Chapter 7

9.9K 167 1
                                    

Hija are you with us? tanong na nagpabalik na naman sakin sa reality, Aish bakit ba kanina ko pa naalala ang nakaraan? Seryoso, nakailang flashback na ako ngayong araw?

Napahinga ako ng malalim, nandito na pala kaming lahat sa dining area, ni hindi ko man lang namalayan.
Lintek na flashback yan pahamak!

Nakatingin silang lahat, including him and you know who is he right? Ayoko nang pangalan, nakakatamad. Ubos oras.

Oo nga pala, katabi ko sya ngayon at nakayakap pa ang isang kamay nya sa beywang ko. Paano ito nangyari? Aba malay ko! Nakakainis kasi bakit parang nagblushed ako sa pagkakadikit namin ito? Aish! hindi ka kinilig Ryah! pakiramdam mo lang yan.

Nakataas ang kilay na tiningnan ko sya at binigyan ng wag-mo-nga-akong-yakapin-look, mukhang di nya nagets dahil nginitian nya ako. Again! I felt my heart skips a beat.

Heart stop it! Wag kang kiligin Okay! Hays! Kelangan matigil na to hindi na ako mahinga ng maayos e!

Kaya naman pasimple ko na lang tinanggal yung kamay nya sa beywang ko, pero makulit sya dahil yumakap pa din sya. I rolled my eyes and impatiently and took his hands off mine again.

Ryah anong ginagawa mo? dinig kong tanong ni Dad, napatingin ako sa kanya. Shet, nakita nya! What to do? Dali Ryah mag-isip ka na!

Ahmm... n-na.. n-na... kumunot yung noo nya. Mas kinabahan ako, ano bang sasabihin ko? Ghad di ako prepared! Napatingin ako sa kanya.

Binigyan ko sya ng help-me-get-rid-of-this pero gaya kanina ay hindi nya ako nagets. Argh! Kaasar ang slow talaga!

N-nag... n-nagkakamot lang.. Oo Dad tama! nagkakamot nga lang ako.. hehe.. alanganin kong sabi, O please Dad buy it!

Ah Okay.. akala ko kasi ayaw mong yakapin ka ng asawa mo.. Oo Dad tama ka ayokong yakapin sya! yan gustong-gusto kong sabihin pero hindi iyon ang lumabas sa bibig ko.

H-Ha? Hindi.. hindi... gustong-gusto ko nga po Dad!! (note the slight sarcasm) na sabi ko kay Dad sabay yakap sa leeg nito ng mahigpit tipong sinasakal ko na sya. Actually sinasakal ko na nga talaga sya dahil sa pagkainis ko, hindi nya iyon nahahalata kaya mas lalo akong nainis. Bakit ba ang manhid nito!

Antagal ko kayang di nayakap ang asawa ko!! plastic kong sabi habang nakangiti na tumingin pa dito at ang loko ay feel na feel naman ang pagyakap ko sa kanya! Bwiset!!!

Bigla namang nasamid si Eli na nasa katapat ko lang nakaupo, I'm pretty sure na dahil yun sa mga nakakalokong pinagsasabi ko.

Oh they are really lovely to look at Dear!! biglang sabi ni Mommy kay Daddy filled with so much fondness in her eyes. She really loves Jayden err-- Jeydon for me. Yes, Jeydon. That was his real name. At ang laking sampal sakin nung nalaman ko ang totoo sa likod ng pangalang yan.

Siguro kung alam lang nila ang ginawa nitong taong 'to sakin, I'm sure ipa-pashoot to kill sya ni Dad!

---

Nakasakay na ako ngayon sa kotse nya bale nasa passenger side ako. Tapos sya ang nasa driver seat. He never hired a driver for him. Mas gusto nyang siya ang nagda-drive.

Hays! Ipaalala nyo nga kung pano nga ba ulit ako napunta dito?

Oh well naaalala ko na...

Ipinagtulukan nga pala ako ng parents ko na sumama sa kanya and worst pati si Eli nakisali sa pagtataboy sakin tapos ngumiti pa ng nakakaloko. Sarap talaga sabunutan ng babaeng yun!

Narating na namin ang dati naming bahay. Yeah dati na para sakin dahil simula nung umalis ako, hindi ko na tinangka pang bumalik dito. Ibinabalik lang kasi ng bahay na ito ang mga masasakit na alaala, at ang hapdi sa puso. Tagos sa kaibuturan. Dinaig pa yung lalim ng pagkabaon ng pana ni Kupido.

Operation: Seducing My HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon