Chapter 12

7.7K 126 1
                                    

Ryah's POV

Hindi ko namalayan na nakalabas na pala kami ng plane, shete natulala na kasi ako after the kiss.

Aish! Kiss lang yan pero parang huminto na ang oras sa mundo ko. Windang ako te!

By the way ang ganda dito sa resthouse nila Benj infairness ha?!

Yung house nila doon nakatayo sa may mataas na lupa na pinaliligiran ng mga puno ng niyog at mga halaman. Para syang little paradise dahil sa may bandang kanan nitong kinatatayuan namin ay may makikita kang maliit na lagoon na nilalanguyan ng iilang swan.

Ibinaba na ako ni Jeydon mula sa pagkakabuhat nya. Malayo palang ay tanaw ko na ang mga kaibigan ko doon sa cottage.

Teka asan nga pala si Eli?

Madaya ka Benjamin! Bakit ngayon mo lang kami dinala rito ha?! Kung di pa nag-comeback si Ryah di mo isa-suggest ang lugar na ito at hindi mo rin kami dadalhin dito! Ito ang usapang nalapitan namin ni Jeydon, ayan naman ang bibig ni A, reklamadora! Tsk Tsk ba't kaya di nalang magpasalamat e no? At least once in her life ay nakapunta sya rito.

Sorry naman. Kasalanan ko ba na di naman kayo nagtatanong? Tatawa tawang sabi ni Benj.

Hinampas naman sya ni A sa braso dahil sa sagot nito. Leche kang Benjamin ka dami mong pasakalye, aminin mo na kasi na gusto mo lang ma-sight ni Ryah ang place na to! Mga damoves mo eh!

Hoy Sis dahan dahan nandito yung pinag-uusapan nyo. Singit ni May ba ngumuso sa gawi ko. Napakamot naman si Benj sa ulo mukhang nahiya. Shems ang cute nyang gumanyan haha parang bata.

Oh sya makapag-ihaw na nga lang! sabi naman ni A na hinila muna si Francis bago ako inirapan, teka may nagawa ba ako at ginaganyan nya ako?

Noon ko naramdaman na humigpit yung hawak ni Jeydon sa kamay ko. Doon ko lang din na-realized na hindi ako ang iniirapan ni A kundi ang asawa ko.

Oo nga pala galit nga pala sya, I mean sila kay Jeydon dahil madalas sa kanila ako tumatakbo noon. Napahinga ako ng malalim.

Don't worry Wife. Everything will be fine soon. Just let me fix this. And I hope it will not be so long, I'm running out of time. mahabang sabi nya habang sinusundan nya ng tingin sila April.

Bakit parang nagpapaalam ang dating sakin nung mga sinabi nya. Parang bigla akong kinilabutan, medyo creepy kasi yung pagkakasabi nya na his running out of time.

Aish Ryah! guni-guni mo lang yan. Wag ka ngang overthinker! para kang tange!

Don't put colors again okay? dahil nung una mong ginawa yan napahamak ka lang!

---

April's POV

I don't get it.

I just dont!

After all of what he did?!

Ganyan na ba talaga katanga ang kaibigan ko sa lalaking yan?

Kahit anong isip ang gawin ko ayaw tanggapin ng utak ko ang sinasabi ni May na mukhang nagbago na raw ito. Ewan! Para kasing ang hirap paniwalaan na ganun ganun na lang yun.

Tapos ano?

Bandang huli, si Ryah na naman ang luhaan?

Ilang beses na niyang pinaiyak ang kaibigan ko. At lahat ng iyon nasaksihan ko, naming magkakaibigan.

Kaya di nila ako masisisi kung bakit ang hirap para sakin na pagtiwalaan ang lalaking iyan.

Kahit pa sabihan pa ni Ryah na unfair or judger ako so what? Kahit kelan hindi ako papabor sa mga reasons nya na para bang lahat ng ginawa ng nya ay kalimutan ko nalang basta.

Operation: Seducing My HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon