing.
"Uy kuya gising aalis na tayo." Sabay yugyog ko kay Kaloy. Kuya tawag ko sa kanya minsan naman Bro kasi nga magkapatid na turingan namin. Pinuntahan ko yung pinsan ko sa front seat at mukhang gising na silang dalawa ni Tricia.
"Musta tulog niyo?" Bungad ko sa kanila.
"Sinong natulog?" Balik niya ng tanong kaya natawa ako. Okay na di lang ako yung napuyat. Nung magising na lahat nagdisisyon na ang ilan na umuwi sa kanya-kanya nilang apartment. Kumain muna kami sa Jollibee para mawala-wala yung lutang namin dahil nga kulang sa tulog. Uuwi na din sila at ako wala naman akong bahay dito kaya chineck ko na yung phone kong chinarge ko. Pagkaopen palang kita na agad yung mga missed calls at texts ni Li.
'Hey where are you?'
'It's boring talking to my cousins.'
'Eve saan ka matutulog?'
'Uy magreply ka.'
'Sandoval'
'Di ka talaga magrereply?'
'Bakit naka off yung phone mo?'
'Lowbat ka ba?'
'Call me when you read this message.'
Napangiti ako dun parang naririnig ko yung boses niya sa mga text. Agad kong dinial yung number niya. For sure mukha akong sabog ngayon gusto ko na maligo kaso nakailang ring din bago sumagot.
'What?' Masungit niyang sagot halata talagang bagong gising.
"Good morning snowball." Bungad ko.
'Eve?'
"Sino pa ba? Sabi mo tawagan ka pagnabasa ko yung text mo. Sorry nalowbat ako kagabi." Nakaramdam ako ng mga tingin sakin kaya nilingon ko yung mga kasama ko. Maypangaasar sa mga ngiti nila.
'Where did you sleep?'
"Di ako natulog."
'HA? Bakit?'
"Long story asan ka? Paligo naman sa inyo." Kakapalan ko na mukha ko kasi di ko na talaga feel yung katawan ko.
'I'll ask Keisha to get you. Kagigising ko lang. Asan ka ba?' Halata kong may inis sa tono ng pananalita niya.
"Jollibee yung malapit sa mall."
'okay wait for ten minutes.'
"Okay thanks Li." Ibababa ko na sana yung tawag nung magsalita ulit siya.
BINABASA MO ANG
Lilith's Smile (GxG)
Romansa"Dick for life!" That's the first thing na narinig ko mula sa bibig niya. I hated her because of many reasons. Until one day fate gave me a chance to get to know her. Akala ko para lang masmaintindihan ko ang mga taong kagaya niya but unexpected thi...