Bry's PoV
Agad akong napabangon sa kama ng mag ring ang phone ko.Inis ko itong hinablot at sinagot ang tawag.
"Bryliegh!!!!!!!!!!!" agad kong inilayo ang phone ko mula sa tenga ko dahil sa lakas ng pag sigaw ni Mika.
"Pokpok ka!Wag kang sumigaw!Sisirain mo ata yung eardrums ko!" bulyaw ko sa kanya.
"Letche ka ako masisiraan pag di ka dumating ngayon!" inis niyang sigaw
"Ano bang meron!?" nagtataka kong tanong na naiinis parin hanggang ngayon.
"Pokpok ka!Ngayong araw ang interview natin para sa trabaho" nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.Agad kong hinanap ang orasan at mas lalong nanlaki ang mata ko ng makitang alas nuebe na.
"Letche bat dimo ako ginising babye na!" natataranta kong sambit.
"Wait Bry may--" hindi ko na narinig ang sunod niyang sinabi dahil pinatay kona ang phone ko.
Agad akong naligo,hindi nga alam kong ligo talaga ang tawag dun.Pagkatapos ay nagbihis na ako at pinaharorot na ang motorsiklo ko.Mabuti nalang at nadala ko to bago ako lumayas sa amin.
Nang makarating na ako sa parking lot inilibot ko ang paningin ko upang makita kong saan magandang magpark.Nakita ko ang malaking espasyo kaya agad kong pinaandar ang motorsiklo ko papunta dun.Nagulat ako ng biglang may humarurot na kotseng nakipagunahan sa aking magpark dun.Dahil dito ay nawalan ako ng balanse at napasubsob sa daan kasama ang kotse ko.Mabuti nalang at nakahelmet ako.Napapikit ako dahil sa lakas ng pagkakatama ko sa kalsada.
Nakita ko ang dahang dahang pagbukas ng pinto ng kotse.Inis akong tumayo at hinarap ang may ari ng kotse.
"Hoy utak mo may ubo!Hindi mo ba nakitang nasa tabi mo ako!?" nagulat ako ng makitang si bakla ang may ari ng kotse
"Nakita ko..." kaswal niyang sagot.
"Nakita mo pala eh!Tsaka ako dapat ang magpark dito!" bulyaw ko sa kanya.
"Care to explain me why?" maarte niyang ani.
"Dahil ako ang unang nakakita sa parking space na ito!" pagdadahilan ko.
"Dahil ikaw ang unang nakakita,sayo na agad.MEGANON?" maarte niyang ani.Bakla talaga.
"Oo!MEGANON!Kaya ialis mo yang kotse mo!" pasigaw kong ani sa kanya.
"Should I also own you?" napalunok ako sa sinabi niya.
Ano!?
Should I also own you!?
Tama ba yung narinig ko?
Naramdaman ko ang paglakas ng kabog ng puso ko.
Baliw ba siya!?
Aishh!!!
Bakit namamawis ako!?
"Aa--A---Ano--Anong--Si--Sina-sabi mo!?-" pautal utal kong ani at pinipilit pakalmahin ang sarili ko.
"Dapat rin ba kitang angkinin?" walang gana niyang ani.
Napanganga ako dahil sa sinabi niya.
Wala namang pinagka iba yung sinabi niya kanina at yung sinabi Niya ngayon.
Trinanslate lang naman niya.
Pero bakit ganun?
Ang lakas ng dating!
Bakit mas domoble yung tibok ng puso ko?
![](https://img.wattpad.com/cover/231209309-288-k376356.jpg)
BINABASA MO ANG
Pregnant by My Gay Alien Boss
RandomPregnant by my Gay Alien Boss is the 4th Installment of Heiress Series.It tells the story of Bryleigh Celeste Sley Lee falling inlove with her Gay Alien Boss.