Bryleigh's PoV
Habang tumatakbo ako ay napahinto ako sa isang sulok ng may mapansin akong pamilyar na pigura.Nanlaki ang mga mata ko ng mapagtanto kung sino ang mga taong iyon at kung ano ang kanilang ginagawa.Nakita ng dalawang mata ko na naghahalikan si Clinton at ang ina ni Alexa.Doon muling pumasok sa isipan ko ang sinabi ni Marga at Jericho noon.Hindi si Alexa ang pinupuntahan ni Clinton sa bahay nila kundi si TITA!
Habang nasa ganoon akong posisyon ay muli ko na namang narinig ang matinis na tunog na narinig ko kanina.Kasabay ng paghinto ng tunog na iyon ay ang pagbulong ng isang boses sa tenga ko.
"I'll be back.Don't worry" bulong ng boses na alam kong tinig ni Jericho.
Dahil nakatuon ang atensyon ko sa boses ni Jericho ay hindi ko naramdaman ang unti unting paglapit ni Clinton at ang ina ni Alexa.Nanlaki ang kanilang mga mata ng makita nila ako.Halata sa kanilang mga mukha ang gulat at pagkabalisa.Walang nagtatangka sa kanilang dalawa na magsalita na wari mo'y kasalanan ang pag buka ng bibig.
Nang ilang metro nalang ang lapit namin sa isa't isa ay kita ko ang nagkalat na pulang lipstick sa pareho nilang labi.Doon ko lang naramdaman ang labis na galit hindi para sa aking sarili kundi galit para sa aking ama.Hindi ko alam na magagawa palang pagtaksilan ni Tita si Dad ngayon pa na may balak na silang magpakasal.
"I need to tell this to Dad" bulalas ko dahilan para mas lalaong manlaki ang mata ni Tita kasabay ng panginginig ng kaniyang tuhod.Agad na lumapit sa akin si Clinton na hindi na maipinta ang mukha.
"Bry, let me explain" pigil ni Clinton sa akin habang marahas kong tinatanggal ang kamay niyang nakahawak sa akin.
"No need to explain it to me.Wala akong paki kung maglaplapan kayo ni Tita,my concern is Tita is cheating behind my Dad's back.And i won't just stay still" bahagyang nagulat si Bry sa naging sagot ko.Kita sa gilid ng mata ko na nakatayo lang si Tita at pinagmamasdan lang ang bawat kilos na gagawin namin.
"Do I really not affect you anymore?" seryoso niyang tanong sa akin.Diretso ko siyang tiningnan sa kaniyang mga mata na wari ay pinaparating ko sa kanya na ang susunod kong sasabihin ay sagot sa lahat ng tanong na bumabagabag sa kanya.
"Matagal na tayong tapos Clinton.Matagal na kitang kinalimutan pati narin ang pagmamahal ko sayo.Si Jacob ang mahal ko" may diin ang bawat salitang pinapakawalan ko sa kanya.Dahan dahan siyang bumitaw sa pagkakahawak sa akin.
"Jacob?si Jericho?...Naalala mo na?Kinalimutan ka na nga nung gagong yun!Siya parin yung mahal mo?Txng ina dapat pinatay ko na lang pala yung gagong yun!" nabigla ako sa pagbabago ng ekspresyon ng mukha ni Clinton.Kitang kita ko sa mga mata niya ang galit na matagal na niyang tinatago.
"Alam mong si Jericho si Jacob?" naguguluhan kong tanong sa kanya.All this time alam niya?
"Paanong hindi ko makikilala ang taong pinagpalit mo sa akin?" mapait niyang ngiti sa akin.
"Anong pinagsasabi mo?Pinagpalit kita kay Jericho?Naging tayo pagkatapos ng aksidente at naging kasintahan ko si Jacob bago ang aksidente.Ibig sabihin si Jericho ang pinagpalit ko para--" napahinto ako ng may maalala "Teka lang--Pinili ba talaga kita?" tanong ko sa sarili ko.Ngayon ko lang naalala na pagkatapos kong magising mula sa aksidente ay doon ko nakilala si Clinton at nagpakilalang siya ang kasintahan ko."Nagsinungaling ka sa akin?Sinabi mong magkasintahan tayo pero ang totoo,hindi!" nagulat ako sa sarili mga salitang binitawan ko.
Bigla akong nakaramdam ng pagsakit ng ulo kasabay nito ay gumuhit sa alaala ko ang larawan ng nakaraan.
*Flashback*
BINABASA MO ANG
Pregnant by My Gay Alien Boss
RandomPregnant by my Gay Alien Boss is the 4th Installment of Heiress Series.It tells the story of Bryleigh Celeste Sley Lee falling inlove with her Gay Alien Boss.