Chapter 11

8K 135 1
                                    

Nagising ako nang magvibrate ang phone ko, kinapa ko iyon sa may bandang tagiliran, dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko para mabasa kung sino yung tumatawag, nakasilent mode kaya di tumunog yung ringing tone.

Unregistered number calling...

Saka ko lang naidilat ng tuluyan yung mga mata ko, sino naman kaya to?

Hello... Medyo antok pang sabi ko. Anong oras na nga ba ako nakatulog kagabi?

RYAHHHHH!!!!!! Biglang sigaw ng nasa kabilang line. Tch! Agad kong inilayo yung phone, pero dinig padin yung boses dinaig pa yung loudspeaker hays!

Hoy! Bakit gone with the wind ang peg mo ha?! Ni hindi ka man lang nag-inform kainis ka! Tapos ngayon namang umuwi ka wala ding pasabi? Anong klaseng kaibigan ka! walang paramdam ganern?! Yan tayo eh! talak ng tinig sa akin, nakilala ko yung boses. Si April, napangiti ako, taklesa parin ang gaga.

Pano mo nalaman number ko? Nakangiti kong tanong sa kanya kahit na hindi naman niya iyon makikita.

Kay Benjamin! kanino pa ba? Tinatanong pa ba yun? Tanga ka eh! Parang di mo naman kilala ang 'sang yun pag umiral ang kadaldalan nadudulas! Hahaha!

At parang hindi rin kita kilala ano?! For sure blinockmail mo na naman si Benj! Blackmailer!

Oy hindi ah! ambait bait ko kaya kulang na nga lang sakin magkapakpak at gawing santa! Saka sadyang magaling lang talaga ako magpaamin ano?! Talent ko kaya yun! Aniya na proud pa. Kahit kelan talaga ang babaeng to. Sadista eh!

Whatever! O e bakit ka napatawag? Ang aga aga mong istorbo! Panira ka ng tulog! Pabironh sabi ko habang palabas ng kwarto, napansin ko kasing wala si Jeydon, saan na naman kaya ang lalaking iyon?

Istorbo?! Grabe ka ang sama mo ha! Ikaw na nga 'tong tinawagan ko kasi kahit may tama ka sa utak namimiss pa rin kita tapos ganyan ka? Ni walang thank you man lang? Nakaka-hurt ka ah!

So? pwede na ba ako kiligin nyan? Ang sweet mo e! Natouch ako infairnes!

Ay sureness naman teh! Sabay kaming nagkatawanan. Like the old days. Parang bigla kong namissed yung mga bondings namin na madalas ako ang sumisira dahil sa pagka-late ko. Pero at least dumadating ako kesa naman nang-iindyan diba?

Oy! babaita! bumawi ka naman! Mag-outing tayo para sa comeback mo! Galing ka lang ng California nakalimot ka na sa mga KA-I-BI-GAN mo! I hate you! Sabi nya na ipinagkadiinan pa yung salitang kaibigan. Maldita talaga!

Natawa tuloy ako sa sinabi nya. Sorry na! Masyado lang kasing maraming nangyari nung bumalik ako. Okay sige outing tayo sagot ko saan ba?

Hmm.. I'll text you later na lang mag-uusap usap muna kami, kelangan ng masusing botohan 'to e!

Ganun? Okay sige sige! Sabihan mo nalang ako. At naputol na ang pag-uusap namin. Nilibot ko ang aking paningin sa kabuuan ng sala kung saan ako naroon, wala din sya rito. Saan naman kaya sya nagpunta? Naalala ko yung nangyari kagabi.

FLASHBACK.

Hubby ko... hindi na ako makagalaw pwede bang pakawalan mo muna ako? ang intense ng yakap mo eh!  Eh totoo naman kasi, hindi na ako makahinga. Itong puso ko kasi parang timang, para niyakap lang ako ni Jeydon kung makatibok akala mo wala ng bukas eh!

Kalma ka lang heart okay? Wag O.A masyado, baka atakihin ka direcho ospital ang bagsak natin!

Oh! S-sorry...

Operation: Seducing My HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon