After that escapade with my friends, Jeydon decided to drop by in his parents house.
Sa totoo lang ayoko sanang pumunta sa kanila bukod sa kinakabahan ako sa mga posibleng itatanong ng mga in-laws ko kung bakit ako biglang nawala ng ilang taon ay natatakot din ako.
Natatakot akong harapin ang isang tao na may kinalaman sa aming nakaraan.
Ang kapatid ng asawa ko.
Wife aren't you coming inside? untag sakin ng asawa ko, nakalabas na pala sya ng sasakyan tch lutang na naman ako!
Napahinga nalang ako ng malalim, this is it. Kaya ko to.
*breath in*
*breath out*
Lumabas na ako sa sasakyan at inabot ang kamay ng asawa ko na halatang kanina pa nakalahad.
Sabay kaming naglakad habang magka-hawak kamay kami. Agad kaming sinalubong ng mga maids na hilerang nakapwesto sa gilid ng malaking pinto ng mansyon.
Good Evening Young Master, Young Lady. they greeted in chorus, kapag pumupunta talaga ako sa bahay na to pakiramdam ko nasa isang movie scene ako eh.
Good Evening. Where's Papa and Mama?
Nasa dining area na po Young Master, kanina pa po kayo hinihintay. Sabi ni Manang Melda, yeah kilala ko sya. Si Manang ang kasama ko dati sa bahay.
Ang laki pala ng ipinayat nya kumpara sa dati, ngayon ko lang napansin, gusto ko sana syang tanungin kung kamusta na sya dahil hindi ko sya natanong nung naroon sya sa bahay, ang kaso hindi ko na rin nagawa nung marahan akong hilahin ng asawa ko papunta sa dining area nila. Later ko na lang siguro chichikahin si Manang.
Oh Honey here they are! ani ng Mama ni Jeydon, she's very sweet pa rin gaya ng dati. Tapos sinalubong nya kami ng yakap at halik sa pisngi. I'm glad that you guys are back together. Oh I missed you so much Iha. At dahil dyan you owe me a whole night chikahan.
Bahagya akong napangiwi. Jusko naman. Oo sweet syang babae pero pagdating sa kwentuhan ay daig nya pa sa kadaldalan si May.
Come and let's eat dinner. Ani naman ni Papa na ngumiti sakin pero gaya ng dati ay tipid pa din. Sa totoo lang namissed ko sila, walang time na hindi nila ako trinato ng hindi maganda noon.
Naupo na kami ni Jeydon sa bakanteng upuan na katapat ng mag-asawa.
Nagsimula nang magserve sa amin ang mga katulong nila. "Thank you." sabi ko sabay ngiti sa katulong na nag-estima sakin.
Natakam ako sa mga nakahain sa hapag, mga paborito ko kasing pagkain ang mga naroon. Mukhang mapasabak ako sa gyera hahaha.
Mayamaya pa ay nagsimula na kaming kumain. Iha, wag kang mahihiya ha? Ang bahay na ito ay parang bahay mo na rin.
Ngumiti lang ako. Sa totoo lang kahit mabait sila, nahihiya pa rin ako talaga. Ipinaghain ako ni Jeydon.
You must eat, alam kong paborito mo ito. Jeydon said while cutting the steak for me. Sinimulan ko na ring kumain.
Am I late? sa narinig kong boses ng taong nagsalita ay natigilan at nabitin sa ere ang aktong pagsubo ko sana ng steak na hiniwa ni Jeydon upang di ako mahirapan.
Oh iho I thought you weren't coming! Salubong sa kanya ng kanilang ina saka ito hinagkan sa pisngi.
Si Jayden...
BINABASA MO ANG
Operation: Seducing My Husband
Romansa"Is it wrong to love a person too much?" ~ Ryah