"Hindi ka makasagot... I think hindi ka pa nga handa. Lalo na ito. Alam mo kasing kapag nagkita kayo masisira ulit yan." Aniya na itinuro ang parteng dibdib ko saka tumitig sakin tapos ay napahinga rin ng malalim.
"You still love him, right?" tanong nya na hindi ko sinagot.
"Kaya siguro ginusto mong bumalik dito at iwan ang buhay natin pansamantala sa Cali. Bakit pa Ryah? Bakit kelangan mo pang balikan lahat ng sakit dito? Masaya naman tayo kasama sina Deejay at Carl hindi ba?"
Tiningnan ko sya sa mga mata, alam kong hinihintay nya ang sasabihin ko pero nanatili akong tahimik.
Tama naman siya.
Mahal ko parin nga ang asawa ko.
Hindi naman nawala yun eh. At oo bumalik ako dahil sa kanya pero hindi para ipaglaban ang kung ano mang meron samin, may iba akong dahilan kaya kahit ayokong iwan ang buhay namin sa ibang bansa ay ginawa ko.
Para matahimik na ako, kami nila DeeJay. Kasi kahit anong gawin ko, narito pa rin sa puso ko yung urge na makaganti. At pagkatapos niyon siguro naman ay magiging okay na dahil nagawa ko na ang nais ko.
"What if hindi nangyari ang lahat ng mga nangyari noon? sa tingin mo, masaya kaya kami? What if panaginip lang pala to? Na kapag nagising ako normal na ulit ang lahat, na bangungot lang pala ito sa palagay mo?" tanong ko kay Elida out of nowhere.
Masama bang hangarin ko na sana di nalang nangyari ang mga bagay na ito?
It took a minute for her bago nya ako sinagot at tiningnan sa aking mga mata. "Instead of asking what if's, try to think for what would happens next okay? Past is past and were in present, you can't turn back time and you're not that powerful one to change what was happened before!" mahaba nyang sabi, napaisip ako. She's right, hindi ko na nga talaga maibabalik ang mga nangyari na.
Sa ngayon ang malinaw lang sa isip ko ay ang magawa kong saktan ang lalaking nanakit sakin.
I need to get even with him in order to heal my wounds and have some peace of mind.
Tatapusin ko ang mga dapat kong gawin dito pagkatapos nito babalik na kami sa lugar kung saan masaya kaming namumuhay.
Kapwa kaming napabangon sa kama nang makarinig ng mga katok mula sa pinto, nagkatinginan muna kami bago ako nagpasyang tumayo para buksan iyon.
"Lady Ryah... pinatatawag na ho kayo sa ibaba ng Daddy at Mommy nyo, dumating na daw po si Young Master!" sabi ni Yaya Lina pagkabukas ko ng pinto tapos ay tumalikod na at bumaba na uli.
Muli kaming nagkatinginan ni Eli, maya-maya ay nilapitan nya ako at hinawakan sa kamay na para bang sinasabi nya na doon ako humugot ng lakas ng loob. Tinanguan nya ako at dahan-dahang hinila palabas ng kwarto.
THIS IT!
Eto na ang kaba ko, nag-umpisa na. Na-tense akong bigla sa sinabi ni Yaya Lina and at the same time nakakaramdam ng galit.
Magkikita na kami ng aking asawa. Oh let me rephrase it! Ex-husband! Yes ex, although were not legally separated.
Mahigit tatlong taon nang hindi ko sya nakita dahil sinadya kong hindi magpakita sa kanya. Hindi ko alam kung anong una kong sasabihin o gagawin.
Susuntukin ko ba sya?
Sasampalin?
Sisipain?
Sasakalin hanggang sa hindi na sya makahinga pa?
Mumurahin to the max at sasabihan ng mga masasakit na salita tapos tatakbo ako papuntang kwarto?
BINABASA MO ANG
Operation: Seducing My Husband
Romance"Is it wrong to love a person too much?" ~ Ryah