PGAB CHAPTER 9

271 11 0
                                    

Bryleigh's PoV

"Are you okay?" nag aalalang tanong sa akim ni Jericho habang inaalalayan niya akong tumayo.

Napapikit ako ng bigla akong makarinig ng malakas na ingay.Nakaramdam ako ng pagkahilo dahilan para mapaluhod ako.Rinig ko ang paulit ulit na pagtawag ni Jericho sa pangalan ko.Sinubukan pa niya akong yugyugin pero mas lalo lang lumakas ang maingay na tunog na aking naririnig.Napahawak nalang ako sa aking tenga.Biglang may nagflash na mga larawan sa aking isipan kasabay ng malakas na tunog na iyon.

*

"Get off me!" "Wag niyong sasaktan ang anak ko!" na alimpungatan ako ng makarinig ako ng sigaw.Napabalikwas ako ng bangon ng mapagtantong si Mama iyon.Pagbukas ko ng pinto otomatikong napatago ako ng makita kong may mga kakaibang nilalang na hawak hawak si Mama pati narin si Henry.

"What do you want?" my mom asked.Tila walang narinig ang mga nilalang na iyon at patuloy nilang hinihila si Mama.

"Please!I said!Let go of me--" nanginig ang Buo kong katawan ng biglang tumilapon si Mama.Napasigaw si Henry dahil sa gulat.Nanlaki ang mata ko ng makita kong nag anyong tao ang nilalang na may hawak kina mama ngayon.

Sino sila?

Anong klaseng nilalang sila?

Kitang kita ng dalawang mata ko kung paano pinalutang ng kakaibang nilalang na iyon si Mama sa ere.Nagpupumiglas si Mama sa ere ngunit patuloy parin siyang lumulutang.

"Ibalik niyo ang inyong ninakaw!" nag ngingitngit sa galit na ani ng nilalang na iyon kay Mama.

Ninakaw?

May ninakaw si mama sa kanila?

Ano naman iyon?

Napalabas ako sa tinataguan ko ng biglang nahulog si Mama mula sa ere.Nakita ko ang pamimilipit ni Mama dahil sa sakit na kaniyang nararamdaman.Napatingin sa gawi ko si Mama na wari'y sinasabihan akong wag magpakita.Muli akong nagtago mabuti nalang ay hindi ako nakita ng mga nilalang na iyon.

Marahas na kinaladkad ng mga nilalang na iyon sina Henry at Mama palabas ng bahay.Dali dali akong bumaba at napahinto ako sa tapat ng pinto.Isang bugso ng malakas na hangin ang bumati sa akin.Isang kakaibang bagay ay lumulutang sa ere.Biglang lumitaw sa bagay na iyon ang nakakasilaw na puting liwanag.

Napa awang ang bibig ko ng masaksihan kong lumutang sina Mama sa ere.Tila kinakain sila ng liwanag papasok sa lumilipad na bagay na iyon.

*Tug

*Dug

*Tug

*Dug

Alien?

Bulalas ko sa aking sarili ng mapagtanto kong sino ang mga nilalang na kumuha kina Mama at Harry.Agad akong napalingon sa itaas ng makarinig ako ng mabilis na paggalaw ng isang bagay.

Nanginig ang buo kong katawan ng mapagtantong wala na sina mama at yung bagay ba lulumutang sa langit.Halos mapaluhod na ako dahil sa halo halong emosyon na namamayani sa puso't isip ko.Tila nabuhayan ako ng loob ng may lumitaw na kumukintab na kulay asul na buhangin sa kalangitan na maaaring gawa ng bagay na yun.

Hinanap ko ang susi ng kotse ko at tumakbo palabas sabay sabay paandar na kotse.Wala akong pake kong nasisira ko ang mga halaman ang tanging nasa isip ko lang ay mailigtas sina Mama.

"Mom where the hell are you!?" paulit ulit kong tanong sa sarili ko habang patuloy na pinapaharorot ang kotseng pinapa andar ko.Panay ang tingin ko sa kalangitan,nakapako ang paningin ko sa kumilintab na kulay asul na tila buhangin na nasa alapaap.

"Shxt!Why did they abduct Mom and Henry!?Ano yung sinasabi nilang ninakaw?" naguguluhan kong tanong sa sarili ko.

"Are they really alien?" i ask myself still bewildered with what's happening.

Dahil sa rami ng iniisip ko hindi ko namalayang may humaharurot na palang kotse papunta sa akin.It happened so fast na hindi ko namamalayang tumilapon na pala ang kotseng sinasakyan ko sa isang puno.

The next thing i knew i heard a loud bang.I slowly lift my head covered by blood.I can't breath and hear clearly because of the thick smoke and the unpleasant scent of burnt materials.

I felt someone opened the door.I slowly turned my gaze to that person who help me.I can't clearly see his face.Nararamdaman ko na din ang panghihina ng katawan ko.Tila hinihila ako ng antok at pagod.Then i felt someone was lifting me and it was the guy who opened the door and is now currently helping me.

He save me.

Im slowly regaining my consciousness as the guy lifted me away from my car.He slowly let me lay back on the grassy land.

Unti unti ko nang nakikita ng maayos ang mukha ng lalaking tumulong sa akin.Napakunot ang noo ko ng mapako ang paningin ko sa kasuotan niya.Kakaiba ang suot niya.

"Thank you" i said while a smile was plastered on my face.He was about to answer when i heard a loud disturbing sound.

Napalingon siya sa pinanggalingan ng tunog na iyon.Kita ang takot sa kaniyang mga mukha at agad niya akong binuhat.Ramdam na ramdam ko ang malakas na pagtibok ng puso niya.Nagtago kami sa isang malaking puno malapit sa may kotse.

"Agent X23 !" i heard someone shouted napalunok ang lalaking may buhay sa akin.

Siya ba yung hinahanap nila?

"Magpakita ka Agent X23!" muling sigaw ng taong naghahanap sa lalaking tinitingnan ko ngayon.

Balisa ang lalaki at palinga linga ito.Dahan dahan niya akong inilapad.Lumuhod ito sa harapan ko at dahan dahang hinaplos ang mukha ko.

"You will be safe" nakangiti niyang sambit sa akin at binigyan ako ng matamis na halik sa noo ko.

Tumayo siya at may kung anong asul na liwanag ang lumitaw mula sa dibdib niya.Nagpakawala siya ng paimpit na sigaw ng biglang may kung anong bilog na bagay ang lumabas mula sa dibdib niya.

Isang bilog na bagay na nagliliwanag ang hawak niya.Tila nanghina siya dahil sa ginawang niyang pagluha sa bagay na iyon mula sa katawan niya.Buong lakas niya itong inihagis sa akin.Nakaramdam ako ng malakas na hampas sa dibdib ko dahilan para huminto ang puso ko ng ilang segundo.

" I love you" mahinang bulong niya sa akin at muli akong pinagmasdan sa huling pagkakataon bago niya ako tinalikuran.

Nakaramdam ako ng labis na lakas pagkatapos niyang itapon ang bilog na bagay na iyon sa akin.Dahan dahan akong tumayo para sundan sana siya.Nagulat ako ng biglang makarinig ng malakas na pagsabog.Nagpagulong gulong ako pababa ng bangin dahil sa lakas ng pagsabog.

Ramdam na ramdam ko ang pagtama ng bato,kahoy at damo sa iba't ibang parte ng katawan ko.Napa hiyaw ako ng bumagsak ako at tumama ang ulo ko sa ugat ng isang puno.Nanghina ang katawan ko at unti unti na akong hinihila ng pagod.Kasabay ng pagpikit ng aking mga mata ay ang paglaho ng mukha ng lalaki sa aking isipan

"Ahhhhhhh!" napasigaw ako ng malakas pagkatapos kong maalala ang mga pangyayaring iyon.

"Are you okay?" nag aalalang tanong ni Jericho sa akin.

Dahan dahan akong lumingon sa kaniya.Nanginginig ang buo kong katawan ng muli na namang rumehistro sa isipan ko ang mukha ng lalaking nasa panaginip ko habang tinitingnan ko ang mukha ni Jericho.

"What's wrong?Is there something wrong with you?" sunod sunod na tanong ni Jericho.

Mabilis akong tumayo at lumayo sa kaniya.Pinagmasdan ko muli ang kaniyang mukha kasabay ng pag aalala ko sa lalaki sa panaginip ko.Napaturo ako sa kanya habang naka awang ang bibig ko at nanlalaki ang mata.

"Ikaw!"

*End of PGAB Chapter 9*

Pregnant by My Gay Alien BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon