Bryleigh's PoV
"JERICHO!" sigaw ko at napabangon ako mula sa pagkakahiga.
"Hey are you okay?" nag aalalang tanong ni Jericho at mabilis na lumapit sa akin.
Hindi ko napigilan ang yakapin siya.
Naramdaman ko ang pagtulo ng mga luha ko.
Nanginginig ang buo kong katawan habang ang puso ko ay mabilis ang tibok.
Hindi ko maipaliwanag ang takot na nararamdaman ko.
Agad akong humiwalay ng mapansin kong tila nabigla si Jericho sa walang pasabi kong pagyakap.
"I'm sorry" ani ko at nahihiyang umayos ng upo ko sa kama.
Inilibot ko ang paningin ko at doon kolang napagtanto na nasa bahay na pala kami.
"Anong nangyari sa atin?" tanong ko sa kanya habang napahawak sa ulo kong sumasakit.
"I--I also--I don't know" dismayadong ani ni Jericho.
Pinilit kong alalahanin ang nangyari sa amin.
Unti unting pumasok sa alaala ko ang mga bagay ba nakita ko.
Lumakas ang kabog ng puso ko ng makitang tila hindi siya humihinga.
Nakita ko ang dugo sa dibdib niya.
"Jericho!" tawag ko sa pangalan niya.Nanginig ang kamay kong hinawakan ang dugo sa dibdib niya.
"JERICHO!" muli kong sigaw habang niyuyugyog siya.
Hindi ko napigilan ang pagtulo ng luha mula sa mga mata ko.
"Jericho gumising ka!Please!Jericho!" nanginig ang boses kong ani.
Mas dumagdag sa kaba ko ng makita ko ang pag ilaw ng kamay niya.
Ano ang nangyayari?
Napaatras ako ng biglang mas lumiwanag ang ilaw na nagmumula sa kamay niya.
Napahawak ako sa tenga ko ng bigla akong makarinig ng matinis na ingay dahilan para matumba ako at mamilipit sa sakit na dulo ng ingay na iyon.
Unti unti kong naramdaman ang panghihina ng katawan ko at ilang segundo ang lumipas ay nilamon na ang piningin ko ng kadiliman.
Bahagya akong napa atras dahil sa naalala ko.
Ramdam ko ang pag aalala ni Jericho.
Napatingin ako sa kanya.
Bakit tila wala siyang sugat sa kaniyang dibdib.
Mas lalo ko pang pinagbutihan ang pagtingin sa kanya habang ako'y naguguluhan sa naalala ko.
Totoo ba yung mga nalaman ko?
Nangyari ba ang mga iyon?
Pero tila parang walang bahid ng sugat ang kaniyang.
Sa patuloy ko na pagtingin sa katawan niya biglang nadulas ang kamay ko dahilan para mapasubsub sa kaniya.
Nanlaki ang mata ko ng mapansin sobrang lapit na ng mga mukha namin at ang tangin naghihiwalay nalang sa aming mga labi ay ang kamay niyang nakapatong sa pagitan ng kaniya kaniya naming mukha.
Napatitig ako sa mata ganun nalang ang aking pagkagulat ng sinuklian ko ang mga makahulugang mga titig na iyon.
Ang bilis ng tibok ng puso ko.
BINABASA MO ANG
Pregnant by My Gay Alien Boss
DiversosPregnant by my Gay Alien Boss is the 4th Installment of Heiress Series.It tells the story of Bryleigh Celeste Sley Lee falling inlove with her Gay Alien Boss.