Chapter 3

12.2K 183 2
                                    

Natapos ang usapan namin sa ideyang dito magdi-dinner ang magaling na lalaking dahilan ng lahat. Nagpaalam na muna ako upang magpahinga kahit na hindi naman talaga ako pagod.

Pagka-akyat sa kwarto ay automatic na nagflashback sa isip ko ang nakaraan na ayoko na sanang maalala, ang nakaraan na sana hindi na lang nangyari.

Na sana noon palang napigilan ko nang maganap, pero wala eh. May mga pangyayari talaga na hindi natin kayang ma-kontrol.

I gave him my heart and soul but when he returned it, it was already broken and shattered in pieces and I can't able to put it back in it's normal.

---

Be ready for our dinner tonight Iha! You must get home early ayokong mapahiya tayo sa mga Alejandro, Understand? bilin ni Daddy matapos akong hagkan sa pisngi.

May lakad kami ngayon ng barkada, pinayagan nila ako na umalis sa isang kondisyon, kelangan ko raw umattend sa family dinner namin with Alejandro Achuchu family daw.

Okay Dad... patamad kong sagot, sa totoo lang ayoko sa dinner dinner echos na yan masyado kasing boring, kaya lang kasi nakapangako na ko kina Mommy at Daddy kapalit ng kalayaan kong umalis ngayong araw.

Sumakay na ako sa kotse at sumenyas kay Dad ng "Gotta Go", tumango naman siya bilang pagsagot. Nag-iisa lang nila akong anak pero kahit kelan hindi nila ako ini-spoiled, ayaw daw nilang lumaki ako na walang takot sa kanila gaya daw ni Eli, ang bruhilda kong pinsan na napaka-pasaway kina Tito at Tita.

Hay nakoooo! Late ka na naman!!! salubong agad sakin ni April habang nakapameywang na sinegundahan naman ni May ang kakambal nya. Para ka namang bago ng bago kay Ryah Sis! na ginatungan pa ni Francis, ang dakilang boyfriend ni April.

Alam nyo naman ang motto nyan It's better to be late than never! pagtulungan daw ba ako? Isa lang ako tatlo sila! Helloooo??!

Sobra naman kayo! Three minutes late lang naman ako ah!! pangangatwiran ko habang kakamot kamot sa leeg.

ANONG THREE MINUTES KA DYAN?!! HELLOOOO?! THREE MINUTES BEFORE TEN O' CLOCK KA NA DUMATING ANG USAPAN NINE DIBAAAAA!!!! highblood na si April at halos lumabas na ang ngalangala sa lakas ng boses nya.

Aray! nabingi naman daw ako dun! sabi ko nalang sa sarili ko habang nakatakip ang mga kamay ko sa magkabilang tenga ko. Eeee... sorry na kase! Promise di na ko mali-late! itinaas ko pa yung kanang kamay ko para mas convincing.

Don't make any promises again Ryah! dahil andaming beses ka na ring hindi tumupad. masungit na sabi Francis sakin habang napapailing. I pouted. Jusko pinagkakaisahan talaga nila ako!! Kasalanan kase to ni Dad eh! Ayan tuloy!

Keysa mag-away away at magsisihan kayo dyan... mabuti pang pumasok na tayo sa loob, nasasayang lang ang oras natin dito! sabi naman ni Benj na nagpatiuna nang maglakad. Oh Geez he's really my saviour!

---

Grabe ang sarap talagang mamasyal!! Woo!! Makapagselfie nga muna! sabi ko sa sarili ko sabay kuha ng phone ko sa bag at nagselfie. After nun at ini-upload ko na agad at may caption pang JGH from Mall with my friends.

Madilim na pala...

O___O

O shit! Lagot!

Agad akong napatingin sa relo, it's already seven in the evening, napakagat tuloy ako sa daliri ko. Saka nagmamadaling tinakbo ang pagpasok sa loob ng mansion hanggang marating ko ang dining area kung saan naabutan ko sila na nakaupo na sa hapag at kasalukuyan nang nagdi-dinner.

Operation: Seducing My HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon