Chapter 20

6K 98 1
                                    

You ready? Tanong ni Jayden pagkapasok sa kwarto, ngiting ngiti pa sya sakin na akala mo naman super close kami, Tse! Mukha nya!

Gusto ko nga sanang sabihing hindi ako ready at gusto ko nang tumakbo palayo sa kanya ang kaso baka pektusan ako neto sa ngalangala at sipain hanggang tumorpet ako sa ere, isa pa nag-aalala ako na baka pag di ako sumunod sa gusto nya ay balikan nito ang anak ko, so I faked a smile on him bago ako tumango.

He held my hand and escorted me outside the room, sweet yung ginawa nya pero walang epekto sakin, walang kakaibang dugdug sa puso ko eh...

Si Jeydon...

Si Jeydon lang talaga ang nagbibigay sakin ng kakaiba ngunit masayang pakiramdam. Iyong mayroong kakaibang saya na pumupuno sa puso...

Tsk! Ang lala talaga ng tama ko sa asawa ko, naisip ko tuloy kung hindi ako naghiganti, kung hindi ko itinuloy ang plano, kung hindi ko sya iniwan, siguro masaya kami dahil mabubuo na ang pamilyang pinangarap kong mangyari noon sa piling nya. At malamang may operation version 3.0 ang seducing plan ko!

Just give me more days Wife, and I'll do better.

Those were his last words... he's begging at me that time, more days lang ang hinihingi nya pero bakit hindi ko sya nagawang pakinggan at pagbigyan.

Bakit naging matigas ako?

Bakit pinairal ko ang pride?

Pwede naman akong bumalik sa Cali nang kasama sya hindi ba bakit di ko ginawa?

Bakit kasi ganito ako? Bakit hindi ako nag-iisip ng maayos?

Ngayon puro nalang ako bakit. Kung sana pala pinagbigyan ko sya at kinalimutan na lamang ang galit sa puso ko, edi sana walang Jayden sa eksena.

Wala rin ako sa sitwasyong ito.

Kaya lang...

Huli na ang lahat...

Huli na para magsisi pa. Nangyari na ang nangyari.

Ang hirap lang kasi nang ganitong pakiramdam, iyong tipong abot kamay ko na lahat pero pinakawalan ko pa. Hinayaan ko pang mawala.

Sumakay na kami sa sasakyan nya, ang akala ko ay sya ang magda-drive iyon pala ay yung Azi.

Tss.. Bakit ba umeeksena din ang isang yan? Kay Jayden palang sira na ang araw tapos dumadagdag pa sya!

Masyado nang polluted ang mga mata ko!

Good Morning Young Master, Young Lady.. bati nya saka binigyan na naman ako ng kakaibang ngiti. Sinimangutan ko sya, bahagya syang natawa. Feeling close!

Sa airport tayo. Seryosong sabi ni Jayden na hindi tumitingin kay Azi. Nanatili lang ang mga tingin nya sakin habang ang laki ng ngiti.

Sarap takpan ng mukha neto, makangiti akala mo naman talaga gustong gusto ko na kasama sya.

---

Sa airport nga kami nagtungo. Mabilis na inihinto ni Azi ang sasakyan at bumaba saka lumigid papuntamg likuran.

Naunang bumaba si Jayden sakin para pagbuksan ako ng pinto pero di ko sya hinayaan. Ako mismo nagbukas ng pinto sa side ko.

Pagkababa ko palang nang sasakyan ay nakaramdam na ako ng kakaibang panlalamig, isang uri ng pakiramdam na ayaw na ayaw ko nang maramdaman pero sadyang ipinaparamdam sa akin.

Nanatili lang akong nakapako sa kinatatayuan ko habang ang mga mata ko'y nakatingin sa kabuuan ng paliparan.

Noon umalis ako para makalimot at magpakalayo layo, ngayon naman aalis ako kasama ang lalaking isa sa dahilan kung bakit ginusto kong makalimot noon.

Operation: Seducing My HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon