Bryleigh's PoV
"We need to check you up" basag ni Clinton sa katahimikan na bumabalot sa aming dalawa.Nakatingin lang ako sa harapan habang hinahayaang tumulo ang mga luha mula sa nanunuyot kong mga mata.Walang hikbi ang maririnig na lumalabas sa akin pero alam kong ramdam ni Clinton ang labis na lungkot na bumabalot sa buong katawan ko.
"Bry" tawag niya muli sa pangalan ko ngunit hindi parin ako sumagot.Hindi ko alam ang gagawin ko.Nagkamali ako.Nagsinungaling ako kay Jericho.Ang tanga ko!Ang tanga tanga ko!Bakit hindi ko naalala agad yung nangyari noong gabing iyon?Bakit kailangan pang ngayon ko lang malaman?Bakit kung kailan nahulog na ang loob ko kay Jericho ay doon ko pa nalaman ang totoong nangyari ng gabing iyon?Bakit ngayon pa na alam ko na,na may nakaraan kami ni Jericho?Bakit ngayon pa na nalaman kong siya pala si Jacob ang lalaking dati kong minahal?
Narinig ko ang biglang pag andar ng makina ng kotse dahilan para mabaling ang paningin ko kay Clinton.
"Itigil mo itong kotse" mahina kong ani pero wala akong narinig na sagot mula sa kanya.Seryoso lang siyang nakatingin sa may daan habang ang kaniyang kamay ay nasa manibela ng kotse.
"Stop the car" may diin ang pagkakasabi ko sa bawat salita ngunit hindi parin niya hinihinto ang kotse.
"Clinton!Stop the car!" bahagyang tumaas ang boses ko dahil sa inis na nararamdaman ko.Hindi parin nagpatinag sa ginawa ko si Clinton.
"FXCK IT!STOP THE CAR!" bulyaw ko sa kanya at hinawakan ang manibela.
"Itigil mo yan,mababangga tayo!" saway sa akin ni Clinton habang patuloy kaming nag aagawan sa manibela.
"Itigil mo muna yung kotse!" utos ko sa kanya.
"FXCK IT!FINE!" pagsuko ni Clinton at hininto ang kotse.
Masama ang tingin na ipinupukol niya sa akin habang wala namang emosyon ang mababasa sa aking mga mata.
"Can't you tell that I'm worried?--I'm worried for you--"
"Stop it Clinton!Matagal na tayong tapos!---Wala ka ng karapatang mag alala sa akin" walang pag aalinlangan kong lintaya sa kanya.
"I still have the right to be worried as you are the mother of our child" madiin niyang sambit sa akin.
"Hindi ko kailangan ang pag aalala mo.Si Jericho ang kailangan ko" seryoso kong ani.
"Wala na siya Bry!He's gone.He left you!Ako na lang ang meron ka!" he insisted.
"Hindi porket hindi mo na siya nakikita ay wala na siya.He will fovever be in my heart and you can't change that fact.Siya ang mahal ko at siya lang ang mamahalin ko!" may diin ang bawat salitang binibitawan ko.
Nabigla ako sa agresibong paghawak ni Clinton sa mga kamay ko.Kita ko ang galit na bumalot sa kaniyang mga mata.
"YOU'RE MINE!" malademonyo niyang sigaw at marahas akong hinalikan sa labi.Pinilit kong magpumiglas sa kaniya ngunit mahigpit ang hawak niya sa dalawa kong kamay.
Malalim at madiin ang halik na pinapadama niya sa akin.Nararamdaman ko ang sakit sa bawat diin ng halik na ginagawa niya.Unti unting tumulo mula sa mga mata ko ang bagong mga luhang nagpainit sa pisngi kong nanlalamig dahil sa takot.Nagulat ako ng pinipilit ng kaniyang dila na pumasok sa bibig ko dahilan para mas lalo akong magpumiglas mula sa pagkakahawak niya.Nang makawala ang kanang kamay ko mula sa pagkakahawak niya ay isang malakas at malutong na sampal ang iginawad ko sa kaniyang pisngi.Nakita ko ang pagkagulat sa mukha niya dahil sa gulat.Tila dumugo rin ang labi niya dahil sa lakas ng pagkakasampal ko.Pakiramdam ko ay ibinuhos ko ang lahat ng galit at sakit na naipon sa puso ko gamit ang sampal na iyon.
Hindi ko na hinintay na magsalita siya sa halip aya agad akong bumaba sa kotse niya.Napatingin ako sa kalangitan napagtanto kong gabi na pala.Itinaas ko ang kamay ko ng makaramdam ako ng patak ng tubig sa may braso ko.Kasabay ng pagangat ng kamay ko ay ang pagbuhos ng malakas na ulan.
Ipinikit ko ang mga mata ko at rumehistro sa isipan ko ang mga alaala ko na kasama si Jericho.Napaluhod ako at hinayaan ang ulan na dumaloy sa buong katawan ko.Malalakas na hikbi at sigaw ang pinakawalan ko.Pakiramdam ko ay patay na ako at wala ng dahilan pa upang mabuhay.Tila hindi na tumitibok ang puso ko at tuluyan ng dumilim ang buhay ko.Naramdaman ko ang panghihina ng katawan ko at sa isang iglap ay naramdaman ko ang pagbagsak ng katawan ko sa malamig na kalsada.
Lumabo ang paningin ko at tanging mga ilaw na nagmumula sa mga street light ang aking nakikita.Rinig na rinig ko ang tunog na ginagawa ng mga patak ng tubig na tumatama sa kalsadang hinihigaan ko.Nakangiti kong ipinikit ang mata ko habang inaalala ang mukha ng lalaking aking pinakamamahal.Kasabay ng pagrehistro ng kaniyang imahe sa isipan ko ay ang tuluyang pagkain ng kadiliman at lungkot sa aking paningin.
At that melancholic night,
Under the crying sky,
The only person that came through my mind,
Was him THE MAN I LOVE.***
Dahan dahan kong iminulat ang mata ko ng marinig ko ang tunog na ginagawa ng mga aparatus sa ospital.Bumungad sa aking mata ang nag aalalang mukha nina Dad.
"Tita's awake" rinig kong ani ni Marga dahilan para mabaling sa akin ang atensyon nilang lahat.
"Thank God you're awake" halata sa tono ng pananalita ni Dad ang labis na pagaalala.
Napatingin ako kay Ale

BINABASA MO ANG
Pregnant by My Gay Alien Boss
RandomPregnant by my Gay Alien Boss is the 4th Installment of Heiress Series.It tells the story of Bryleigh Celeste Sley Lee falling inlove with her Gay Alien Boss.