Chapter 2

9.7K 360 81
                                        

Madilim na nung natapos kami. Daldal kasi ng bakla naming teacher sa history kaya ayun di namin namalayan na nagbell na pala. Nakipagkita pa ako kay Riyn para ibigay sa kanya notes ko kasi first period nila Rizal bukas. 


"Uwi na ako Riyn." Paalam ko sa kanya matapos ko siyang turuan.


"Sige lang sanay na ako iniiwan." Pagdadrama niya naman. 


"Heto nanaman pagiging emosyonal niya." commento ni Lory habang naka akbay sa jowa niyang si Kat. Isa pa tung magshota nato buti nalang di sila masyadong pda.


"Tigilan mo ko Lory. Alam mo ba Kat yang boyfriend mo absent nanaman kanina sa Comlab?" Pagsusubong naman niya. Napataas ang kilay ni Kat. Ops kailangan ko nang umalis ayokong mapasubo sa away ng dalawang to. 


"Bahala kayo diyan uuwi na ako." Di ko na sila pinansin at naglakad na pauwi. Malapit lang kasi dormitory na tinutuluyan ko. Madilim na din at ang tahimik na ang paligid. Ilang sandali lang din ay nakarating nako sa may gate. 


"Ginabi ka ata Miss Demi." Nakangiting bungad sakin ni manong guard. 


"Tagal po kasi natapos ni sir." Ani ko at gumanti ng ngiti. Naglog in na ako at pumasok sa dorm. Madami na ang kumakain sa cafeteria. Medyo gutom narin ako kaya agad akong pumasok sa kwarto para magbihis. 


"Ate!" Nagulat naman ako nung bigla akong tawagin ni Janine. Roommate at close friend ko. Tawag niya sakin ate, hindi dahil mas matanda ako sa kanya, sa katunayan nga mas matanda siya sakin ng isang taon. Kaya ate tawag niya dahil mas matangkad at mas matured daw ako magisip.


"Ano?" 


"Nagaya si Shai ng inuman." Nakangising tingin niya sakin. Parang alam ko na gusto neto. 


"Bi wala ka bang gagawin?" Nakataas kilay kong tanong. Binaba ko ang bag at drawing tube ko. 


"Wala na te at isa pa friday nanaman bukas wala tayo masyadong klase." tinaas baba niya yung kilay niya na parang may ibig sabihin. 


"Anong oras daw?" 


"Mayang nine." 


"Sino kasama?" 


"Friends niya." 


"Ano mga inumin?" 


"Di ko alam pero yung friend daw manlilibre." Kibit balikat niyang sabi. 


"Nakakahiya naman." commento ko at nagsimula nang maghanap ng masusuot na pamalit.


"Oo nga pero te minsan lang ang free drinks." Pangungulit niya. 


"Sabagay nga naman. Sige sasama ako pero kakain muna tayo." Kinuha ko yung lalagyan ko ng sabon at shampoo bago tuluyang pumasok sa cr. Naligo ako dahil feeling ko ang lagkit-lagkit ng katawan ko. Matapos kong maligo nagbihis na ako ng shorts at medyo oversized shirt. Pinatuyo ko gamit ng tuwalya ang buhok ko. Paglabas ko nakabihis na si Anine. 

Lilith's Smile (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon