As the lights turned on....What are you doing there? Salubong ang kilay na tanong ni Jayden na ikinapula ko agad kong hinablot yung kumot para takpan yung mahalay kong suot suot. Shems naman ee nahuli nya ko, nahuli nya akong nakasalampak dito sa sahig and worst sa nakakahiyang ayos pa!
KAKAHIYAAAA!!
Paano naman kase nahulog ako mula sa kama habang kinukuha ko yung remote ng dvd player sa bedside table para patugtugin yung music na magboboost ng ambiance, huhuhu ang sakit ng likod ko....
Ah.. eh.. nag--- nag-yoyoga! Hehe.. Tama! tama yun nga! Hindi magkandatutong palusot ko.
While the lights are off and with that getup? kunot-noo pa nyang tanong na parang di naniniwala. Hindi talaga ako magaling sa alibi eh!
Di talaga bumibenta kahit kelan!
Napakagat-labi tuloy ako. Jusko naman Ryah bakit ba kase ang lampa lampa mo?
Ah... yun na kase yung uso ngayon hehe... namumulang sabi ko pa din habang pinipilit na tumayo mula sa pagkakahulog.
I see, so are these stuffs are also part of your yoga session? Tanong nya, habang lumilibot yung paningin sa kabuuan ng kwarto, napansin nya na kase yung mga pinagagawa ko dito sa loob. Waaaa gusto ko nang mawala dito sobrang nakakahiya na talagaaaa!!!
Jusko! Please lang wag mo akong titigan na para bang isa akong dyosang nawalan ng pakpak! Huhu.
Ah... eh.. wag mo na lang tanungin, tulungan mo na lang ako tumayo dito please?? sabi ko na pigil ang sarili ko na maiyak dahil sa isa na namang kapalpakan ko.
Tinulungan nya akong makatayo ang kaso na out of balance kaming pareho kaya naman napahiga ako sa kama at sya naman ay napadagan sa ibabaw ko. Nagkatitigan kami, sa ayos naming ito ay nakadama pa ako ng excitement, mangyayari na ba?
Mangyayari na ba yung moment ko???? Geez ready'ng ready ako kung ganun na nga! This is really is it! Yessss!!...
Kita ko yung paglunok nya, oh my eto na talaga yun! I'm so excited! Naramdaman ko na unti unti nang bumibilis yung tibok ng puso ko at ng puso nya kaya naman napapikit ako upang mas marinig ko ang musikang nililikha ng aming mga puso.
Jayden...
Biglang nawala ang musikang yun nang umalis sya mula sa pagkakadagan sakin, narinig ko na lang na bumukas yung shower sa banyo.
Napakagat-labi ako dahil napahiya ako, rejected na naman ang kagandahan ko. Inayos ko na lamang ang sarili ko, ayokong makita nyang gising pa ako pagkalabas nya ng banyo ayoko na uling mapahiya ngayong gabi quota na ako please.
----
Matamlay akong bumangon sa higaan, nilibot ko yung paningin ko sa buong silid, wala na yung rose petals, yung pinaghirapan kong ambiance, yung wine at si Jayden...
And all that was left here is me.
Mapapakanta ka nalang talaga ng Alone.
Ano pang silbi ng master's bedroom kung ako lang palagi ang narito? May pa-King size pa silang nalalaman na tawag sa kamang nabili namin samantalang di ko naman ata deserve dahil wala naman akong King!

BINABASA MO ANG
Operation: Seducing My Husband
Roman d'amour"Is it wrong to love a person too much?" ~ Ryah